46: Concert

76 6 2
                                    

Kabanata 46 : Concert

"Galit ka ba?" 

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na itong tinanong kay Robber pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako sinasagot at pinapansin. Nagalit siguro siya roon sa sinabi ko kay Lovely na hindi ako tumitira dito sa bahay niya. Eh, anong magagawa ko? Alangan namang sabihin ko ang totoo? Edi gulo na naman ito?

Ang hirap namang magpaliwanag sa kaniya kasi ayoko talagang sabihin dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng pag-aaway nila ng mommy niya. Ayoko naman ng gano'n. 

"Uy, pansinin mo naman ako." Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya nang paulit-ulit pero hindi pa rin talaga tumatalab. 

Napabuntong-hininga ako saka sumusukong napatayo mula sa kama niya. Madaling araw na at talagang dinalaw ko pa siya rito sa kwarto niya para manuyo. Hindi kasi ako  makatulog, eh. Nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Parang hindi nga ako naka-inom, eh.

Papalabas na sana ako ng kwarto niya nang magsalita siya. "Dito ka lang." mahinang tawag niya sa akin. 

Napalingon ako sa kaniya. "Ha?" 

"Kung gusto mong pansinin kita, dito ka lang at 'wag kang umalis." malamig na utos niya kaya wala sa sariling napatango ako at muling naupo sa kama niya. Walang imik kami sa loob ng ilang minuto. Nakatalikod pa rin siya sa akin habang ako, nasa dulo ng kama, nilalaro ang mga daliri ko. 

"So, galit ka talaga sa akin?" kapagkuwan ay tanong ko. "Sorry na, Robber. Ayoko lang talaga ng gulo." 

Umismid siya. "Paano naman magkakaroon ng gulo 'yon?" iritadong tanong niya. 

"Ayoko lang kasi na magtanong pa siya. Para makaalis na agad siya. Saka hindi na dapat tayo magpaliwanag sa kaniya, 'di ba? Kasi sino ba siya para makialam sa atin?" Napakagat-labi ako sa sinabi. 

Oo nga, Golden. Sino ba siya para makialam? 

Well, siya lang naman ang papakasalan kaya talagang may pakialam siya. 

Umupo si Robber at saka galit na hinarap ako. Magkasalubong ang mga kilay niya nang nilingon ako. "Ikaw na mismo ang nagsabi, sino ba siya para makialam sa atin? Wala siyang pakialam kung dito ka nakatira sa bahay ko! Wala siyang pakialam dahil wala siyang ambag sa buhay ko! At lalong-lalo nang wala siyang karapatang makialam sa akin dahil hindi niya ako pag-aari! Ikaw lang ang may karapatang makialam sa akin, Golden!" madiing sigaw niya at wala naman akong nagawa kundi ang tumungo at humikbi. 

Kasalanan ko ba talaga? Ayoko lang naman ng gulo...

"S-sorry..." mahinang sambit ko, nanginginig na ang mga labi dahil sa paghikbi. 

"Gusto kong ipamukha sa kaniyang hindi siya ang mahal ko dahil ikaw lang ang mahal ko. Gusto kong ipamukha sa kaniya na hinding-hindi ko siya pakakasalan dahil ikaw ang mahal ko. Gusto kong ipakita kay mommy na hindi si Lovely ang gusto kong pakasalan kundi ikaw. Ipinaglalaban kita, Golden, pero ikaw itong nagtatago." May bahid ng lungkot ang boses niya dahilan para mas lalo akong humikbi. 

"Ayoko lang ng gulo, Robber.." pag-amin ko. 

Naramdaman kong  gumalaw siya at maya-maya pa, naramdaman kong hinapit niya ang ulo ko saka hinilig iyon sa dibdib niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habang nagpapatak ng magagaang halik sa tuktok ng ulo ko. 

"Basta kasama mo ako, walang gulo. Ako ang bahala sa 'yo. Magtiwala ka lang sa akin."

Tumango ako bilang sagot saka yumakap sa kaniya. 

Mahal ko si Robber kaya pagkakatiwalaan ko siya. 

"'Wag ka nang umiyak. Sorry, nasigawan pa kita..." bulong niya, hindi pa rin ako binibitawan. 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon