31: Sino Pa Ba?

100 6 3
                                    

Kabanata 31 : Sino Pa Ba?

"Ms. Rivero, sa cheerdance ka raw isasali?" tanong ni Mr. Gaud kinabukasan matapos ang nangyari sa gymnasium.

Sige, Sir! Ipaalala mo pa! Ni hindi nga ako pinatulog niyan, eh.

Anong cheerdance cheerdance? Matigas kaya ang katawan ko! Hindi ito marunong makisama pagdating sa sayawan. Mas gustuhin ko pang maglaro ng volleyball kahit pilay ako.

Lecheng Lovely kasi iyan, eh. Puro na lang kamalasan ang idinadala sa akin.

Labag sa loob akong tumango. "Opo, Sir."

"Puntahan mo ako mamaya sa faculty after class." sabi niya kaya tumango ako. Ano pa ba ang magagawa ko? Wala na akong choice.

Gaya nga ng sabi niya, nagtungo ako kaagad sa faculty matapos ang klase dahil may sasabihin siyang importante na hindi ko alam kung tungkol saan.

"Aw." daing ko nang bahagyang naigalaw ang braso. Naka-benda ito at masakit talaga kapag naibabanat. Nabanatan din ako ni Mama pagkauwi. Libo-libong sermon ang ipinabaon sa akin ni Mama hanggang umaga. Iyon na nga rin ang naging almusal ko.

"You okay?"

Napaangat ang tingin ko kay Robber na nagbukas ng pinto ng faculty. Tumango ako at nagkagat-labi. "Yup." Sinilip ko ang loob ng kwarto. "Si Mr. Gaud?"

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Sabi niya kasi puntahan ko siya rito after class."

"He's not here. Bakit daw?"

"Ah, gano'n ba? Hintayin ko na lang." 

Tuluyan na akong pumasok sa faculty at napatingin sa mga lamesang bakante. Napagtanto kong wala palang ibang tao bukod sa aming dalawa ni Robber. 

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko sa kaniya habang papaupo siya sa kaniyang mesa. Agad akong napaiwas ng tingin nang may maalala.

Ano ka ba, Golden? Matagal na 'yun! Kalimutan mo na!

"Yup, obviously." masungit niyang sabi.

Napatawa ako. "Sungit naman." puna ko at inilibot ang tingin sa malaking faculty. Kasing laki lang ito ng aming room. Air-conditioned at may mini-kitchen. Wow.

"I'm not masungit."

Napangisi ako. "Okay, Sir. Sabi mo, eh."

Namayani ang sandaling katahimikan. Tinuon na lang niya ang pansin sa binabasang kung ano sa puting folder. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya at pinakatitigan na lang siya. Ngayon ko lang siya natitigan nang matagal dahil noong mga nakaraang araw ay hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Siguro ngayon ay hindi niya ako mapapansin.

Suot niya ang kaniyang usual attire. Black long-sleeved polo at black slacks. Sigurado akong humaba na ang buhok niya dahil naka-bun ito ngayon. Hindi katulad noon na hindi pa kayang i-pusod. Tantiya kong hanggang balikat na ang haba ng buhok niya. May iilang hibla rin ng buhok ang nakalaylay na nagpadagdag sa kagwapuhan niya. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang mahaba niyang buhok. Nagpuputukan na naman ang mga braso niya sa sleeves at tila gustong kumawala. Gano'n din ang dibdib niya. Alagang-alaga ng gym.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon