04: Towel

172 9 3
                                    

Kabanata 04 : Towel

"Uuwi na 'ko, Vy!" sigaw ko kay Ivy na napatigil sa paglabas ng mga merch mula sa bag niya.

Sabi na, duda ako sa gagang 'to, eh. Kinonsensya pa ako para samahan siya rito sa mall show ng  Neonlights. Magdi-date raw kami. Mukha niya! Tapos wrong timing pa. Kung kailan ayaw kong makita si Robber, 'saka naman kami madalas na pinagkikita!

Kumapit sa braso ko si Ivy at pilit na nilalapit ako sa stage kung saan nagkukumpulan ang mga 'Neonies'-- fandom ng Neonlights. Ang dami nila! Masu-suffocate lang ako!

"Golden naman, eh! Last na 'to, promise!" Ngumuso siya sa harap ko, nagpapacute na naman. "Hindi mo na nga ako sinamahan last fan meeting, eh."

"Kinokonsensya mo pa 'ko?" Inirapan ko siya. "Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa kanila, Ivy! Ayoko sa Neonlights!" malakas na sigaw ko dahilan para mapatingin sa amin ang halos lahat ng tao. Ang iba'y nawirdohan, ang iba naman ay masama ang tingin sa 'kin.

Oh? Anong problema nila? Akala ba nila, lahat ng tao, nahuhumaling sa Neonlights? 

"Shh, ano ka ba! Kapag sinugod ka ng mga iyan, hindi na tayo makakalabas ng buhay dito!" pagwawala ni Ivy.

Tinabig ko ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa braso ko. "Wala akong pakialam. Gusto ko nang umalis dito, Ivy. Uuwi na 'ko."

"No! Please, Golden. Nakabili na kasi ako ng ticket. Last na 'to, promise! Hindi na kita kukulitin after nito. Gusto ko lang talagang papirmahan ito!" Ipinakita niya sa akin ang dalawang album. "Ililibre kita pagkatapos nito. Kahit ano!"

"Edi papirmahan mo! Bakit kailangang kasama pa ako?"

Hihintayin ko na lang siyang hanggang sa matapos ang fan meeting. Magsisine ako o kakain sa Jollibee habang naghihintay. Ayoko lang talagang makihalubilo sa mga taong patay na patay sa Neonlights. Hindi ako belong.

"Dalawa kasi 'tong album ko, Golden! Eh, dapat daw isang album lang ang pwedeng papirmahan per person. Kaya nga sinama kita kasi ikaw ang magpapapirma nitong isa!"

"No, Ivy. Ayoko. Hinding-hindi ko gagawin 'yan. E'di sana si Kris na lang ang sinama mo. Matutuwa pa 'yon, sa 'yo."

Napairap siya na para bang nandidiri siya sa suggestion ko. "Tinatanong pa ba 'yan? Gusto mo bang sumabog ang mall dahil baka mag-away lang kami all throughout the fanmeet?"

"Eh, tayo naman ang nag-aaway ngayon!"

Tumingin siya na para bang frustrated na frustrated na sa akin. Ah, basta! Ayokong mapalapit sa Neonlights. Lalo na sa Robber na 'yun.

"Eh, Golden! Please? Last na talaga 'to! I just want to see them. I promise, iti-treat kita after. Kahit anong gusto mo, bibilhin ko sa 'yo!"

Hindi ko siya pinansin. Nanatili ang nakakrus kong braso sa aking dibdib at humalukipkip. No, hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan mo, Ivy.

"I heard about IV of Spades' upcoming concert this August." 

Napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya ang pinakapaborito kong banda. Nakuha niya ang interes ko. I knew it! Gagamitin niya ang IVOS para gawin ko ang gusto niya. At alam niyang hinding-hindi ako tatanggi kapag sila na ang pinag-uusapan.

"Alam kong gusto mong pumunta.  Gusto mo ng ticket?"

No, Golden, no. 'Wag kang matukso.

"VIP tickets, gusto mo?"

"Wala akong naririnig." Tinakpan ko ang mga tainga ko pero gusto ko talagang pakinggan ang inaalok niya at tanggapin iyon!

"For sure, makikita mo sila sa gano'ng pwesto." pang-aakit pa niya.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon