21

3.5K 151 8
                                    


Chapter 21
Kaide Nera's POV;
"D-Dad." Ani ko habang nakaupo sa pinaka bench ng garden ng penthouse kaharap ang laptop kung nasan sina papa at dad.

"Cai what is it?" Nagtatakang tanong ni papa kay dad na mukhang tinatanong niya kung bakit gusto ako makausap ni dad.

"Are you inlove?" Walang paligoy ligoy na tanong ni dad na kinabato ko sa kinauupuan ko at muntikan ko pang mahulog yung hawak kong laptop dahil sa pagkagulat.

"Ow?inlove whose that lucky girl baby boy?" Tanong ni papa na kinalunok ko.

"It is Caito?" Sunod na tanong ni Dad na kinagulat ko.

'Wtf.'

"Cai ano bang sinasabi mo magkapatid sila." Rinig kong sambit ni papa na kinalamig ko sa kinauupuan ko.

'Pucha anong sasabihin ko? Ayokong magsinungaling kina papa pero ayoko din namang magtago.'

"Kung ano mang meron sainyo ni Caito putulin mo na Kaide magkapatid kayo ni Caito." Ani ni dad na kinayukom ng kamao ko.

"Cairo anong---."

Bago pa ako makapagsalita namatay na ang tawag.

Hindi pa nga kami nakakapagsimula puputulin na agad?

'Tangna.'

---
"Ayos ka lang?" Tanong ni Caito ng makaupo ako sa gilid ng kama habang siya nakasandal sa head board at kumakain.

"Nakausap ko si dad." Bulong ko bago tingnan si Caito na patuloy pa din sa pagnguya.

"Iniexpect ko ng sasabihin nina dad na itigil natin ito." Sagot niya na muntikan ko ng ikahulog sa kinauupuan ko.

'Pucha?seriously ganun lang yun?'
"Teka sinasabi mo bang itigil na natin agad ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin kay Caito na parang wala lang na kumakain.

"Wala akong sinasabi sabi ko lang iniexpect ko na ang sasabihin nila." Sagot niya na kinakunot ng noo ko.

"So?gusto mo itigil na natin ito dahil sa sinabi nila?" Tanong ko pucha pakiramdam ko binangga ng isang libong truck ang dibdib ko sa sobrang sakit.

"Anong ititigil natin may nasimulan na ba tayo?" Tanong niya na kinatahimik ko.

Ano nga bang ititigil namin?ito bang nararamdaman ko?

"Maoobliga lang naman tayong itigil kung anong meron tayo kung tatanggapin ko offer nina papa na maging parte ng pamilya niyo." Ani ni Caito makalipas ang ilang minuto na kinatingin ko.

"What do you mean?" Tanong ko kay Caito na tahimik na umiinom ng gatas habang nakatingin sa kawalan.

"Wala naman talaga akong balak tanggapin ang offer nina papa una pa lang dahil pumunta lang naman ako dito dahil sayo hindi para maging parte ng pamilya niyo." Dagdag ni Caito bago ako tingnan.

"Kung gusto ko man makitang nakasulat ang pangalang Caito Nera ayoko yung makita sa birthcertificate." Ani ni Caito na kinalakas ng tibok ng puso ko.

'Putangna.'

"Mas gusto ko kasing makita yun katabi ang pangalan mo sa isang marriage contract." Banat ni Caito.

"M-Minsan mas gusto ko na lang talagang tahimik ka kaysa dumadaldal ng ganyan." Ani ko habang pilit na tinatago ang pamumula ko.

'Pucha masama na ito, kabaklaan na talaga ito.'

"Sinasabi ko lang kung anong naiisip,gusto at nararamdaman ko." Balewalang sagot niya na kinangiwi ko.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon