38

2.2K 90 1
                                    


Chapter 38
Kaide Nera's POV;
"Goodmorning president." Bati ng ilang highschool student habang nakatayo ako dito sa gate.

"Morning." Bati ko na kinailing oo bahagya ng halos himatayin na ang ilang babae ng batiin ko sila pabalik.

Ilang linggo na din ang lumipas at natahimik na ang buong university may mga gulo pa din naman nangyayari pero normal pa yun sa normal na nangyayari sa university lalo na pag ginawa talaga ito para sa mga gang.

Nasanatize na din ang buong campus at mukhang safe naman na dahil wala ng nadala sa ospital na related sa lason. Sana hindi na masundan pa dahil may ilang estudyante na ang dadrop out dahil sa mga insidenteng nangyayari sa campus.

"Nera." Natingin ako kay Kiyo ng makapasok ito sa gate at makipag bombfist sakin kasunod ang kambal na si Cason at Thallio.

"Nera, Cas at Kiyo una na ako may meeting pa kasi kami sa music club byebye." Paalam ni Thallio bago kumaway samin at naglakad papasok.

"May problema ba?" Ani ko ng makitang bumuga ng hangin si Kiyo bago iabot sakin ang isang newspaper na agad ko kinuha at tiningnan.

"Headline?what's this all about?" Bored na tanong ko isa lang naman yun sa isang batang lalaki na nawawala.

"Isa yan sa estudyante sa university na natin na nasa elementary building." Ani ni Cason na kinatigil ko.

"Pero last month pa ang newspaper na ito diba?nahanap na ba yung bata?" Tanong ko na kinatahimik ng ilang minuto nina Cason.

"Wala na yung bata at natagpuan siya sa bakanteng lote hindi kalayuan dito." Ani ni Cason.

"Damn it." Mura ko bago suntukin ang bakal na gate na kinatingin ng ilang estudyante.

Panibagong problema at issue nanaman ito ... pero ang mas inaalala ko yung bata. Wala naman siguro kinalaman ang mga estudyante dito diba.

"Nagkataon lang naman ito diba?" Ani ko bago tingnan sina Cason.

3rd Person's POV;
Ilang minuto ang lumipas simula ng dumating si Caito sa opisina ng binata. Nanatili lang itong nakatayo habang nakatingin kay Kaide na nakatulala sa kawalan habang nakaupo sa swilve chair.

"May problema nanamam ba?" Napatingin si Kaide ng magsalita Caito mula sa pinto.

"Kanina ka pa ba?" Balik na tanong ni Kaide ng pumasok si Caito at isara ang pinto.

"7 minutes na." Walang buhay na sagot ni Caito na kinabuga ng hangin ni Kaide bago umayos ng upo at tapikin ang dalawang hita niya para dun umupo ang binata.

"Pwede mo naman sabihin sakin ang problema mo makikinig lang naman ako." Bored sambit ng binata na kinatawa ng mahina ni Kaide bago yakapin ang katawan ng kasintahan pagkaupo nito sa mga hita.

Caito's POV;
"May isa lang kasing estudyanteng batang lalaki ang nakidnap galing sa elementary department lastmonth and natagpuan siya sa bakanteng lote kanina." Ani ni Kaide na kinatigil ko sandali.

"Puno ng saksak yung bata sabi din sa autopsy ilang beses ginahasa bago pinatay. Sino naman bang demonyo ang gagawa nun pati bata---Caito ayos ka lang?" Rinig kong tanong ni Kaide ng mapahawak ako sa ulo.

Ito nanaman masakit at kung ano anong scene nanaman ang pumapasok sa utak ko.

'Come here Luc.'

"Aray!" Muntikan na akong mahulog na kinamura ni Kaide ng makaramdam na talaga ako ng sobrang sakit at parang binibiak ang utak ko.

'Luc.'

"Caito!" Rinig kong sigaw ni Kaide hanggang sa unti unting nagdilim ang lahat.

'Anong nangyayari?sino sila? ... sino yung L-Luc.'

Kaide Nera's POV;
"Amnesia?" Ani ko habang nakatingin sa doctor.

"Walang nasasabi samin sina papa." Dagdag ko.

"Anong ibig sabihin nito doc possible pang bumalik ang ala ala ni Caito kahit ilang taon na ang lumipas?" Sabat ni Eros.

"Base dito sa lumabas na result hindi basta accident ang nangyari kay Caito. Ang naging cause ng pagkalimot niya is yung kusang binura yun ng isipan niya at ngayon mukhang unti unti ng bumanalik yun na dahilan kung bakit nawalan ng malay ang kapatid mo Mr.Nera." ani ng doctor na kinatahimik ko ng ilang minuto.

Ganun ba kalala ang nangyari kay Caito para kalimutan niya yun at burahin sa sistema niya?

---
3rd Person's POV;
"Gusto ko ng makita ang anak ko." Ani ng babae na may bahid na lungkot sa boses.

"Konting panahon pa Yurika ... konting panahon pa." Sagot ng lalaki na may napakaamong mukha bago tumingin sa napakalaking buwan na nasakanilang harapan.

"Makikita din natin siya.

---
"Ohmygas!kuya Leonel!ang gwapo niya." Kumikinang ang matang sambit ng babae habang nakatingin sa binatang nakasuot ng headset sa leeg at tahimik na pinanonood ang mga batang naglalaro sa mini park sa university.

"Eh akala ko ba kay White ka?" Tanong ni Leonel na kinanguso ng dalaga.

"Ayoko na sakanya duhhh eh mas mukhang type ka nun kaysa saakin laging nakabuntot sayo." Ani ng dalaga na kinasamid ng nakakatandang kapatid.

"Ano bang pinagsasabi mo Devina kaya lang kami laging magkasama dahil sa mission lang natin dito ... at isa pa pareho kaming lalaki." Pokerface na sambit ni Leonel.

"Ma'brother we have a two father like duhh they exist." Pagtataray ni Devina bago umirap sa kawalan at tingnan ulit ang binatang simula ng unang makita ay laging sinusundan.

"Honey!" Napatingin ang dalawa ng may lalaking nanakbo palapit sa binata at parang batang nagtatalon.

"Look honey kyaaah! Ohmygosh naperfect ko na yung song na ginagawa ko." Excited na sambit ng lalaki na kinagat labi ng binatang si Leonel para maiwasang matawa ng umuusok ang ilong na umismid ang kakambal.

"Isa din siyang paminta ... pamintang durog grrr." Ani ng dalaga bago mabibigat ang paang umalis dun na kinahagalpak ng tawa ng kakambal.

Cason Lopez's POV;
"Bitawan niyo nga ako mga panget!"

"Ms naman wag kang maingay sigurado namang masasarapan ka din naman dito. Mayaman kami kayang kaya ka namin bayaran."

'Bwisit ang iingay.' Minulat ko ang mga mata ko at naiinis na tumingin sa ibaba nitong malaking cabinet kung saan ako nakahiga.

"Mga bastos!like duhhh may taste namam ako kahit papaano at anong tingin niyo sakin cheap? Mas mayaman p---."

"Alam niyo bang nakakaistorbo kayo sa pagtulog?" Bored na sambit ko bago umupo sa kinahihigaan ko at tingnan silang apat kasama yung babae na nanlalaki ang matang nakatingin sakin.

"Putangina pre isa sa miyembro ng Beast sibat na!"

Nagkanya kanyang takbo ang tatlong lalaki palabas ng stock room habang yung babae nakatitig pa rin sakin na kinapokerface ko pagkatapos ko itong ihead to toe.

"Nagtataka ka kung bakit ka nabastos at sinabi yun ng mga gagong yun?" Out of the blue na sambit ko bago tumalon pababa at nakapamulsahang tingnan yung babae.

"Daig mo pa ang nagcocost play sa tyura mo orange hair,hindi na mini skirt suot mo pencil cut na yata yan at pag tumuwad ka kita ng buong kaluluwa at minsan try mo din magbra para hindi bumabakat yan." Bored na sambit ko na kinanganga niya ng sobra.

"W-Wth! Pano mo nasasabi yan sa isang magandang babae na tulad ko ha?!" Bulyaw niya sakin na kinailing ko bago tumalikod.

"Hindi basehan ang ganda para hindi ka matutong irespeto ang sarili mo." Walang buhay na sagot ko habang naglalakad palabas ng classroom.

Aattend na lang siguro ako ng klase at dun matutulog.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon