68: Old Friends

118 7 4
                                    

Kabanata 68 : Old Friends

"Naku! Ang apo ko! Ang laki-laki na!" salubong sa amin ni Mama nang sunduin namin sila ni Goldour sa airport. Agad niyang hinaplos ang tiyan kong ngayong halatang-halata na sa suot kong dress. 

Limang buwan na, eh. 

"Inuna pa ang apo kaysa sa anak." pasaring ko kay Mama.

Hindi man lang ako pinasalubungan ng yakap. Talagang hinaplos kaagad ang tiyan ko pagkalapit na pagkalapit sa amin. 

"Hindi ka na mahal ni Mama." pang-aasar naman sa akin ni Goldour na halos kasing-tangkad na ni Robber. 

Pabiro kong sinapak ang dibdib niya. "Tigilan mo nga ako, Goldour Acille. Porket malaki ka na, inaasar mo na ako?" 

Ngumisi siya. "Ang liit mo, 'te. Para kang kuto sa paningin ko."

"Yabang mo. Wala kang utang na loob. Kung hindi ko hinugasan 'yang pwet mo tuwing tumatae ka dati, hindi ka gagwapo ng ganiyan."

"At least, gwapo." Maya-maya'y binalingan niya si Robber na nanonood lang sa asaran naming dalawa. "Naks, Kuya. Naka-score na, ah. Anong feeling?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya. "Hoy, Goldour! Saan mo natutunan 'yan?" 

Tinawanan lang siya ni Robber kaya inirapan ko siya. Isa pa itong kunsintidor. "Mukhang hindi ka pa nagkaka-girlfriend, ah? Wala ka bang mahanap sa Japan?" 

Umiling si Goldour. "Wala nga, eh. Puro pa-cute lang. Gusto ko kasi barako." 

"'Yung pamangkin kong si Rowen. Nananapak ng lalaki 'yun." 

"Pakilala mo ako, Kuya." 

"Ako na lang ang sasapak sa 'yo, Goldour. Hindi ka titigil, ha?" galit kong sabi rito. 

Pinalo naman ako ni Mama na tumigil na sa paghaplos ng tiyan ko. "Naku, hayaan mo na nga 'yang kapatid mo, Golden. Matigas na talaga ang ulo niyan noon pa man. Umuwi na lang tayo, baka mangalay ka pa." 

Napakamot ng ulo si Goldour. "Si Mama naman, eh." 

Sumakay na kami sa van ko. Muli, inalalayan na naman ako ni Robber sa pagsakay. Nagpaa-alalay naman ako. Hindi na ito katulad noon na nagagalit pa ako kapag inaalalayan niya ako. Malaki na kasi ang tiyan ko. Madalas na nga akong mangalay. Hindi na ako nakatatagal sa pagtayo ng limang minuto. 

Naglilihi na rin ako. Nangungunsumi na nga sa akin si Robber sa tuwing humihingi ako ng cheese at talong sa madaling araw, eh. Palagi na lang napuputol ang tulog niya tuwing may hinihingi ako sa kaniya. Pero ni isang beses ay hindi siya nagreklamo. Maririnig ko na lang na bumubulong siya ng "For the twins, Robber. For the twins." para kumbinsihin ang sarili niyang bumangon.

Laking pasasalamat ko dahil hindi ako sinukuan ni Robber magmula noon hanggang ngayon. Hindi siya kailanman napagod sa pag-aalaga sa akin. Kahit na minsan, sobrang nakakainis na ako, iniintindi niya pa rin ako. 

Hay, ano bang ginawa ko sa past life ko para pagpalain ako nang ganito?

"Careful, baby." bulong sa akin ni Robber habang inaalalayan ako pababa ng sasakyan nang makarating kami sa parking lot ng condo ko. 

Wala nang umuukupa ng condo ko dahil nakatira na ako sa condo ni Robber katulad ng gusto niya. Habang si Lavi naman ay nakatira sa binili kong condo para sa kaniya. 

Speaking of Lavi, hindi ko na siya assistant ngayon dahil pangalawang buwan ko palang ng pagbubuntis at hindi pa maumbok ang tiyan ko noon, nag-anunsyo ako sa media na magki-quit na ako sa showbiz. Hindi ko sinabi ang totoong dahilan pero sinabi kong may personal issues ako na hindi pwedeng ipagkalat. Salamat naman at wala nang nag-usisa pang mga reporters sa tulong na rin ni Mother Lily. Pinag-aaral ko ngayon si Lavi dahil iyon ang gusto niya at bilang pasasalamat na rin sa kabutihan niya sa akin noon pa man. 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon