15: Threat

115 5 0
                                    

Kabanata 15 : Threat

"Goldie!" 

Napalingon ako agad sa bintana ng classroom namin nang tawagin ako ng kakaway-kaway na si Ivy.

"Sandali!" sigaw ko pabalik at mabilis na inayos ang nagkalat kong gamit sa mesa. Lumabas kaagad ako nang matapos para salubungin siya. Ano na naman kayang meron at tila excited na excited siya?

Hinatak niya ang braso ko papalapit sa kaniya. "Nasaan ka kahapon?"

Napakunot ang noo ko. "Huh? Kahapon? Nasa bahay. Bakit?"

"Hindi! Pagkatapos mag-uwian, nasaan ka?!" Inalog-alog niya pa ako at pinagmamadali sa pagsagot.

Teka nga, ano na naman bang meron?

Napakamot ako ng ulo. Maging sa kaibigan ko ay hindi ko kayang mag-sinungaling. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao kapag ginawa ko iyon.

"Nagkita kami ni Robber." 

Halos mapatalon ako nang bigla siyang tumili. Nagtinginan sa amin ang iba naming kaklase na abala sa pagre-recess kaya agad kong tinakpan ang bibig ni Ivy. Eskandalosa!

"Omg! So, totoo nga?!" sigaw niya, nanlalaki pa ang mga mata.

"Ang alin?"

Ipinakita niya sa akin ang tatlong litrato sa cellphone niya. Naroon kami ni Robber sa ihawan ni Aling Helen. Ang una, nakayakap sa akin si Robber. Pangalawa, kumakaway ako sa kaniya. At pangatlo, nakahalik siya sa pisngi ko.

"Shit." naiusal ko.

Issue na naman! Sino na naman ang nagpakalat nito?!

Nakita kong halos umabot na ng isandaang libong share at comments ang article na iyon na naglalaman tungkol sa 'pagde-date' namin ni Robber na wala namang katotohanan!

"Omg! Mag-explain ka! Mag-explain ka, Golden! Robber kissed you!" pagwawala ni Ivy.

"Ano ka ba, baka marinig ka nila!" saway ko sa kaniya dahil pinagtitinginan na talaga kami.

"Hello? Kalat na kaya sa facebook, itatago mo pa! So, ano nga?! Kwento ka naman! Ang daya mo!"

At doon nga, kinuwento ko sa kaniya ang lahat. Magmula sa kaganapan sa Neon Cafe hanggang sa isawan ni Aling Helen. Bawat kwento ko 'ata, titili siya. Maharot talaga!

"Eh, madaya ka! Hindi mo ako sinama!" nangungusong sabi niya.

"Busy ka 'ata, eh." 

Naalala ko na naman tuloy ang hindi niya pagpansin sa akin kahapon. Siguro nga abala sa paghahabol ng grades.

"Anong busy? Eh, kumakain lang ako ng siomai kahapon sa likod ng school!"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Nakita mo ba si Kris doon?"

"Oo, kasama mga tropa niya. Bakit? Hindi ka nagpaalam? Lagot ka!"

"Tanga, nagpaalam ako."

"Oh, tapos? Pinayagan ka?! Naku, naku! Hindi dapat! Jusko, hindi ba siya nagseselos man lang? Hindi ba siya natatakot na maagaw ka ni Robber mula sa kaniya? Masyado ba siyang confident?" 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon