24: Ano Ba Kita?

124 9 5
                                    

Kabanata 24 : Ano Ba Kita?

Parang tangang nangingiti ako mag-isa habang inaayos ang bag sa aking balikat, iniisip ang nangyari kanina sa dressing room. Totoo nga! Nangyari ngang talaga! Naibigay ko nga sa kanila ang portraits na ginawa ko! Ang saya-saya ko!

Makailang beses akong nagpasalamat kay Robber bago siya umuwi. Kung hindi dahil sa kaniya, hinding-hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na maibigay sa kanila ang pinaghirapan kong portraits.

Pinagmasdan ko ang mga posters at banners na nakasabit sa tindahang nasa labas ng arena. Katulad nga ng sabi ko, talagang bibili ako ng merch, ipangdi-display ko sa kwarto ko. Napaka-memorable kaya ng araw na ito! Dapat may isang bagay na magpapaalala sa akin nito bukod sa mga litratong kinuha ko.

"240 pesos, hija." sabi sa akin ng tindera habang inaabot ang pinamili ko. Nakangiti kong iniabot ang bayad ko 'saka nagpasalamat.

Alas nwebe na ng gabi at kanina pa ako tinatawagan ni Mama na umuwi na raw. Inulan pa ako ng sermon dahil hindi ako tumupad sa usapan na 'wag akong magpapagabi. Eh, kasi naman, isang beses lang mangyayari sa akin ito 'no! Hindi ko dapat palampasin. Kahit magalit sa akin si Mama, at least, masaya ako.

Napasulyap ako sa madilim na langit at napabuntong-hininga. Ang saya ng araw na ito. Worth it lahat ng pagod, sigaw at tili. Maging ang bulyaw sa akin ni Mama ay worth it. Wala akong pinagsisihan at pagsisisihan.

Naupo ako sa kalapit na waiting shed upang mag-abang ng masasakyang taxi. Bigla namang kumalam ang sikmura ko, hindi pa pala ako naghahapunan. Sa bahay na lang. Inabot ako ng higit sampung minuto sa pag-aabang ngunit wala pa ring dumadaan. Kung meron man, may sakay o kaya naman, tumatanggi sa akin ang driver dahil malayo raw.

Duh! Alam ko! Kaya nga ako magta-taxi dahil malayo. Kung malapit lang sana, e'di hindi na ako nag-taxi, 'di ba?

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may bumusina sa harap ko. "Ay, shit— Ano ba, Kuya!" 

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Kitang nag-iisip ako, eh!

Itim at makintab na kotse ang pumarada sa harapan ko. Inirapan ko na lang ang kung sinong driver no'n at umupo nang maayos. Wala na bang taxi na dadaan? Alas-nwebe y media na! Lagot na lagot na ako kay Mama.

"Hop in!" dinig kong sigaw ng driver habang binababa ang bintana ng kotse. Laking gulat ko nang maaninagan ang gwapong mukha ni Robber.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw na naman?!"

Bigla akong na-conscious sa sarili ko. Wala sa loob na hinagod ko ang aking buhok at inayos iyon. Ewan ko ba! Magmula nang sabihin ni Robber iyon sa akin, hindi ko na siya magawang tarayan. Hindi ko na rin magawang titigan siya nang matagal dahil naiilang ako.

Ngumisi siya at hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko! Ano na ba ang nangyayari sa akin?

"Yes, ako na naman. Tara na? Gabi na. Baka hinahanap ka na ni Mama Goldie." mahinahong sabi niya habang sinisilip pa rin ako.

Mariin akong umiling. Ayokong sumama sa kaniya. Pakiramdam ko nawawalan ako ng hininga kapag naglalapit kami. "H-hindi na! Maghi-hintay na lang ako ng taxi!" sigaw ko sabay iwas-tingin.

"30 minutes ka ng nariyan, Golden. Tara na!" pagpupumilit pa niya.

"Ayoko nga! Ang kulit mo! Alis! Chupi!" pagtanggi ko at kulang na lang ay batuhin siya ng sapatos ko.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon