Chapter 43
3rd Person's POV;
"Ilang buwan na simula ng dalhin ka dito hindi ka lumalabas ng kwarto mo anak." Malumanay na sambit ng babae na may berdeng mga mata at pulang buhok."Wag niyo na lang ako pakialaman." Walang buhay na sambit ng binata habang nakasandal sa head board at yakap ang dalawang tuhod.
"Anak nakabalik kana hindi ka ba masaya? Kasama mo na ulit kami." Nag aalalang tanong ng babae bago umupo sa gilid ng kama at hahawakan nito ang ulo ng binata ng mabilis itong umiwas.
"Iwan niyo muna ako gusto ko mapag isa." Walang emosyong sambit ng binata.
"Sige." Sagot ng babae bago bumuntong hininga at maglakad palabas ng kwarto.
"I miss him." Bulong ng binata bago tumingin sa pinakalabas ng veranda kung saan kitang kita ang buong city.
---
"Ang ganda niya kainsecure mygod." Bulong ng dalagang si Devina habang nakatingin kay Caito na sinusundan ng tingin ng mga bantay na tauhan.Nakalongsleeve ito na puti at pajama na mas lalong nagpatingkad sa maamo nitong mukha at kagandahan nitong nilalang.
"Mukha talaga siyang anghel." Natatawang bulong ng binatang nangangalang Art habang humihithit ng sigarilyo.
"Pero ang lungkot niya." Sabat naman ng nangangalang Black na kinatahimik ng apat nitong kasamahan kitang kita kasi yun sa mga mata ng binata.
"Sinabi ko na ayoko." Walang buhay na sambit ng binatang si Caito kaharap ang ina at ilang lalaki na kinatinginan nina Devina at Leonel ng makalapit sila.
Caito's POV;
Hindi ko maiwasang magitgit ng sabihin ni mama na kailangan ko magpakasal para daw sa organization."Makinig ka Luc kailangan mo magpakasal para sa pamilya." Medyo naiinis na sambit ni mama na siguro ay napapahiya dahil sa mga inaasal ko.
"Hindi ito ang pamilya ko nasa pilipinas sila at wag niyo ako pilitin sa ayaw ko dahil hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko once na pakialaman niyo pa ako." Pagbabanta ko ng---.
"Bastos ka!" Iigkas ang kamay niya para sampalin ako ng may sumalo nun at---.
"Mawalang galang na Auntie pero hindi pa tapos ang mission namin dito." Sabat ni Art yung lalaking nagdala saakin dito.
"Ibalik niyo yan sa kwarto niya mamaya tayo mag uusap Luc." May diing sambit ni Mama imbis umimik tumalikod na ako at naglakad palayo.
3rd Person's POV;
"Ang ganda." Bulong ni Caito ng makarating siya sa isang green house na punong puno ng bulaklak pagkatapos niyang ikutin ang buong palasyo.Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa may makita siyang lalaking mukhang nagdidilig ng halaman.
"Excuse me." Ani ni Caito na kinalingon ng lalaki na bahagyang kinatulala ng binata.
"May kailangan ka Young master?" Malumanay na tanong ng binata na may maamong mukha bago ngumiti.
"Ahm kayo po ba nag aalaga ng mga bulaklak dito?" Tanong ni Caito habang pilit na inaayos ang sarili matapos nito matulala sa magandang nilalang na nasa harap niya.
"Ang gaganda ng mga bulaklak diba?" Nakangiting sambit ng lalaki bago pumitas ng isang bulaklak at iabot yun sa binata.
"Ang ganda po." Bulong ni Caito bago kuhanin ang bulaklak na binigay ng lalaki.
"Ikaw ba yung tinatawag na tagapag mana ng pamilya ng mga Porter?" Tama nga sila napakaganda mo.
Nakangiting komento ng binata na kinayuko ng binatang si Caito.
BINABASA MO ANG
The Beast Untamed Beauty
Teen FictionPrologue "Kaide hindi ako yung taong katulad iniisip mo hin---." "Tell me Caito anong gusto mong isipin ko." Kalmadong sabit ng binata. "Hindi mo ako naiintidihan Kaide." Ani ng binata habang patuloy na sa paglandas ng luha na nanggagaling sa mga be...