32: Jealous

118 7 0
                                    

Kabanata 32 : Jealous

"Ano 'yon?" sigaw ko kay Robber nang makarating kami sa likod ng school.

Oo! Talagang hinatak ko siya hanggang sa likod ng school para pagalitan siya! Makuha ba namang sabihin sa lahat na boyfriend ko siya! Kung hindi ba naman siya isa't kalahating tanga, eh. 

"What?" balewala niyang sabi, nakatitig pa rin sa akin.

Napasapo ako ng noo. "Teacher ka, estudyante ako!"

"Obviously." balewala niyang sagot na para bang hindi big deal iyon.

"Ano na lang sasabihin nila?!"

Kumunot ang noo niya. "Malay ko, bibig ko ba 'yun?"

Halos mapahilamos ako ng mukha dahil sa inis. "Wala ka talagang kwenta kausap!" 

Inirapan ko siya bago tumalikod at napapadyak na lang sa inis. Sa susunod talaga ay mukha na niya ang papadyakan ko. Sigurado akong nakita ng lahat ang ginawang paghapit ni Robber sa bewang ko dahil nag-igikan sila matapos 'yon. Maging si Lester na nasa harap namin kanina ay napayuko na lang at napaalis dahil sa hiya.

Mabuti pa siya, nakaramdam ng hiya, eh, itong si Robber? Hindi!

Bumuntong hininga siya. "Don't think about it—"

"Anong don't think about it? Baliw ka ba? Paano kapag pinagchismisan tayo ng mga iyon?"

Ngumisi siya na para bang natatawa sa paghihimutok ko. "Edi okay?"

"That's not okay! God! Hindi ka ba marunong umintindi?"

Nagkibit-balikat siya. "You're just overreacting. Bumalik ka na roon dahil may practice pa kayo." Inabot niya ang siko ko pero mabilis kong iniwas iyon sa kaniya.

"Talagang babalik ako! Sa susunod nga, 'wag mo na akong lapitan at lalong 'wag mong ipakilala ang sarili mo bilang boyfriend ko!"

"Bakit naman?"

"Dahil hindi naman kita boyfriend!" malakas na sigaw ko dahilan para mapahinto siya at mapatitig sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa narinig na para bang unang beses niya pa lang narinig iyon.

Oo, alam ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na siya sasaktan sa mga salita ko pero kung hindi ko na talaga mapigilan. Sumusobra na siya.

"I know." nakayuko niyang sinabi kaya napakagat-labi ako.

Hindi ko babawiin ang sinabi ko. Ayoko.

"Eh, bakit sinabi mo pa rin 'yon?" medyo mahinahon ko nang tanong.

"He likes you..." mahina niyang sabi, hindi pa rin makatingin sa akin.

Tumaas ang kilay ko. "Ano naman?"

"I'm just..." Pinutol niya ang sasabihin niya at umiling nang mariin. Nalito ako sa ginawa niya. Nababaliw na nga talaga siya.

"Ewan ko sa 'y—" 

Akmang aalis ako nang bigla siyang magsalita kaya napatigil din ako. 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon