37: Ruby Sederia

137 7 2
                                    

Kabanata 37 : Ruby Sederia

"Wooh! Fiancé ko 'yan!"

Sandaling natahimik ang buong crowd bago nagka-ingayan muli. Panay sila sigaw ng pangalan ni Robber at Lovely na para bang sila ang couple of the night.

"LoBber! LoBber!"

"Ninang ako!"

"Kelan kasal?!"

"Sana invited ako!"

Napaismid ako. Edi kayo na, punyeta kayo.

Bigla tuloy akong nawala sa mood. Bumagsak ang mga labi ko at napalingon kay Robber na nakabusangot din katulad ko habang ang tatlo naman ay napapa-iling na lang sa likod niya. Mariing umiling sa akin si Robber na para bang naghuhugas-kamay. Inirapan ko siya at pinag-krus ang dalawa kong kamay sa dibdib ko. Napatawa naman siya kaya napataas ang kilay ko.

Anong nakakatawa?! Nagawa niya pa akong tawanan?!

Inayos niya ang mic stand niya at nawala na ang pakialam ko sa paligid. "Mic test, mic test." sabi niya na nakaani ng sigawan ng mga tao. "Salamat sa mga pumunta ngayon. Salamat sa patuloy na pagsuporta. Kahit na naging inactive kami these past few months due to personal issues, naintindihan niyo kami at narito pa rin kayo sa harapan namin, humihiyaw." Ngumiti siya. "Na-miss naming mag-perform. Na-miss namin kayo. Na-miss namin ang neonies..." Ngumisi siya sa akin. ".... at neonite."

Napairap ako. Hindi makalimutan?

"Start na tayo? Galit na baby ko. Need na ng kiss sabay hug." sabi niya 'saka ako kinindatan. 

Napakagat tuloy ako sa labi ko dahil nagpipigil ako ng ngiti.

"Uwi ka na! 'Di na 'ko galit!" biglang sigaw ni Lovely kaya muli akong napairap. 

Feeler masyado! Akala mo siya kausap!

Umismid lang si Robber bago nagsimulang bumilang. Nang umabot sa tatlo ay dumagundong na ang drums ni Haiji at umikot na rin ang mga nagkukurapang ilaw.

----

"Oh, ano? Ayos ba?!" lulundag-lundag na tanong sa akin ni Robber nang makapunta sa backstage. Nandito na rin sina Winter, Moon, Haiji at Kaji.

"Okay lang." sabi ko, kunyari ay dismayado.

Ngumuso naman siya, balik sa pagiging pabebe niya. "Talaga? Pangit ba boses ko?"

"Oo kasing pangit mo."

"Grabe ka! Tandaan mo," Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilagay iyon sa pisngi niya. "Itong mukhang 'to ang pagmamanahan ng magiging anak mo."

Napaismid ako. Aba, talaga namang ang kapal ng mukha nito. Mabilis kong binawi ang kamay ko at 'saka siya inirapan. "Gano'n ba? Edi 'wag na lang!"

"Golden naman, eh!"

"Ang pabebe mo! Kainis!" sigaw ko rin, natatawa na.

"Keshe nemen, eh!"

"Parang tanga 't—" 

Natigil ako sa pagsasalita nang nakawan niya ako ng halik. Napa-igik naman ang tatlo sa likod na napatingin sa amin.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon