41

1.9K 86 1
                                    


Chapter 41
Airo Nera's POV;
Hindi ko maiwasang kabahan ng tumigil kami sa isang bakanteng lote at sa gitna nun ang napakalaking gusali.

"Baba." Utos ng mukhang bauncer na nagbukas sa backseat at parang laruan akong hinila palabas kasunod si Caito na hindi man lang nakikitaan ng expression.

Hindi ko alam kung ano silang klaseng tao pero alam kong nasa alanganin na kaming sitwasyon ngayon lalo na may nakikita akong mga baril.

'Ano ba sila gang?pero imposibleng ordinaryong gang lang sila dahil sa mga ibat ibang klaseng armas na hawak nila.'

"Airo kung may binabalak ka wag mo ng ituloy hindi sila mga basta gang lang na nakakabanggaan niyo sa university." Ani ni Caito habang naglalakad kami na kinabitaw ko sa taling nasa kamay ko at kinabuga ng hangin.

3rd Person's POV;
"Welcome to my basement Nera at ... Porter."

Napako sa kinatatayuan ang binatang si Caito ng makita ang lalaking nakamaskara at nakaupo sa isang kahoy.

"Ano bang kailangan niyo saamin?" Nanggagalaiting sambit tanong ni Airo na mas kinangisi ng lakaki at tumayo.

"Hindi mo na ba ako naalala? Cairo?" Tanong ng lalaki bago napalitan ng kakaibang galit ang expression at mabibigat ang paang lumapit sa binata.

"Ang dali mo naman yatang nakalimutan ako." Nanggagalaiting sambit ng lalaki bago hablutin ang panga ng binata na kinangiwi ni Cairo dahil sa sakit.

"Bitawan mo siya ano ba talagang kailangan mo saamin?" Bored na tanong ni Caito na mas kinagitgit ng lalaki dahil sa nakikitaan ito ng walang interes.

"Kyo pre kumalma ka lang wala pa yung isa tiyaka mo na sila harapin once na dumating na yung isa." Sabat ng lalaking naglakakad palapit sa nangangalang Kyo at tapikin ito ng mahina.

Caito's POV;
Base sa observation ko sa lalaki kanina wala siya sa tamang pag iisip.

"Nagkita tayo ulit ... Luc." Nabato ako sa kinauupuan ko at napaangat ng tingin ng may nakita akong pares na sapatos at magbanggit siya ng pangalang lagi kong naririnig sa isip ko.

"Sa nakikita ko sayo mukhang nakalimutan mo na." Nakangising sambit niya bago hawakan ang baba ko at ilapit ang mukha niya sakin dahilan para matamaan din yun ng liwanag at---.

'H-Hindi.' Hindi ko maiwasang manlamig ng may mga scene na pumasok sa utak ko at---.

"Ahhh!" Sigaw ko ng makaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo ko matapos kong iiwas ang ulo ko at pilit na kumawala sa mga tali dahil sa sobrang sakit.

"Hayop kayo!anong ginawa niyo kay Caito!" Rinig kong sigaw ni Airo pero mas nangingibabaw ang sakit at mga boses na parang sirang plaka na umuulit ulit sa utak ko.

---
"Promise dad i'll do everything to make my papa proud."

"Aww ang sweet naman ng baby boy ko."

Bakit ang labo? Hindi ko makita ang mga mukha nila.

"Proud pa din naman sayo si papa manalo ka man o matalo." Malumanay na sambit ng lalaki.

Siya ba si papa Kace? Pero imposible iba ang pakiramdam na ito pagkaharap ko si papa Kace kaysa sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Caito wake up!"

'Kaide.'

"Caito!"

"Caito pala tawag niyo sakanya katawa naman."

"K-Kaide." Bulong ko ng unti unting luminaw ang paningin ko at nakita ko si Kaide na may ibat ibang sugat sa mukha.

"Thanks god ayos ka lang." Bulong ni Kaide na kinaubo ko ng pakiramdam ko kinapos ako ng hininga.

"Katulad ng inaasahan sayo Kace." Nakangising sambit ng lalaki habang si Airo inaalalayan akong tumayo ilang oras ba ako nawalan ng malay?

Kaide Nera's POV;
Wala na akong lakas ilang grupo ng gang at ilang pro killers ang nakabanggaan namin kanina sa baba at sa kalkula ko hindi basta grupuhan lang ang mga nandito sa loob tagilid kami.

Nang tingnan ko sina Roqas halos hindi na din ito mga makatayo ng tuwid dahil sa mga sugat.

"Ilang beses ko ng sinabi sainyo ama namin ang hinahanap niyo." Ani ko na mas kinangisi ng nakamaskara.

"Eh di mas lalong maganda para pagbalik na pagbalik nila mga kabaong niyo ang nakapila at hindi na ako makapag aantay na makita yun." Nakangising sagot niya na kinayukom ng kamao ko.

"Ano bang kasalanan nina dad sainyo at ganyan na lang kayo kagalit." Tanong ko na kinabura ng ngisi ng lalaking nakamaskara at mas kinabigat ng athmosphere.

"Sinira ng demonyo mong tatay ang buhay ko nakikita mo ang mukhang ito ha?!" Nagdidilim ang anyong sambit niya pagkatapos tanggalin ang maskara at kitang kita dun na halos buong mukha niya may sunog.

"Masyado ng malaki ang kasalanan ng pamilya niyo saakin." Ani ni Kyo nakikilala ko na siya dati siyang kabandmate ni Jace.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha niya dahil isa sila sa sumira ng kainosentehan ko kasama ang tunay kong ama.

"Pakawalan mo sina Caito ako kailangan mo diba?" Ani bago punasan ang gilid ng labi ko at tumayo.

"Caito? Nagpapatawa ka ba? Kilala mo ba kung sino yang gusto mong iligtas ha?" Nakangising sambit ni Kyo.

"Isa lang ang tunay mong ina sa biktima ng mga kademonyohan ng tunay ng pamilyang pinoprotektahan mo." Dagdag ni Kyo na kinabato ko sa kinatatayuan ko.

"Base sa reaksyon mo mukhang hindi din sayo nasabi ng tatay at tatayan mo ang nangyari sa tunay mong ina." Pang aasar niya na kinayukom ng kamao ko.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa mga sinasabi mo?!" Nanggagalaiting sigaw ko bago sila sugurin pagkatapos kong damputin ang hawak kong bakal at ihampas yun sa mga kalabang nagtatangkang lumapit saakin.

Patuloy ko lang yung ginagawa hanggang sa---.

"Wag!"

Napalingon ako ng marinig kong sumigaw si Kiyo at makitang pilit na pinoprotektahan si Vio na mukhang may tama.

"Kiyo!" Lalapitan ko sila ni Vio ng--.

"Saan a pupunta?"

"Arghh!" Daing ko ng may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko na dahilan para bumagsak ako at makaramdam ako ng sobrang hilo.

3rd Person's POV;
"Tama na!" Sigaw ni Caito ng makitang halos mabugbog ang grupo ng Beast at Anchor ng maglaban ang mga ito kasama ang kasintahang sunod sunod na umubo ng dugo.

"Subukan mong gumalaw diyan sa kinatatayuan mo Porter wala nang limang minuto ang dadagdag sa buhay ng mga kaibigan mo." Nakangising sambit ng kasama ng lalaking si Kyo bago ikasa ang baril at itutok sa ulo ng kasintahan na kinayukom ng kamao ni Caito.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo diyan ... baka pwedeng makisali."

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon