21: Bata

130 6 2
                                    

Kabanata 21 : Bata

Nagseselos ako, Golden. Selos na selos na ako.

Ayan ang sabi ni Kris sa akin nang ihatid niya ako sa bahay pauwi. Hindi ko maialis sa isipan ko iyon hanggang sa pagtulog.

Napagdesisyunan kong layuan na si Robber.

Oo, nilayuan ko siya. Binago ko ang cellphone number ko para hindi niya ako ma-contact. B-in-lock ko siya sa lahat ng social media account ko para hindi niya ako mai-chat. Huli akong lumalabas ng klase upang maiwasan siya dahil alam kong nasa labas siya ng eskwelahan ko para sunduin ako. Mataas na rin ang bakod ng bahay namin kaya hindi na siya basta-basta makakapasok at kung sakali mang magpaalam siya kay Mama, hindi pa rin siya pwede. Magkakuntyaba kami ni Mama. Ang sabi ko, magka-away kami at ayaw kong makita ang pagmumukha niya.

Iyan ang ginawa ko sa loob ng dalawang linggo, iniwasan ko siya. Kahit nasasanay na ako sa presensya niya, sa kakulitan niya, sinasanay ko na rin ang sarili kong wala siya. Kung para ba naman sa ikabubuti ito ng relasyon namin ni Kris, gagawin ko. Ayoko nang mag-away pa kami. Ayaw ko nang pag-awayin namin siya.

"Lumabas ka na riyan! Wala na si Robber!" dinig kong sigaw ni Mazy kaya dali-dali kong binuksan ang pinto ng cubicle ko.

"Mabuti naman." sabi ko sabay hingang malalim.

Napahilamos ng mukha si Mazy.

Oo, alam niya kung anong mayroon kami ni Robber. Alam naman yata ng lahat iyon pero siya lang ang nakakaalam na hanggang ngayon, nagkikita pa rin kami ni Robber.

"Awang-awa na ako sa kaniya, Golden!" sigaw niya.

Napatigil ako sa paglalagay ng pulbo at napatingin sa kaniya. "Hayaan mo siya." pambabalewala ko kahit medyo nakaramdam ng guilt.

Sorry, Robber. Kailangan ko itong gawin. Masasanay ka rin na wala ako.

Alam ko, may kasalanan din naman ako. Kahit hindi ako pagsabihan ni Kris na layuan si Robber, dapat alam ko na sa sarili kong dapat akong lumayo pero hindi ko pa rin ginawa. Wala, eh. Si Robber kasi ang nandiyan sa tuwing nangangailangan ako sa presensya ni Kris. Kapag wala si Kris, nandiyan si Robber para samahan ako. Nasanay ako sa kaniya kaya hindi ako lumayo. Kasalanan ko iyon. Parang binibigyan ko ng pag-asa si Robber kahit wala naman talaga. Parang pinapaasa ko siya.

Eh, hindi ba, siya naman ang nag-alok ng friendship? Tinanggap ko lang naman! Alam niya naman simula't-sapul na magkaibigan lang kami. Siya ang may kasalanan kung umasa siya.

Pinilig ko ang ulo ko. Mali, Golden. Maling-mali. May kasalanan ka, tanggapin mo iyon.

"Alam mo bang halos lumuhod siya sa harap ko para lang makita ka?" pangongonsensya pa ni Mazy.

"Hayaan mo na nga sabi."

"Bakit ba kasi ayaw mo na lang magpakita? Linawin mo na lalayo ka, gano'n! Hindi 'yung aalis ka sa buhay niya nang walang dahilan!"

"May dahilan ako, Mazy."

"Pwes, sabihin mo! Hindi 'yung papatayin mo 'yung tao kaiisip kung ano ba ang kasalanan niya sa 'yo!"

Natigilan akong bigla ngunit agad ko ring binawi. "Kumusta na kayo ni Romin?" pag-iiba ko ng topic. 

Lumabas kaming dalawa sa banyo.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon