20: Lalayuan Ko Siya

139 8 3
                                    

Kabanata 20 : Lalayuan Ko Siya

"Ano nga ulit ang strand na kinuha mo?" 

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit na tanong na ni Robber ito sa akin.

Napapairap akong nilingon siya. "HUMSS, Robber. HUMSS. Humanities and Social Sciences. H-U-M-S-S! Kulit ng lahi mo, ah!" inis ko siyang tinalikuran.

Narinig ko pa siyang tumawa bago ako sinundan papasok ng school ko. Ewan ko ba kung bakit narito ang isang 'to. Hindi ba halatang nagmamadali ako dahil mali-late na ako at nakuha niya pang kulitin ako? Mapapagalitan na naman ako ng teacher ko nito! Hindi na ito ang unang beses na nahuli ako sa klase at abot-langit ang sermon sa akin ni Sir Magbao. Ayoko nang maulit, nakaka-trauma.

At oo, buwan na ng agosto. Opisyal na akong estudyante ng Senior High School. Gosh, akala ko impyerno na ang junior highschool. Mas malala pala ito.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko. "Sunduin kita mamaya."

Muli akong napairap. Maging ang pag-ikot ng mata ko ay hindi ko na mabilang dahil sa inis ko. "Ayoko nga! Hindi ba't nangako kang hindi mo 'ko kukulitin in public?!"

Matapos ang graduation ko hanggang sa bakasyon ay medyo nanahimik ang buhay ko. Napakiusapan ko kasi si Robber na huwag na huwag akong kikitain in public dahil sawang-sawa na akong makita ang mukha ko sa mga article sa internet. Hindi ko naman siya mapagsabihang lumayo nang tuluyan sa akin dahil masyado siyang mapilit tsaka oo, mag-kaibigan na kami kaya talagang ayaw niyang umalis sa tabi ko.

"Wala namang tao." nakanguso niyang sabi.

"Ah, basta! Late na ako! Text na lang kita kapag nagbago na ang isip ko." pumihit ako papaalis.

Simula pasukan ay hindi ko pinaunlakan ang paanyaya niyang ihatid-sundo ako. Ni isang beses ay hindi ko siya pinagbigyan. Hello? May boyfriend ako? Hindi sa kaniya umiikot ang mundo ko.

"Okay, text mo ko, ha! Ba-bye!" nakahinga ako nang maluwag nang lumabas na siya ng school.

Bakit ba nakakapasok pa ang isang 'yon dito? Sabagay, kilala.

"Ms. Rivero! Late ka na naman sa klase ko!" 

Agad akong napapikit nang mariin. Pagkapasok na pagkapasok ko ay sigaw agad ni Sir Magbao ang bumungad sa akin! Kulang na lang ay dasalan ko ang lahat ng santo dahil sa takot ko.

"Sorry, Sir... traffic lang po..." palusot ko.

"Gasgas na iyan, Ms. Rivero! Nauubusan ka na ba ng idadahilan sa akin dahil bawat linggo ay late ka sa klase ko?!"

Napayuko ako sa hiya. Idagdag pa ang tawanan ng mga kaklase ko. Bwisit! Bwisit talaga!

Huminga siya nang malalim upang ikalma ang sarili. "Umupo ka na! Get 1 whole sheet of paper, surprise quiz!"

"Ha?!" usal ko.

Leche, anong surprise quiz? May itinuro ba siya? Mas madalas nga ang pag-absent niya kaysa sa late ko, eh! Konyatan kita, Sir!

"Surprise quiz! Number one!" 

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling napaupo sa upuan ko. Naghahalungkat pa lang ako ng bag ko ay nagtatanong na siya. "Punyeta..." wala sa sariling bulong ko dahil sa pagkataranta. Halos hindi ko na mabasa ang pagkakasulat ko ng pangalan ko sa pagmamadali.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon