01: Golden

586 17 11
                                    

Kabanata 01 : Golden

"Ma, alis na po ako." paalam ko kay Mama na naabutan kong naghahanda ng lunchbox ko sa dining area. Naamoy ko naman ang ulam kong sinigang pati na rin ang amoy ng mabaho kong kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa naliligo. Alas-syete na ng umaga at syempre, male-late na naman siya sa eskwela.

Kahit kailan talaga ay hindi na nagtino.

Narinig ko ang nagkakalampagang mga kutsara't tinidor na hawak ni Mama. "Gano'n ba? Sandali lang, Golden Amille at inaayos ko pa ang baon mo." Ngumiti siya sa akin saka nagpatuloy sa pagbabalot ng baunan ko. 

Naiiling akong pumasok sa kusina namin. Nakita ko kung gaano kaaligaga si mama sa paghahanap ng tupperware na paglalagyan niya ng ulam kong sinigang na baboy.

"Ma naman, eh. Male-late na ako." Ngumuso at nangalumbaba pa habang pinapanood siya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano ka ba? Sandali na lang ito— nasaan ba kasi 'yung Lock & Lock— Ayun!" dinig kong sabi niya tsaka bumaling sa akin. "Maghintay ka, Golden Amille. Ikaw na nga itong pinagbabaunan, ikaw pa ang nagagalit." At nagsimula na siyang manermon sa umaga kaya naman napairap ako. 

Hay, umagang-umaga, ito ang bubungad sa akin.

"Asikasuhin mo nga ang kapatid mo do'n, Golden Amille. Malamang nakasubsob na naman iyon sa plato niya!" Mukha siyang stressed na stressed na kapatid ko kaya natawa ako. 

Talagang sakit sa ulo 'yang si Goldour. 

Naiinis akong kumamot sa ulo ko tsaka bumaling sa kapatid kong kulang na naman sa tulog. ML kasi nang ML, nalamog na tuloy ang utak. Ayun, nakasubsob nga sa plato niya dahil nakatulog.

Binatukan ko ang ulo niya, bigla siyang nagising. Malalaki ang mga matang napatingin siya sa akin, mukhang nagulat pa. "Goldour, aba, alas-syete na. Ano? Wala kang balak pumasok?" Tinaasan ko siya ng kilay saka ipinagkrus ang braso sa dibdib.

Pinunasan niya ang mukha niyang puro kainin at sinamaan ako ng tingin kaya naman tumaas ang kilay ko."Kahit kailan talaga, 'te, ang epal mo!" Inirapan niya ako saka kumain, nakabusangot pa ang mukha. 

Napamaang ako. Tama nga talaga sila. Mas matatapang nga talaga ang mga bunso. Ang lakas lumaban sa kapatid, akala mo may pinagmamalaki na.

"Ma! Sabi ni Goldour pa-epal daw ako!" sumbong ko naman kay mama. Dali-dali naman siyang lumabas at may hawak ng sandok. Napangisi ako. Paniguradong tatamaan si Goldour niyan.

Serves him right! Lakas lumaban sa akin.

"Ikaw, Goldour! Iyang bunganga mo, sisilaban ko na 'yan! Ang hilig-hilig mong sumagot diyan sa ate mo!" 

Sinundan iyon ng apat na palo sa pwet, tatlong pingot at dalawang kurot sa singit. Panay naman ang daing ng kapatid ko na walang nagawa kundi umiyak na lang at kumain. Natahimik siya at tumutulo pa ang luha habang sumusubo ng kanin.

Gising diwa niya, eh.

"At ikaw naman, Golden!" 

Inambahan ako ni Mama ng palo ng sandok kaya napaatras ako. "Luh! Ba't ako, Ma?!" sigaw ko at lumayo.

"Ang hilig mong asarin ang kapatid mo! Alam mo namang iyakin ang isang 'yan, papaiyakin mo pa!" 

Papaluin pa sana niya ako pero mabilis akong tumakbo palayo.  

Ayoko ngang mapalo.

Pa-simple akong binelatan ng kapatid ko na ginantihan ko naman. Epal!

"Ma, baon ko." sabi ko kay Mama at nilahad pa ang palad ko sa harap niya.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon