07: Jail Booth

162 8 4
                                    

Kabanata 07 : Jail Booth 

"Anong sabi ni Robber, beb?" bungad sa akin ni Kris nang makalapit ako sa kaniya at makaalis mula sa mapanghusgang tingin ng mga estudyante sa akin. 

"Kris, it's not what you think." sagot ko naman sa kaniya at yumapos pa sa kaniyang braso nang mahigpit.

Pahirapan makatakas mula sa mata ng mga mapanghusgang schoolmates ko. Parang napagod ako. Talagang sinusundan ako ng tingin habang naglalakad ako.

Si Robber talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to, eh.

Ngumiti sa akin si Kris. "Ano bang nasa isip ko, beb?"

"Kasi--"

Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko at hinapit ang bewang ko papalapit sa kaniya. "It's okay. Sabi ko nga, may tiwala ako sa 'yo. Alam kong gwapo ang Robber na 'yun pero mas gwapo naman ako sa mga mata mo, 'di ba?"

Napatawa ako. Ang clingy na naman niya. "Oo naman!" sabi ko at pinisil pa ang ilong niya. "Tapos mahal pa kita. Sa'n ka pa?"

Napatingin siya sa akin. "Talaga? Mahal mo ako?"

"Oo naman!"

"Kiss mo nga ako."

"Sige tapos kita na lang tayo sa guidance office pagkatapos."

Napatawa siya. "Ikaw talaga. Tara na nga, baka nag-start na 'yung program." Hinatak na niya ang kamay ko at iginiya ako papuntang gymnasium.

Ayoko mang manood, wala akong magawa kundi suportahan ang gusto ng boyfriend ko. Alam ko kasi na gustong-gusto niyang makitang mag-perfom ang Neonlights ng live at ito na ang pagkakataon na 'yun. Ayaw kong maging selfish. Kaya heto ako, nagpapatangay sa kaniya kahit labag sa loob ko.

"Excited na ako." dinig kong sabi ni Kris at ngiting-ngiting nakatingin sa entabladong puno ng dekorasyon. Wow, talagang pinaghandaan ng student council ang event. Ang dami pang nagkukurapang mga ilaw. Nakakahilo tuloy lalo. Idagdag pa na sobrang daming tao. Mukhang may mga outsiders pa nga, eh.

"Kris, do'n lang ako sa harap." paalam ko kay Kris at iniangat ang nakasabit na camera para sabihin sa kaniyang duty ko ngayon.

"Sure, beb. Dito lang ako." Ngumiti siya sa akin.

"Enjoy!" sabi ko at umalis na. Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante upang makarating sa gitna.

"Hoy, Golden! Feeler ka?! Kanina pa kami rito, do'n ka sa likod!" dinig kong sabi ng isang babae.

"Kaya kayo naiissue ni Robber kasi lapit ka nang lapit!" segunda pa ng isa.

Napairap ako. Mukha bang gusto kong mapalapit kay Robber? Kung hindi lang ako sa journalist at kung hindi ko lang mahal boyfriend ko, hinding-hindi ako pupunta rito! Mga feeler ang mga ito!

"Oh! E'di ikaw na. Bida-bida ka naman, 'di ba?" Tinanggal ko pa camera sa leeg ko at iniabot sa kaniya. Napaatras naman siya. "Ikaw na gumawa ng article! Ikaw mag-edit ng pictures! Oh, ikaw na!"

Napapahiya siyang tumingin sa akin. 'Yan kasi! Ang landi-landi! Ayaw i-lugar ang kalandian!

Dinig ko namang nagtawanan ang ibang mga estudyante.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon