17: Robber

115 6 2
                                    

Kabanata 17 : Robber

"Good morning, Ma'am. Good morning, classmates. Can you please lend me your ears for the couple of minutes as I present to you my report? Here it is. My topic is all about probability..." 

My presentation went on and on and on. Tutok na tutok sa akin ang mga kaklase ko maging ang teacher namin sa math. Kinakabahan ako pero agad ring napapawi iyon sa tuwing ngumingiti at humahanga si Ma'am sa way ko ng pagpepresent. Maging ang PowerPoint Presentation ko ay kahanga-hanga rin. Hindi halatang ni-rush.

"Very good, Miss Rivero! Very good!" 

Napangiti ako nang dahan-dahang pumalakpak si Ma'am na sinabayan pa ng ngitian ng mga kaklase ko. Nakita ko pa si Alby na nag-thumbs up sa akin. Nginitian ko siya. Nawala ang antok ko. Sulit na sulit ang puyat ko dahil nakita ko ang grado ko sa class record ni Ma'am.

99. Hmm. Ayos na rin. 

"Mahirap ang topic mo but you presented it very well. The same as your PowerPoint Presentation, maganda, ha! Halatang pinaghandaan. Honestly, I can give you the perfect grade but I'm still not satisfied since you look like you're a little bit distracted while reporting. What's wrong?" komento sa akin ni Ma'am. 

Napayuko ako.

Si Robber kasi, eh! Nakasilip sa bintana ng classroom namin habang nagrereport ako. Kada bitaw ko ng salita, ngingiti. Kada ililipat ko ang slide, ngingiti. Nagvivideo pa! Hindi ko naman masaway kasi nga nagrereport ako. Tsk, 100 sana ako kung hindi siya nanggulo.

Pero hindi dapat ako magalit. Kung tutuusin, siya ang dahilan kung bakit 99 ang grade ko. Mas mababa pa nga siguro diyan ang makukuha ko kung hindi niya ako tinulungan.

Lahat ng nakalagay sa slides ay binago niya. Maging ang mga informations, animations, lahat! Binago niya! Nilagay niya ang mga brief data na mas madaling intindihin kaysa sa unang inilagay ko. Nagsulat din siya ng notes sa notepad ko. Inilagay niya ang mga posibleng itanong ni Ma'am at ano ang dapat kong isagot. Malaking tulong iyon dahil itinanong talaga iyon sa akin kanina!

Hindi ko nga alam kung anong oras na siya nakauwi, eh. Basta paggising ko, nakabalot na ako ng kumot. Nakaayos na ang mga gamit ko sa mesa ko. At ang malupit, nakahanda na rin ang uniform ko. Kulang na lang ay ipagluto niya ako ng almusal at paliguan.

Masyado niya akong bine-baby.

Muli kong sinulyapan si Robber na nakasilip pa rin sa bintana ng classroom namin. Kumindat siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"A-ah, kulang lang po sa tulog, Ma'am." sagot ko.

Tinapik niya ang balikat ko. "You did a great job, Miss Rivero." Nilingon niya ang mga kaklase ko. "Okay, class dismiss."

Mabilis akong lumabas ng room para kitain sana si Robber pero hindi ko na siya naabutan pa roon. Saan naman kaya iyon?

Nasagot ang tanong ko nang tumunog ang cellphone ko.

[Robber: Hey. You did a great job. Congrats! :* By the way, nasa parking lot ako. Umalis na ako kasi baka may makakita pa sa akin, hehe. Good morning!]

Hindi ko alam kung bakit parang tangang nangingiti ako habang binabasa ang text niya.

Nagreply ako.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon