26: Yes, Sir!

99 10 4
                                    

Kabanata 26 : Yes, Sir!

First day na first day of school ay bagsak na kaagad ang balikat ko. Nagdalawang-isip pa nga ako kung papasok pa ba ako o hindi. Paano ba naman kasi, ang hirap-hirap taguan ni Robber tapos ngayon, makikita ko siya halos araw-araw? Nananadya 'ata ito, eh. Mukhang lapitin 'ata ako ng malas. Leche.

'Saka paano naging teacher 'yon? Hindi halata, ha! Paanong natanggap siya rito? Nakapagtapos ba ng pag-aaral iyon? Bakit hindi na lang siya mag-banda habang buhay? Doon naman siya nararapat!

Bwisit! Bwisit talaga! Bwisit ka, Robber!

Nang makababa ng bus, alanganin akong pumasok ng university. Nakakapanlumong talaga. Ayoko na talagang pumasok. Paniguradong magiging miserable ang college life ko.

Bumungad sa akin ang nagkalat na mga estudyante nang makapasok sa university. Abala ang lahat sa pakikipag-usap sa kani-kanilang mga kasama. Mayroon pang kumakain, nagsa-soundtrip at meron pang humahabol ng requirements. Huminga ako nang malalim bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Isang mahabang pasilyo ang binaybay ko. Mahihimigan ang kalakhan ng school na ito. Nasa kaliwa ko ang malaking field kung saan nakatayo ang isang malaking statue at flag pole sa gitna nito. May mga damo at bench kaya nagmukhang parke ang buong field. Idagdag pa ang mga taong tumatambay doon sa kabila ng mainit na panahon. Napapalibutan iyon ng malalaking building. Tingin ko'y apat na building iyon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa magkita kami ni Mazy. Nauna kasi siyang pumasok dahil mas malapit siya rito sa university namin.

"Golden!" tawag niya ng pansin ko. Napangiti ako at agad na lumapit. Tsaka ko lang napansin na kasama niya pala ang boyfriend niyang si Romin. Talaga naman, oo! Nakuha pang mang-inggit! "Ano? Ready ka na?" tanong niya na nagpairap sa akin.

"Mukha bang ready ako, Mazy? Hinding-hindi! Paano kung makita ko si Robber dito?" inis kong sabi.

"Ano naman? Ba't ka affected? 'Di maka-move on?" panunuya niya pa.

"Gaga ka ba? Basta! Ayokong makita siya!"

"Gaga ka rin! Imposible! Teacher natin 'yon!"

"Hindi pa naman sigurado. Malay mo nangti-trip lang. Hindi siya pwedeng maging teacher. Hindi siya pwede sa publiko. Artista siya!" pagkumbinsi ko pa sa sarili.

Nai-kwento ko iyon kay Ivy at talagang natuwa pa siya kaysa samahan akong magluksa. Gusto niya raw lumipat dito para maging teacher lang si Robber. E'di siya na lang! Magpalit kami. Mas maganda na 'yon dahil magkasama kami ni Kris 'pag nagkataon. Nasabi ko na rin kay Kris iyon. Hindi naman na siya nagulat. Ayun na naman ang pagpayag niya. Okay lang daw.

Walang okay doon, okay?!

"Si Robber? Robber Sederia? Teacher?" biglang tanong ni Romin.

"Oo, Romin! Kailangan ulit-ulitin?" inis kong sabi sa kaniya. Ayoko na ngang marinig pa ang pangalan no'n, eh.

"Ah, teacher niyo si Robber."

"Bwisit ka."

Inis kong inilabas ang schedule ko upang malaman kung anong oras ang simula ng klase ko. Pero hindi ko pa man ito nabubuklat, naagaw na ng mga maiingay sa tabi ko ang pansin ko.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon