08: From Ur Friend

153 6 1
                                    

Kabanata 08 : From Ur Friend

"'Di ba?! Parang ang kapal ng mukha niya." untag ko nang magkita kami ni Ivy sa canteen kinabukasan. Kinuwento ko kasi sa kaniya iyong naging usapan namin ni Robber kahapon sa jail booth. 

"Hoy, nakakakilig kaya!" Pinalo niya pa ang braso ko. "Naiinggit ako!"

Napaismid ako. "Oh, e'di ikaw na lang sa pwesto ko."

"Talaga! Hindi ako tatanggi! Hello? Robber Sederia na 'yan! Ulam na 'yan, lalamunin mo na lang!"

Napairap ako. "Kadiri ka!"

Wala talagang preno ang bibig niya. Panay kahalayan ang pinagsasabi. Tsaka anong ulam si Robber? Nakakain na pala ang mga lalaki.

Napasapo ako ng noo nang dahil sa matinding frustration. Laman ako ng Facebook, Twitter at Instagram! Nagkalat pa ang mga pictures namin ni Robber. Magmula sa fan meeting hanggang noong valentine's day. Tila bawat galaw namin, may litrato at naiinis ako! Punong-puno pa ng hate comments ang comment section. Puno naman ng death threats ang messenger at e-mail ko and I had to take down my social media accounts dahil hindi na 'ko safe sa internet. Everyone's eyes are on me!

At gustong-gusto kong katayin si Robber dahil sa panggugulo niya sa buhay ko. I was just a simple student no'ng hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko kailanman ginustong mapalapit sa isang kilalang tao dahil mas gusto ko ang pribadong buhay pero dahil sa kahayupan ni Robber, sira na ang buhay ko.

Gusto ko siyang patayin ngayon.

"Hoy, Golden!" Hindi na 'ko nag-abalang mag-angat pa ng tingin dahil alam na alam ko kung kaninong bunganga nagmumula iyon.

Ito ang sinasabi ko. Tuluyan nang nasira ang buhay ko bilang isang estudyante dahil bukambibig ako ng lahat ngunit imbes na mabubuting salita ang binabato nila sa akin, puro hate comments!  Lalo na itong si Sara, namimisikal. Hindi naman maganda.

"Manahimik ka, Sara. Masakit ang ulo ko, lumayo ka muna." walang kabuhay-buhay kong sabi, nakasubsob pa rin sa mesa.

"Bakit? Sumasakit na ang ulo mo kalalandi kay Robber? Kay Robber na mahal na mahal ko?!"

"E'di sa 'yo na." Tumayo ako at binalewala na siya. Wala na akong panahon pa para makipagtalo sa katulad niyang makitid ang utak.

"Akin talaga! Pero dahil sa kalandian mo, inagaw mo siya!"

Binalingan ko siya gamit ang nababagot na tingin. "Oo na, sa 'yo na si Robber. Pero sino ka at bakit ang kapal ng mukha mong mangarap?"

"Anong sabi mo?!" Inambahan niya ako ng sampal pero napigilan iyon ni Ivy.

"Ano ba, Sara? Umalis ka na nga at magbalat ka na lang ng patatas!" Nagtawanan ang lahat dahil sa sigaw ni Ivy.

"'Wag kang makisali, Ivy! Sulutera 'yang kaibigan mo! Inaagaw niya si Robber sa 'yo!" napapahiyang sigaw ni Sara, halos hindi na makatingin sa amin.

"Para kang bobo, 'no? Hindi akin si Robber at lalong hindi siya sa 'yo para ipagdamot mo! Tanga!"

"P-pero—"

"Umalis ka na nga. Nakakairita ka." Pinandilatan siya ng mga mata ni Ivy. Wala namang nagawa sina Sara kundi umalis maging ang mga alipores niya. 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon