60: Celebration

147 6 4
                                    

Kabanata 60 : Celebration

"Baby, it's already 10 AM. Akala ko may taping ka ngayon?" 

Napatingin ako kay Robber nang pumasok siya sa kwarto niya kung saan ako natulog kagabi.

Oo, nanatili kami sa gano'ng set-up. Nanatiling lihim ang pagkikit at pagsasama namin ni Robber. Salamat at wala pa namang lumalabas na issue tungkol sa madalas kong pagpunta dito sa dati naming bahay. Hindi pa pala niya ito pinapagiba. Akala ko sa sobrang bitter niya sa akin, maging ang bahay namin, ipagiba niya. Mabuti naman at hindi.

Alam kong maling-mali 'tong ginagawa namin pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilang hanapin siya araw-araw. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumakbo sa kaniya.

Bahala na. Bahala na talaga.

Lumapit sa akin si Robber at niyakap ako. Ginawa niyang unan ang tiyan ko. "Tinatamad ako, Robber."

"Last shoot niyo na 'to, Golden. Pumunta na tayo para matapos na 'to." sabi niya habang gumuguhit ng bilog sa tiyan ko.

"Tayo? Sasamahan mo ako?" nakangiti kong tanong, pinaglalaruan ang mahaba niyang buhok.

Tama nga ako. Binalik niya sa kulay itim ang buhok niya dahil sa akin. Na-bitter daw siya nang kaunti.

"Oo naman. Baka mamaya, may kissing scene. Hindi ako papayag."

Natawa ako. "Oh, sige na. Maligo ka na, magbibihis na ako."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Hindi mo ako sasamahang maligo?"

"Hindi! Naligo na ako 'no! Sige na, Robber!"

Tumayo naman na siya peto dumukwang pa ng halik sa labi bago nagtatatakbo papunta sa banyo.

Ang lalaking iyon talaga.

----

"Hi, Golden! Balita ko may kissing scene, ah?" bungad sa akin ni Moon nang makarating ako sa set.

"Balita ko sasabog ang nguso mo mamaya. Moonveil." matigas na sabi ni Robber na nasa likod ko.

Napamaang si Moon. "Sama naman ng ugali mo. Kiss lang, eh. Damot."

"Pasapak. Sampung beses, please?" puno ng sarkasmong sabi ni Robber at hinatak na ako papasok ng tent para maayusan na ako.

Mabilis ang naging daloy ng shooting ngayon dahil isang scene na lang naman ang kakailanganin para matapos ang series na ito. Medyo napagod lang ako dahil inabot kami ng gabi pero okay lang naman. At least, tapos na.

"Good job! Good job!" sigaw ni Sir Marc, pumapalakpak pa habang nilalapitan kami ni Moon.

"Congrats, Moon and Golden!" sabi niya sa amin saka kami niyakap.

"Thank you, Direk." sabay naming sabi ni Moon.

Dumiretso na ako sa tent para makapagpalit na. Mayroon daw kasi kaming maliit na celebration mamaya sa bar ni Haiji. Ayoko nga sanang sumama dahil pagod na ako pero talagang pinilit nila ako. Wala tuloy akong choice kundi ang sumama na lang.

"Congrats, Golden!" 

Napalingon ako kay Astro na kapapasok lang ng tent. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bouquet ng rosas. 

"For you."

Agad ko naman iyong tinanggap. "Thank you, Astro." sabi ko saka siya nginitian.

Magsasalita pa sana siya pero naunahan siya ni Robber na kapapasok lang din. May dala rin itong pulumpon ng bulaklak na sa tingin ko'y tulips.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon