14: Kiss

133 6 2
                                    

Kabanata 14 : Kiss

"Dami agad tao, ah. Alam ba nilang kayo ang may-ari nito?" tanong ko kay Robber habang kumakain ng brownies na nilibre niya sa akin.

In fairness, ha, masarap. Kabog ang lasa. Hindi gaanong matamis, sakto lang sa panlasa. Hindi katulad ng waffle nilang masarap nga sa mata, nagtae naman ako. Ano ba ang sangkap no'n? Pinatanggal tuloy ni Robber sa menu nila.

Lumunok muna siya ng kinakain niyang strawberry cake bago ako sinagot. "Yup. Halata naman sa name, eh. Neon Cafe Kapag nabasa mo, kami agad ang maiisip mo."

Napairap ako. "Kapal naman ng mukha mo. Ako kapag nababasa ko ang Neon, si Billie Eilish ang naaalala ko."

Hindi ko alam pero ang non-sense ng pinag-uusapan namin mula pa kanina. Kung saan-saang topic kami napupunta, eh.

"Sus. De-deny ka pa. Hindi naman halatang hate na hate mo ang banda namin?" pasaring niya.

"Hate ko talaga, 'no! Lalo ka na."

Inirapan ko siyang muli bago sumimsim sa hot chocolate na libre niya rin.

"Hahaha! Bakit? Pangit ba ang mga kanta namin? Hindi naman, ah? Hindi naman kami mananalo ng awards kung pangit ang mga kanta namin. Hindi naman siguro aabot ang pangalan namin internationally kung pangit ang kanta namin. 'Saka hindi naman kami magugustuhan ng boyfriend mo at kaibigan mo kung pangit ang mga kanta namin."

Aba talagang nagyabang pa!

"Alam mo, ang dami mong dada. Ang yabang-yabang mo. Wala naman akong sinabing pangit ang mga kanta niyo. Ang sabi ko ayoko sa inyo, sa mga ka-myembro mo. Puro kayo pa-pogi, pa-gwapo, pataasan ng ihi, payabangan. Oo na, kayo na talented pero pwede bang pakibawasan ang kayabangan?"

Napatawa siya. "Oh, puso mo. Galit na galit ka, eh." komento niya. "Hindi naman kami mayabang, sadyang galit ka lang sa amin kaya ang mga pangit na bagay ang nakikita mo sa amin. Subukan mo kayang maging mabait sa amin, baka susunod, mahulog ka na sa akin."

Otomatiko akong napangiwi. "Kadiri, ah!"

Humagalpak siya ng tawa. "Joke lang! Arte mo!"

"Talaga!"

Inirapan ko siyang muli at kumain. Gosh, hindi ako makapaniwalang kumakain kami ng kaming dalawa lang. Akala ko pa naman magiging maayos ang usapan namin at mababawasan kahit papaano ang pagbabangayan namin pero hindi, mas lalo pang lumala. Si Robber kasi! Ang lakas mang-asar.

"Nagka-girlfriend ka na ba?" wala sa sariling naitanong ko.

Curious lang ako, okay? Walang ibang meaning.

"Bakit mo natanong? Naku-curious ka na sa akin??" sumasayaw ang kilay na sabi niya.

"Hindi. Curious lang ako kung mahilig ka ba talagang pumatol sa bata, sa menor de edad samantalang ang tanda-tanda mo na. Kung tutuusin, kuya na kita, eh."

Imbes na mainsulto siya ay natawa na lang siya. "Uy, 17 lang ako. Anong matanda ang pinagsasabi mo diyan?" 

Kumunot naman ang noo ko. "Ano? 17 ka lang? Bakit parang 20 plus ka na?" 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon