02 : Ark's Scent

264 11 4
                                    

Kabanata 02 : Ark's Scent

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin ang flag ceremony. Akala ko papapuntahin na kami sa klase namin nang biglang mag-anunsyo ang mga kasama ko sa student council. Umakyat sila sa stage. Hindi ako alam kung bakit. Hindi ako informed!

"Ms. Rivero, where are you?" tanong ni Sharlene, ang presidente ng student's council. 

Napayuko naman ako nang maglingunan ang ibang estudyante sa akin.

Hala, anong nangyayari? Hindi man lang nila ako sinabihan na dapat pa lang umakyat ng stage pagtapos ng flag ceremony. Wala naman silang sinabi no'ng nag-meeting kami last week.

Nahihiya man, umakyat ako sa stage. Sinamaan ko ng tingin si Ivy nang nakita kong tinawanan niya ako. 

"Ano bang meron?" bulong ko agad kay Alby pag-akyat ko.

Naiirita siyang lumingon sa akin. "May announcement."

Napairap ako sa sinabi niya. Malamang! Kaya kami pinatawag kasi may announcement! "I mean, anong ia-announce?"

"Makinig ka na lang." Umismid siya.

Ang sungit, ang aga-aga.

"Good morning, students. This is just a quick announcement about the upcoming Valentine's Day next week. We, officers, came up with the idea of having a program for that day." 

Agad na naghiyawan ang mga estudyante.

Ano? Hala! Hindi ko alam 'yun. Pinagmeeting-an pa nila? Ang dami palang pakulo ng student council. Eh, ako nga mismong secretary ay walang alam. 

"Listen up! Alam naming excited kayo so, quiet muna para ma-aanounce ko na." Tumikhim si Sharlene. "Every grade level should build their own booth. Kissing booth, wedding booth, jail booth o kahit ano pang booth! We're giving you a week to prepare, alam na rin ito ng advisers niyo. Sila na ang bahalang bigyan kayo ng oras para bumuo ng booth. It should be entertaining kasi contest ito. Kung sino ang grade level na may pinakamagandang booth will receive three-thousand pesos and teachers niyo na rin ang bahalang mag-decide kung may matatanggap kayong incentives."

Muling naghiyawan ang mga estudyante.

Bigla tuloy akong na-excite. Valentine's Day na pala next week. Six days from now siguro. I'm not sure. Tsk. Pa'no ko nakalimutang February 14 na pala next week? Hindi lang Valentine's ang ice-celebrate ko. Monthsary rin namin ni Kris.

Kinikilig tuloy ako. Grabe. Ang tagal na pala namin. Hindi ko akalaing dalawang taon na kaming nagsasama. Everything feels just the same. Parang kakikilala lang namin tuwing nagkikita kami. Lagi kasi akong kinikilig! Parang lagi akong nililigawan!

Hmm, ano kayang magandang i-regalo?

"This is the most exciting part. I'm sure, matutuwa kayo rito!" Pansin kong maging si Sharlene ay kinilig din. Humagikgik pa siya sa mikropono. "We invited the most famous band in the Philippines!" 

Sinundan iyon ng mga hiyawan kaya naman napatakip ako ng tainga ko. 

Ha? Ano raw? Most famous band in the Philippines? 

"Kaka-excite!"

"Hala, makikita ko na si Robber!"

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon