Stolen Hearts

933 23 3
                                    

Golden Amille Rivero is shining bright like a diamond as she build her own name in modelling industry. Isa na siya ngayon sa pinakapipitagang modelo sa Japan. Nakilala siya sa taglay na ganda nito't husay sa pag-momodelo. Nagsimula siya sa pa-extra extra lang hanggang sa ma-diskubre ng isang malaking agency at tuluyan na ngang nakilala ang pangalan niya.

Sa kabila ng mga batikos sa kaniya dahil sa kaniyang nakaraan, nagpatuloy siya. 

Gusto niyang may mapatunayan. 

Gusto niyang mapatunayan ang sarili niya. 

Sa loob ng tatlong taong pag-momodelo, masaya naman siya. Sa katunayan nga'y kabi-kabilaan ang projects na inaalok sa kaniya. Hindi na niya alam ang uunahin. Hindi na niya alam kung alin ang pipiliin. Lahat kasi ng makakatambal niya ay kilala sa showbiz at talagang may pangalan na sa industriyang kaniyang tinahak.

Pero balewala lang iyon. Iisa lang ang gusto niyang makatambal.

Hindi niya alam kung bakit napunta siya sa gan'tong industriya. Wala naman siyang planong mag-modelo noong bata pa lang. Pangarap niya kasi talagang maging isang tanyag reporter ngunit hindi iyon ang nangyari. Hinayaan niya na lang. Iyon ang gusto ng tadhana, sino ba siya para kalabanin iyon?

At mas gusto na niya ito dahil kahit papa'no, napaglalapit sila ni Robber Frint Sederia-- ang bokalista ng sikat na banda sa Pilipinas at ex-boyfriend niya.

Tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi na muli pa silang nagkita matapos niyang lumipad sa Japan para magmove-on. 

Hindi siya hinanap. 

Hindi siya binalikan.

Inasahan na niya iyon. Ano ba naman ang sakit na dinaranas niya ngayon kumpara sa sakit na naramdaman ni Robber no'ng nasa pilipinas pa siya at sila pang dalawa? Wala siyang karapatang manumbat dahil siya pa nga ang dapat na humingi ng tawad.

Hinaplos niya ang magazine na naglalaman ng achievements and awards na natanggap ng 'The Neonlights' sa Musikatha Awards na idinaos noong nakaraang linggo lamang. Hindi na siya nagpunta. Hindi pa siya handang makita si Robber.

Dumako ang paningin niya sa dating kasintahan. Nakatingin ito sa camera na animo'y nang-aakit.

Wala pa rin siyang pinagbago...

Naroon pa rin ang mapupungay na mga mata nito. Tila tumingkad pa 'ata ang pagka-berde ng mga ito, dinagdagan pa ng flash ng camera. Ayun pa rin ang mahaba niyang buhok na bumabagay talaga sa kaniyang mukha. Matangos na ilong, nakakahiwang panga na kung umigting ay animo'y nanggigigil. Makurba at makapal na labi. Pulang-pula ang mga iyon at natural ang kulay.

Siya na ang magpapatunay, malambot ang mga iyan.

Napatigil siya sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kaniyang unit. Si Lavi, ang kaniyang assistant. "Ready ka na, Golden?" tanong nito at pumasok.

Agad niyang sinara ang magazine at isinuksok iyon sa maletang nasa tabi niya. "Yup, let's go?"

Tumango si Lavi at tinulungan siya sa pagbubuhat ng mga gamit niya.

Sa wakas, sa loob ng tatlong taong pamamalagi sa Japan ay makakatapak na siyang muli sa Pilipinas. Hindi pa man siya handang makita si Robber, kailangan niya itong gawin para manumbalik ito sa kaniya.

Bahala na kung anong mangyari. Basta, lahat ng sakripisyong ginawa sa kaniya noon ni Robber, ibabalik niya ngayon.

Katulad ng kaniyang inasahan, dinagsa siya ng mga nagkukumpulang reporters nang makatapak sa airport.

"Ma'am Rivero! Ma'am Rivero!"

"Miss Golden! May itatanong lang po kami!"

"Miss, how's your stay in Japan?!"

"Ma'am Golden! Interview lang po!"

Nakatungo lamang si Golden at hindi tinapunan ng tingin ang mga reporters. Natatakot siyang matapilok kaya nagpa-alalay siya kay Lavi.

"Miss, what's your relationship with Mr. Robber Sederia?!" 

Hindi niya iyon pinansin. Ayaw niyang pag-usapan iyon.

"Ma'am, nakamove-on na po ba kayo?!" 

Muli, inignora niya iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Nananakit na ang tainga niya at gusto na niyang makaalis dito! Gusto na niyang magpahinga.

"Miss, did you know that Mr. Sederia got married this year? Ano pong masasabi niyo rito?!" 

Doon siya napatigil sa paglalakad. Halos tumigil rin lahat ng tao sa airport at inabangan ang isasagot niya.

Tinignan niya ang napalunok na reporter. Dahan-dahan niyang ibinaba ang suot na shades at matalim na tinitigan ang babae. "What did you say?" 

Nanahimik ang kaninang nagkaka-ingayan na reporters.

Nanginig ang babae. "R-robber Sederia is married..."

Kumunot ang noo niya. "Kanino?"

"M-miss Lovely Buenafe..."

Napaiwas siya ng tingin.

Sila na pala.

Hindi niya sinagot ang babae at nagpatuloy ito sa paglalakad. Muling nagkagulo ang mga reporters na siyang pinaalis ng kaniyang mga bodyguard. Agad siyang pumasok sa kaniyang van at humalukipkip.

Hindi niya alam ang balitang iyon. Hindi kailanman nakarating sa kaniya na ikinasal na pala si Robber ngayong taon.

Napasapo siya sa kaniyang noo nang bahagyang nanakit iyon.

Kailangan niya nang kumilos. Hindi na siya dapat magpaligoy-ligoy. 

Hindi pa man nakakapagpahinga ay agad siyang dumiretso sa bahay ni Robber. Hindi man siguradong doon pa rin nakatira ang dating nobyo, nagpatuloy siya.

Bahala na nga si Batman!

Kumatok siya sa pinto ng bahay. Aminado siyang kabang-kaba siya ngunit wala nang atrasan 'to. Desidido na siyang kunin muli si Robber.

Sa pangatlong katok ay bumukas ang pinto. Sumalubong sa kaniya ang topless na si Robber. Nagulat siya sa nakita at umawang ang bibig niya.

Akala niya walang nagbago rito... ang katawan pala! Lumaki!

Nang iangat niya ang tingin sa mukha ng binata ay halos maglaway siya.

Ang gwapo!

Tumikhim siya at inayos ang sarili. Ngumiti siya nang malapad, sinisigurong maaakit niya ang binata. "Miss me?" mapang-akit na bungad niya, kagat-kagat pa ang labi.

Kumunot ang noo ni Robber na siyang pinagtaka niya. "Who are you?"

Bumagsak ang balikat niya sa narinig. "W-what do you mean?"

"What are you doing here? Sino?." Inosente ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. 

Halos manlambot ang mga tuhod niya. "R-robber..." usal niya.

"Hon?" 

Sabay silang napalingon sa babaeng nasa likod ni Robber.

Lovely Buenafe...

"Yes, hon?" sagot naman ni Robber at yumapos sa asawa.

Nagbadyang tumulo ang mga luha niya pero pinigilan niya iyon.

Anong nangyayari?

Tumingin sa kaniya si Lovely at ngumiti. "Oh, Golden! Nakauwi ka na pala? I'm so happy to see you!" Niyakap siya ng babae. "What are you doing here in our house pala?"

In our house? Bahay namin ito ni Robber. Binili niya ito para sa akin!

"A-ah.. bumibisita lang..." nauutal niyang sagot at pilit umiwas sa kuryosong mga mata ni Robber.

"What's her name again, hon?" dinig kong tanong ni Robber.

"Golden Rivero! My friend!" masayang sabi ni Lovely. 

Nagulat na lang silang pareho nang biglang dumaing ng sakit ng ulo si Robber.

May amnesia siya...

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon