09: Let's Meet

139 7 3
                                    

Kabanata 09 : Let's Meet

Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong kaniya-kaniya sa pagnguya ng mamahaling tsokolateng ibinigay ko sa kanila.

"Thank you, Golden!"

"Thanks, Golden!"

"Sa susunod ulit, Golden!"

Napaismid ako sa mga isinigaw nila. As if namang may susunod pa.

Alanganin lang akong ngumiti sa kanila at nilukot ang hawak kong sulat ni Robber sa akin.

Hi, Golden!
- from ur friend <3

Iyan lang ang tanging nakasulat doon. Walang nakalagay kung kanino galing at kung sino ang nagbigay sa akin pero base sa sulat, ang hinayupak na si Robber ang nagbigay no'n sa akin. At dahil wala naman akong planong kainin ang kahit na anumang ibigay sa akin ni Robber, ibinigay ko ito sa mga kaklase ko na siya namang nag-agawan pa makakuha lang ng tsokolate. Malamang, galing iyan sa idol nilang si Robber. Akala siguro nila may laway 'yan ng idol nila para pag-agawan.

Napairap na lang ako habang pinagmamasdan sila.

Ano bang mayroon sa Neonlights at patay na patay sila? Dahil ba gwapo? Maganda ang mga kanta? Eh, mga barumbado naman! Kita mo nga si Robber, eh, abnormal! Syempre, gano'n din ang mga ka-banda niya. Nagkahawa-hawa 'yun panigurado ng ugali.

E, ba't ako? Hindi naman ako nakaramdam na kahit katiting na pagkagusto sa kanila? Ako ba ang abnormal o sila? Pero masisisi ba nila ako? Loyal ako sa boyfriend ko e at hindi ko kayang ibaling ang tingin ko sa iba kahit na si Robber pa.

"Nakabusangot ka na naman." Napaangat ako ng tingin sa nagsalitang si Kris. Tila lumiwanag ang paligid nang makita ang ngiti ng gwapo kong boyfriend. "Bakit ba kapag dadatnan kita rito sa canteen, nakabusangot ka?" tatawa-tawa niyang sabi at humalik sa noo ko. Hindi na ako nag-abala pang sawayin siya. Sanay na ako, eh. Tsaka gusto ko naman 'yon.

"Nabibwisit na naman ako, eh." napapairap kong sabi.

"Kay Robber na naman ba?" tanong niya at nag-lagay ng tsitsirya sa bibig ko.

"Oo, sino pa ba?" Huminga ako ng malalim. "Siya lang naman ang kinaiinisan ko ngayon at wala ng iba."

Napatawa siya. "Hayaan mo na kasi siya."

"Ilang beses ko na siyang hinahayaan, beb, pero wala talagang nangyayari! Lapit pa rin siya nang lapit! Sinisira niya pa rin ang buhay ko!"

Tumango-tango siya habang ngumunguya. "What are you going to do, then?"

"Since hindi naman siya nagpapatinag kahit sabihin kong may boyfriend ako dahil mukhang hindi naman siya naniniwala, ipapakilala kita sa kaniya."

Tila lumiwanag ang mukha niya dahil sa narinig. "Really? I like that."

Aba talagang natuwa pa! Stressed na stressed na nga ako!

"Kris, ano ba?" inis kong sabi, napapapadyak pa.

Tumawa siya at sinubuan ako ng tsitsirya na kinain ko rin naman kahit galit ako.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon