67: Freda Sederia

123 5 1
                                    

Kabanata 67 : Freda Sederia

"Palayain mo ang anak kong si Rudy..."

Napatitig ako kay Ruby nang marinig ang nagsusumamong tinig niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa saka bahagya iyong pinisil.

"Alam kong sobrang laki ng kasalanang nagawa ko sa 'yo noon... Alam kong sobra kong nasira ang buhay mo noon... Nagsisisi na ako. Wala ako sa tamang pag-iisip noon dahil nalaman kong wala na rin sa tamang pag-iisip si Rudy..."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nilamon na ng inggit ang anak ko, hindi ko na siya mapigilan..."

Mas lalo akong napatitig sa kaniya.

Hindi ko maintindihan....

"Noong bata palang sila ni Robber, likas ng may inggit ang anak ko sa kaniya... Naiintindihan ko naman dahil isang mabait na bata si Robber... hanggang ngayon. Akala ko noon, kaya ko pang daanin sa galit ang paninira ni Rudy kay Robber... Sinubukan kong pigilan, sumubok ako... Hindi naman ako nagkulang pero dumating na lang talaga sa punto na hindi ko na siya makontrol..."

"Minsan ko nang narinig mula sa kaniya kung paano niya papatayin si Robber.... Sinabi niya sa akin ang plano niya. Kitang-kita ko mula sa mga mata niya ang galit at inggit... Akala ko kaya ko siyang kontrolin... Iyon pala... Ako na ang nakontrol niya.."

Wala sa sariling napisil ko ang kamay niya nang magsimula siyang humagulgol. Halos mahirapan siya sa pagsasalita kaya sinabihan ko siyang kumalma muna pero nagpatuloy siya.

 "Isa akong ina, Golden... Malambot ang puso ko pagdating sa anak ko... Lahat ng gusto ng anak ko, ibibigay ko... Kaya ko nagawa iyon. Kaya inutusan kita noon dahil iyon ang plano nila ni Lovely. Para magkaroon ng utang na loob si Robber sa kanila at mapaikot nila ang ulo niya..."

"Mahal na mahal ko ang anak ko, Golden... Mahal na mahal ko si Rudy... Siya na lang ang natitira sa akin... 'Wag mo naman siyang ilayo..."

"Ruby..."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, desperado na sa hinihiling. "Magiging ina ka na rin, maiintindihan mo rin ako... Lalambot din ang puso mo pagdating sa anak mo... Maiintindihan mo rin ang ginawa ko."

Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo saka bumuntong-hininga. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa kamay ko kaya naman natigil siya sa pag-iyak at napatingin sa akin.

"Golden..." Mukhang nawawalan na siya ng pag-asa.

Mariin akong umiling. "Kung magiging ina ako, hindi ako tutulad sa 'yo." madiing sabi ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala sa narinig.

"Magiging mabuting ina ako sa anak ko, hindi katulad mo... Dahil ang tunay na ina, minamahal ang sariling anak at hindi nangungunsinti ng kamalian nito..." malalim kong sabi habang malalim siyang tinititigan. Sinisiguro kong maiintindihan niya ang ipinupunto ko. "Maiintindihan ko ang ginawa mo? Hinding-hindi, Ruby... Hinding-hindi ko maiintindihan. Bakit? Anak mo rin naman si Robber, ah? Sa tingin mo, naging mabuting ina ka sa kaniya?"

Napansin kong natigilan siya, mukhang tinamaan sa sinabi ko.

Dapat lang.

"Sa sandaling, tinanggap mo ang ama niya bilang asawa mo, kasabay no'n ang pagtanggap mo ng responsibilidad bilang ina ni Robber... Pero nabigo ka... Hindi ka naging mabuting ina..."

Napatayo siya at umiling-iling. Itinatanggi niya pa ang paratang ko sa kaniya.

"Nagkakamali ka, Golden... Hindi mo kasi ako maintindihan--"

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon