33: Buntis

148 8 8
                                    

Kabanata 33 : Buntis

Anong ginagawa nila rito? Judge kamo?

Agad akong napalingon sa pwesto nina Kaji at Mazy at parehong-pareho kami ngayon ng itsura. Hindi maipinta, nagtatanong, nagulat.

"Bakit sila nandito?" sabi ko kahit hindi nila narinig. Mukhang naintindihan naman ni Kaji ang galaw ng bibig ko kaya nagkibit-balikat siya at sinabing 'ewan'.

Nanlulumo akong napaayos ng upo at napatingin sa kanilang tatlo na kakaway-kaway pa sa mga nagkaka-ingayang estudyante. Kung maingay na kanina, t-um-riple ngayon dahil tilian sila nang tilian sa presensya ng tatlo. Maging ang mga kasama ko sa cheerdance ay nakikisigaw na rin. Nangunguna pa nga si Kuya Jekjek.

"Anakan niyo 'ko!" sigaw niya nang malakas na nagpatawa sa mga nakarinig.

"Gaga, wala kang matres!" sigaw naman ng isa ring bakla kaya d-um-oble ang tawanan.

Bumuntong hininga ako at tinanggap na lang ang katotohanan na maging sila ay makakanood mamaya ng paggiling ko. Kasi naman, eh! Hindi man lang sinabi sa akin ni Robber kagabi! Akala ko sa shop kami magkikita, iyon pala, dito na talaga sa school!

"Wala talagang kupas. Kahit inactive, sikat pa rin talaga." naiiling na sabi ni Lester na katabi ko habang pinagmamasdan ang tatlo.

Nagsisisi na akong naupo ako sa harap, nakita tuloy ako ni Moonveil. Kinawayan pa ako ng hayop.

"Uy, kinakawayan ka 'ata ni Moon. Kilala ka niya, 'di ba?" tanong sa akin ni Lester.

"Hindi ko kilala 'yan." pagtanggi ko bago pinandilatan ng mata si Moonveil. Natawa naman siya bago binulungan ang dalawa niyang kasama at itinuro rin ako. Tuloy, silang tatlo na ang kumakaway sa akin ngayon.

Yumuko na lang ako at umaktong hindi ko sila kilala. Mababatukan ko talaga ang mga ito mamaya!

Naupo na sila sa mga upuang nakalaan sa mga judges. Katabi nila ang mga stockholders at mga congressman na inimbitahan dito. Hindi pa rin napapagod sa pagtili ang mga tao kaya ang mga tainga ko naman ang napapagod.

Pero teka nga, si Robber ba? Hindi kasali?

Nasagot ng facilitator ang tanong ko. "Mr. Sederia is not around kaya hindi siya makakapag-judge. Tsaka it would be unfair and biased kapag siya ang nag-judge. Kasi alam niyo na..."

Biglang siniko ni Kuya Jek ang tuhod ko. "Kung judge si Robber, paniguradong panalo na tayo dahil sa 'yo." kinikilig niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. Anong kinalaman ko rito? "Luh, ba't ako?"

"Syempre, bet ka no'n! Duh! Pa-humble ka talaga! Kurutin ko singit mo, eh!" tatawa-tawa niyang sabi at umayos na ng upo.

Hindi ko na lang pinansin pa dahil hahaba pa ang usapan. Baka maungkat pa ang nakaraan. Ayoko nang pag-usapan pa iyon.

Nagsimula na ang program. Naging taga-palakpak kami sa loob ng tatlumpung minuto sa tuwing matatapos mag-speech ang isang hurado. At 'di kalaunan ay nagsimula na nga ang contest.

"Shit, kinakabahan ako." dinig kong sabi sa akin ni Lester habang pinapanood namin ang kalaban namin na nagpeperform ng kanilang stunt. Nahulog ang isang babaeng flyer. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nahulog siya o maaawa. Napa-'ooh' naman ang audience pero nagpatuloy pa rin naman.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon