58: Ready

145 7 3
                                    

Kabanata 58 : Ready

"Golden!" bungad sa akin ni Mazy nang sagutin ko ang tawag niya.

"Oh?" sagot ko naman habang kumakain ng cereal bilang breakfast ko.

"Busy ka ba?" 

Nahimigan ko ang pagkataranta niya sa kabilang linya kaya naman napaayos ako ng upo.

Ano naman kayang nangyari?

"Hindi naman. Off ko ngayon, eh. Bakit?"

"Aalis kasi kami ni Romin, pupuntahan namin 'yung parents niya sa Iloilo. May emergency. Hindi kami makakabyahe kapag kasama namin si Chesca."

Napakunot ang noo ko. "Anong gagawin ko?"

"Pababantayan ko muna sa 'yo saglit. Pwede ba?"

Napangiti ako. "Oo naman! Ngayon na ba?"

"Oo sana. Hintayin ka namin dito sa condo. Pakibilisan na lang kasi emergency, eh."

"Sige, sige. I'll be there in 15 minutes."

"Okay! Thank you, mwa!" paalam niya saka ibinaba na ang tawag.

Kaagad akong nagbihis at kinuha ang susi ng kotse ko. Wala si Lavi para ipagmaneho ako, day off niya rin kasi kaya ako na ang magmamaneho.

Nakaka-excite. Mahilig kasi ako sa mga bata at ngayong aalagaan ko ang pamangkin ko, talagang nae-excite ako. 

Na-miss ko tuloy si Goldour. Ang laki-laki na kasi ng kapatid ko na iyon. Mas matangkad na nga kaysa sa akin. Hayun, nasa Japan silang dalawa ni Mama dahil gusto nilang magpaiwan. Si Mama, may business na na restaurant at talagang kilala na sa buong Japan habang si Goldour ay pinagpatuloy niya ang naudlot niyang pag-aaral. 

Minsan, napapaisip tuloy ako. Kung hindi ba nanggulo sa buhay namin noon si Ruby, magiging gan'to ba ako ngayon? Masasabi kong successful na ako at kuntento na ako sa buhay ng pamilya ko ngayon. Hindi na kami naghihirap ngayon, hindi katulad noon na kailangan pang magtrabaho nang maigi ni Mama para makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. 

Kuntento na ako para sa pamilya ko. Ako? Kuntento na ba ako sa sarili ko ngayon? Na ang naging kapalit ng kaginhawaan ng pamilya ko ay ang pagkawala ng lalaking pinakamamahal ko? Kuntento na nga ba talaga ako?

"Pasensya na sa istorbo, Golden, ha? Inatake kasi si Mama, kailangan kong dalawin sa Iloilo." bungad sa akin ni Romin nang makarating ako sa condo nila. 

"Wala iyon. Wala naman akong ginagawa, eh. Sige na, ako na ang bahala. Mag-ingat kayo, ha?" paalala ko sa kanila. Nagpaalam naman na sila sa akin pero bago sila umalis, nagsalita si Mazy. 

"Nasa kwarto si Chesca. Gising na 'ata 'yun, ginising ni Robber, eh." 

Naibaba ko ang hawak kong picture frame saka nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya. "Ano? Ginising nino?"

Teka, baka nagkakamali na naman ako ng dinig.

Ngumisi siya. "Si Robber kako! Ginising si Chesca! Ewan ko ba rito kay Romin at tinawagan pa 'yung bebe mo. Sige na, alis na kami. Ba-bye!" 

"Mazy-- wait!" Hindi na nila ako narinig pa dahil nagtakbuhan na sila paalis ng condo nila. "Mga peste kayo!" sigaw ko na lang dahil sa inis. 

Nakakainis! Bakit nandito si Robber?! Hindi ba siya busy? Umuwi na kaya ako? Hindi naman na ako kailangan pa dito, eh. 

"Oh, Tita Ganda's here." 

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Robber na kalalabas lang ng kwarto habang nasa bisig niya ang pamangkin ko. 

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon