44: New House

94 6 1
                                    

Kabanata 44 : New House

"Kumpleto na ba ang mga gamit mo?" dinig kong tanong sa akin ni Robber kaya napatigil ako sa pag-iimpake. 

"Yup. Ikaw? Tapos ka na?" tanong ko pabalik. 

"Yes. Tara na?" 

Ngumiti ako bago tumango. Dumukwang siya ng halik sa noo ko bago kinuha sa akin ang maleta kong puno ng mga damit at gamit ko. 

Mag-iisang buwan na akong naninirahan sa condo unit ni Robber at masasabi kong iyon na 'ata ang pinakamasayang buwan na naranasan ko. Wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-asaran, mag-kulitan, kumain, manood ng movies at kung anu-ano pang pwede naming gawin. At dahil doon, nakalimutan ko na ang sakit na naranasan ko noon. Natabunan na iyon ng saya na pinalasap sa akin ni Robber. 

Ewan ko nga kung bakit hindi ako pinapauwi ni Mama, eh. Sa katunayan, sa tuwing magsasabi ako na uuwi na ako sa bahay, hindi niya ako pinapayagan. Mas gusto raw niyang narito ako kay Robber lalo pa noong nalaman niya ang nangyari sa amin ni Kris. Talagang ipinagtutulakan na niya ako kay Robber. 

Well, hindi ko naman siya masisisi. Kung meron akong anak, mas gugustuhin kong katulad ni Robber ang magiging asawa niya. Ako pa mismo ang magrereto!

Pumapasok na rin ako sa klase matapos ang isang linggong pagmomove-on. Gano'n pa rin naman. Wala pa rin namang pinagbago. Inaaway pa rin ako ni Lovely, walang mintis. Halos patayin ako sa ng tingin niya, eh. 

At ayun nga, lilipat kami ni Robber sa isang bahay niya malapit lang sa school ko. Wala raw nakakaalam na siya ang may-ari no'n kaya mas ligtas kaming tumira doon. Sabi ko naman, ayos lang kung doon na lang kami sa condo niya pero nagpumilit siya. Hinayaan ko na lang. Baka palayasin pa ako, eh. 

"Wow, ang ganda! Sa 'yo talaga 'to?" tanong ko nang makarating sa bagong bahay namin. I mean, bagong bahay na titirhan namin. 

Ibinaba ni Robber ang mga maleta namin saka yumakap sa likod ko. "Yup. Nagustuhan mo ba?" 

"Oo naman! Alam mo bang gan'tong-ganto ang itsura ng dream house ko? Iyon bang simple lang at hindi gano'n kalaki. Sakto lang para sa bubuuin kong pamilya." 

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Ang ganda talaga! Lalo na iyong mga gamit na maaliwalas tignan. Ang sarap naman tumira sa gan'tong bahay. 

"Okay na ba 'to sa 'yo?" tanong ulit ni Robber.

"Okay na okay, syempre!" 

"Kung gano'n, hindi na ako magpapagawa ng bahay sa future. Okay na ito. Sakto lang para sa pamilya natin sabi mo." 

Kaagad ko siyang pinalo sa braso dahilan para mapabitaw siya sa akin. "Baliw ka talaga! Ang sabi ko, pamilya ko! Hindi pamilya natin!"

"Gano'n din 'yun! Ang pamilya mo, pamilya ko rin. Ang anak mo, anak ko rin. Malamang, ako ang tatay at ikaw ang nanay." tatawa-tawa niyang sabi at umupo sa sofa. 

Binato ko siya ng unan nang magsimulang mamula ang mukha ko. "Ewan ko sa 'yo. Tumigil ka nga!"

Natawa rin naman siya sinabi ko saka hinatak ako papaupo sa mga hita niya. Mas lalo akong namula. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako nasasanay.

"Saan mo gustong pumunta, Golden?" tanong niya habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko. Hilig niya ang ganiyan. Parang hindi mabubuhay kapag hindi naamoy ang leeg ko. 

"Kapag sinabi ko ba, pupunta tayo?" 

Napatingin siya sa akin. "Oo naman. Ikaw pa ba, eh, ang ganda-ganda mo." 

"Anong connect?" Tumawa ako. "Hmm, gusto ko sa amusement park. Hindi na ako nakapunta roon simula bata ako, eh."

Malungkot ang ala-ala ko pagdating sa mga amusement park kaya gusto kong gumawa ng masayang ala-ala doon kasama si Robber. 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon