28: Come

103 6 0
                                    

Kabanata 28 : Come

Umalis na si Mr. Gaud sa classroom dahil may aasikasuhin daw siya. Nagsimula na ring mag-discuss ng kung ano si Robber sa harapan na hindi ko naman maintindihan dahil masyadong occupied ang utak ko tungkol sa kung anu-anong bagay. Hindi ko na masundan ang mga pinagsasabi niya.

"Class dismiss." 

Iyon lang ang tanging pumasok sa tainga ko at halos mapatalon ako sa tuwa. Finally, makakahinga na ako nang maluwag. Talagang nagtiis ako ng isang oras kasama siya sa iisang kwarto, para akong hinihigupan ng hininga!

"Punta tayo ng cafeteria!" aya sa amin ni Mazy na agad naming tinugunan ni Kaji. Tamad siyang tumayo at nag-unat. Natulog lang kasi siya sa loob ng isang oras. Ewan ko nga kung bakit hindi siya sinusuway ni Robber. Gano'n sila ka-close?

Papalabas na sana kami ng classroom nang marinig namin ang matinis na boses ni Lovely. "Sir! Punta tayo ng cafeteria! Treat kita!" malanding sabi niya na agad ginatungan ng mga kaibigan niya.

Napaismid ako dahilan para mapatingin sa akin si Robber. Agad akong umiwas at hinatak na palabas ang dalawa. Hindi ko na hinintay pang marinig ang kung anong isasagot niya kay Lovely. Sumama siya kung gusto niya. Pareho naman silang malandi. Magsama sila.

Agad kaming naupo sa bakanteng mesa sa cafeteria. Nag-volunteer na si Mazy na siya na ang bibili ng pagkain namin kaya naiwan kami ni Kaji sa mesa.

"Matagal ka na bang assistant ni Haiji?" pag-uusisa ko.

Lumingon siya sa akin at walang kabuhay-buhay ang mata niya. Para bang inaantok siya. "Isang taon na rin. Bakit?"

Nagkibit-balikat ako. "Ngayon lang kasi nakita. Hindi ko rin alam na may assistant pala si Haiji. Wala naman siyang sinabi."

Umangat ang gilid ng labi niya. "Hindi naman niya kailangang sabihin sa 'yo."

Napakamot ako. "Sabi ko nga," Tumaas ang kilay ko. "Eh, bakit ka narito?"

"Ayaw mo ba?"

"Hindi! I mean, assistant ka ni Haiji. Hindi ba dapat lagi ka niyang kasama?"

"Mahabang kwento. Basta! Sumasama lang ako sa kaniya tuwing may shows o kaya naman events na kailangang daluhan. Tapos isa sa kasunduan namin na magiging assistant niya ako basta pag-aralin niya ako."

Tumango-tango ako kahit medyo naguguluhan. Hindi na lang ako nang-usisa pa dahil baka sa iritasyon sa akin ni Kaji, masapak pa ako. Pansin kong boyish siya pagdating sa pagsasalita at pananamit. Bulgar siya kung magsalita na bawat kibot ay mura ang ilalabas. Pagdating naman sa damit ay wala siyang pakialam kung maiksi ito basta bumubukaka lang siya. Siguro hindi talaga siya komportable sa mga maiiksing damit.

"Here's your food!" 

Napatingin kami kay Mazy na tapos na pala umorder. Tinulungan namin siya sa paglalagay ng mga pagkain sa lamesa at nagsimula na kami sa pag-kain. Natigil kami sa pagkekwentuhan nang pumasok ang maiingay na barkada ni Lovely at syempre, naroon siya sa harapan nila, nag-bibida na naman.

"Sayang at hindi sumabay sa atin si Sir Robber!" eksaheradang sigaw niya na nakaagaw ng pansin ng lahat ng tao sa loob ng cafeteria. Maski kaming tatlo.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon