61: Wedding

134 7 6
                                    

Kabanata 61 : Wedding

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang pangyayari sa bar ni Haiji at hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari.

Nahuli kami. Nahuli kami sa akto. Alam na niyang may sekretong relasyon kami ni Robber at hindi ko maiwasang mag-alala, hindi para sa 'kin, kundi para kay Robber.

Panibagong pasakit na naman ang dinulot ko sa kaniya.

Pero sa kabilang banda, hindi ako nagsising lumaban ako kay Lovely. Nasira na nilang dalawa ni Ruby ang buhay ko noon, hindi ko na hahayaang maulit pa iyon ngayon. Nakuha nila sa akin si Robber noon, hindi na ngayon. Natuto na akong lumaban, wala na silang panakot sa akin.

Isa sa ipinagtataka ko, sa bawat araw na lumilipas, wala akong nababalitaan tungkol doon sa nangyari. Kung nakarating nga iyon kay Ruby, tiyak na mabilis na kakalat iyon na para bang apoy ngunit wala. Wala akong nababasang article tungkol doon.

Siguro may ginawa na naman si Robber. Pinoprotektahan na naman niya ako.

Magmula ng gabing iyon, hindi na muli pa kaming nagkita ni Robber. Hindi na rin ako natutulog sa dati naming bahay. Dito na ako sa condo ko. Ang tanging paraan lang para makapag-usap kami ay text at tawagan lang. Siguro dala na rin ng konsensiya kaya hindi na kami nagkikita pa masyado.

Pero hindi naman siya nakakalimot na batiin ako ng good morning sa umaga at goodnight sa gabi. Walang palya iyon na talaga namang ikinatuwa ko.

Pero... dapat ko nga bang ikatuwa? Nagloloko kami. Nanloloko kami ng tao. Wala kaming pinagkaiba kila Kris at Ivy.

Bahala na. Bahala na talaga. Maniniwala na lang ako kay Robber na aayusin niya na ang lahat sa pagitan nila ni Lovely bago tuluyan akong angkinin.

"Good morning, baby." bati niya sa akin nang mag-face time kami pagkagising ko.

"Good morning." bati ko pabalik, pupungas-pungas pa.

"Have you eaten? What's your breakfast?"

Ibinaba ko ang tablet sa kitchen counter para makapaghanda ako ng lulutuin ko. "Kakain palang ako. Actually, nagluluto na ako ng fried rice. Gusto mo?" pagbibiro ko.

Nakita kong natawa siya. "Oo naman. Can I go there?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ba't aayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin bago tayo magkita?"

Napabuntong-hininga siya. "I know, I know. But I really miss you. Gusto na kitang yakapin..." Ngumuso pa siya.

"Edi ayusin mo na iyan nang mayakap mo na ako." sabi ko naman.

Nang matapos sa pagluluto, itinapat ko sa akin ang tablet ko para magkaharapan kaming kumain.

"Nasaan ka pala? Mag-isa ka lang? Baka nandiyan si Lovely?"

Oh, gosh! Tunog kabit ako!

"Nandito ako sa bahay natin. And yes, mag-isa lang ako. Lovely isn't here. She's not allowed here in our home."

Natawa ako. "Ikaw talaga."

"Nga pala, Golden, natanggap mo na ba 'yung invitation na binigay ni Moon?"

"Yup, naibigay na sa akin ni Lavi. Ikakasal na pala siya? Parang biglaan naman? Parang nagsho-shoot lang kami noong nakaraang linggo tapos ngayon ikakasal na siya?"

Tumawa siya. "Biglaan nga. Hindi rin in-expect. Basta lang tinawagan ako ng gago at sinabing ikakasal na siya. Wala man lang invitation sa akin. Talagang itinawag lang."

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon