64: Rudy

129 8 2
                                    

Kabanata 64 : Rudy

"She's obsessed with Robber, bro." 

"Nah, she's fucking sick. Hindi na biro iyong ginawa niya. Papatay na siya ng tao!"

"Mabuti na lang at dinaanan natin si Robber doon."

"Shut up. Golden's awake." 

Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko dahil sa narinig na ingay. Dali-dali namang nagtakbuhan sina Winter papunta sa kama kung saan ako nakahiga.

"Golden, are you okay?" puno ng pag-aalalang tanong ni Winter.

"May masakit ba sa 'yo?" tanong naman ni Haiji.

Nangunot ang noo ko pero hindi ko na siya pinansin pa. "Nasaan si Robber?" Iyon kaagad ang unang naibulalas ko.

Wala akong kaalam-alam na gano'n pala ang kalagayan ni Robber. Kaya pala hindi siya nagpaparamdam sa loob ng dalawang buwan dahil hawak siya ng hayop na si Lovely.

Talagang ipakukulong ko ang isang 'yon.

"He's still asleep. Nandoon siya sa kabilang kwarto." sagot sa akin ni Winter.

"Si Lovely naman, tumakas. Hindi na namin nahabol pa kasi nataranta kami sa pagdala sa inyo rito sa ospital."

Nanlaki ang mga mata ko at agad napaupo dahil sa sinabi ni Moon. Bigla naman silang nataranta sa paglapit sa akin para alalayan akong muli sa paghiga pero tinabig ko lang ang mga kamay nila. 

"Anong sinabi mo?!" sigaw ko. 

HIndi pwede! Hindi pwedeng makaalis si Lovely! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niyang pambababoy kay Robber! Dapat siyang makulong!

Dahan-dahan akong inihiga ni Winter sa kama habang unti-unti akong pinapakalma. Huminga ako nang malalim. "'Wag kang mag-alala, Golden. We'll look for her, okay? Just rest. Baka mapano ang baby mo." 

"Wait, you're pregnant?!" biglang sigaw ni Moon. 

"Alam ba 'to ni Robber?" tanong ni Haiji. 

Umiling ako. "Hindi pa. Sasabihin ko pa nga lang sana kanina kaso nga lang 'yun 'yung nadatnan ko sa mismong bahay namin. I will fucking kill her." Kumuyom ang kamao ko habang iniisip kung paano ko pagbabayarin si Lovely sa ginawa niya. 

Umalis sina Moon at Winter para bumili ng pagkain dahil hindi pa raw sila nagla-lunch. Hindi raw kasi sila umalis dito sa kwarto ko magmula pa kaninang umaga. 

Tumayo si Haiji na siyang nagbabantay sa akin dahil tumunog ang cellphone niya. "Golden, sagutin ko lang 'to, ha? Dito ka lang." paalala niya sa akin saka lumabas ng kwarto. 

Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin bumabalik si Haiji kaya naman tumayo ako't nagtungo sa banyo para magbihis. Mabuti na lang at dinalhan ako ni Lavi ng damit kanina. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto. Siniguro ko munang wala sa paligid si Haiji saka ako nagtungo sa kwarto ni Robber. 

"Robber..." naiusal ko nang makita siyang nakahiga sa hospital bed at payapang natutulog. Nakasuot siya ng hospital gown at may iilang tubo na nakakabit sa katawan niya. 

Gano'n ba kalala ang drogang itinurok nila kay Robber? Siguro nga. Ang laki ng pinagbago ng katawan niya. Halatang-halata ang pagpayat ng mukha niya maging ang katawan niya. Hindi ko alam kung ano ang dinanas niya sa kamay ni Lovely pero palagay ko'y sobra-sobra. 

Naaawa ako sa kaniya. Hindi niya dapat ito dinaranas. 

Gusto kong sisihin ang sarili ko. Wala akong nagawa at ginawa kundi ang maghintay sa kaniya. Ang maghintay na maayos niya ang lahat. Hindi ko siya tinulungan. Hindi ko siya sinamahan. Hinayaan ko siyang magdusa nang mag-isa. 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon