53: Workmate

116 9 1
                                    

Kabanata 53 : Workmate

"Nakaka-awa ka naman."

Hay nako! Ang sarap talagang sikmuraan ni Robber! Tuluyan ngang nagbago na siya. Hindi siya 'yung klase ng tao na may lakas ng loob na sabihin ito sa isang tao lalo na sa akin! Ibang-iba na siya! Hindi ko na siya makilala. Sa akin lang ba nagbago ang pakikitungo niya o sa iba rin? Kung sa iba rin, talagang tatamaan ang isang 'to sa akin. Kung ako lang ay ayos pa dahil kasalanan ko naman ito at tanggap ko, pero kung sa ibang tao ay ibang usapan na. Kailangan na nitong matauhan. 

Pilit kong nilunok ang magkahalong sakit at galit na pumapaibabaw sa sistema ko. Itinago ko na lang iyon sa aking sarili dahil kung hindi ko 'to mapipigilan, baka maibato ko sa kaniya ang pamangkin ko. 

Ekseharadang tumikhim si Mazy para maalis ang tensyong bumabalot sa amin. 

"Kumusta naman ang asawa mo, Robber?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. 

Seryoso ba siya? Nandito kaya ako!

Ngumiti naman si Robber at sumandal pa sa upuan, parang tuwang-tuwang pag-usapan ang asawa niya. "She's fine. We're fine. Ang sarap pala ng buhay may asawa." 

Kumunot ang noo ko. 

Edi kayo na, mga leche!

"Oo nga, masarap nga. Kita mo naman kami ni Romin, ang saya-saya namin lalo pa't dumating na ang angel namin." Ngumiti siya nang haplusin ang anak na hindi ko pa rin binibitawan. 

Hilaw akong tumawa. "Wow, sana all." pagbibiro ko dahilan para umismid muli si Robber. Hindi ko na lang siya pinansin pa. "Edi kayo na ang may asawa. Wala namang forever!"

"Bitter ka, girl?" tatawa-tawang puna sa akin ni Mazy. 

Napairap na lang ako. Hindi ba halata?

"Alam mo, maghanap ka na kasi ng boyfriend mo. Hoy, bente-uno ka na! Hindi ka na pa-bata! Tignan mo ako, happily married na. Ikaw, single pa rin. Ano ba naman 'yan, Golden! Wala ka bang nahanap sa Japan? Madaming gwapo ro'n, ah? Tsaka sikat ka! Maraming magkakandarapa, maging jowa mo lang!" 

Bigla naman akong napaisip. Sign na kaya 'to? Sign na kaya 'to na tigilan ko na si Robber? Ilang beses na niya akong sinasampal ng katotohanan na may asawa siya, mukhang ako na lang 'ata ang hindi natatauhan. Titigilan ko na ba siya? Mukhang wala naman akong mapapala, eh.

Tsaka ayokong tumandang dalaga 'no! Kung ayaw na sa akin ni Robber, hindi ko na ipipilit! Kung tadhana na ang kalaban ko, sino ba ako para kalabanin iyon? 

"You should try dating one of your fans instead." suhestiyon ni Winter. 

"Uy, sakto!" Napatayo si Moon. "'Yung pinsan ko, fan mo 'yun! Si Astro! Ji, kilala mo 'yun 'di ba?" 

"Oo. Patay na patay sa 'yo 'yun, Golden." sabi naman ni Haiji. 

"Naalala ko dati, lagi niyang sinusubaybayan 'yung mga movies ni Golden." singit naman ni Winter. 

Tinuro ni Moon si Robber na nakahalukipkip. "Rob, kilala mo 'yun, 'di ba?" 

Simpleng tango lang ang sagot ni Robber, mukhang walang pakialam sa kung sino man ang ireto nung tatlo sa akin. 

Tse! Bahala siya! Kung ayaw niya na sa akin, hindi na ako magpupumilit! Ayoko rin namang magmukhang panira ng relasyon. Magpakasaya na lang sila ni Lovely habang buhay! Basta ako, maghahanap na ako ng akin. Hinding-hindi ako tatandang dalaga!

"Gwapo ba?" tanong ko.

"Medyo. Kulang ng isang paligo sa akin." sabi ni Moon, naghahangin na naman.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon