Chapter 1

587 50 8
                                    

Author: Hi po guys! Sa mga mauunang chapter po ay mga prequel muna po ng pagtatagpo nina Shantiella at Damascus. Siguro medyo tatamarin kayo kasi halos pagde describe ang isusulat ko sa chaps 1-3.Yun muna ang tungkol kay Shanti before sya mag-college. pero sa mga mati-tiyagang magbasa non ay advanced thank you po. Godbless!!

---------------------

"Anong oras kayo pupunta ng DHVSU bukas?" Tanong ni Kinshasa sa gc namin

January 5 2020 kasi ngayon at bukas ang date na maga-apply kami sa DHVSU. Upcoming 1st yr college students na kasi kami at sa iisang university lang kami papasok. Everybody loves and likes to be a student of DHVSU. It's a great university i can say.

Nung 1861 pa ito unang itinayo at nagkaron ng iba't ibang pangalan. Before it was named Dhvsu, mayroon pang mga pangalan ito noon katulad ng "Escuela de Artes y Oficios de Bacolor"; "Bacolor Trade School"; Pampanga Trade School" and etc. that is already implemented. Last yr lang ito napalitan ulit. Mula sa Don Honorio Ventura Technological University (DHVTSU) Ito'y naging Don Honorio Ventura State University nalang which they can now offer more courses, like in medicine, law and tourism.

Marami akong kakilala na gustong gusto talaga dito dahil bukod sa maganda, malaki, libreng tuition, ay maganda rin ang pagtuturo nila rito.

Isa pa ding gustong gusto ko na magawa sa DHVSU ay ang makasali sa varsity at makapaglaro sa SCUAA para kung papalaring magchampion ng ilang beses, we can have an opportunity to play with the big universities in Manila.

Ang gusto kong makalaban kung sakali roon ay ang NATIONAL UNIVERSITY (U.N) dahil naroon ang crush kong si Dave Ildefonso but now it seems like he's dating someone. Yep i know it coz i can see it on his IG stories at doon rin sa IG acc nung babae. Pero hayaan na nga, magpapaka-loyal nalang ako kay Andres Muhlach. Sana lang wala pa talaga syang girlfriend or nililigawan, hindi kasi madalas mainterview yun e okaya yung pala-post sa social media.

Kapag kasi nagkagusto ako sa isang tao, ayoko yung may sabit. Ayoko yung may girlfriend na, may nililigawan or ka-m.u kasi gusto ko malaya ko syang gustuhin. Yung walang asungot at harang haha.

"Ako 6:30am" sagot naman ni Noumea

"5am" sagot ko

"Ang aga mo naman! Dapat sabay sabay tayo e" reklamo ni Shasa

"Magkakasabay naman tayo kung maaga kayo" sabi ko

"Baka tulog pa ako non" sabi naman ni Mea

"Ako rin" sabi ulit ni Shasa. Napataas kilay ko, gusto ba talaga nila ako makasabay? Parang silang dalawa nalang ata dapat e

"Edi kayong dalawa nalang magsabay" nakita kong 7:30pm na kaya pinatay ko na ang cellphone ko with action na parang binabaril. Kailangan ko ng matulog maaga pa ako bukas

Actually si mama ko talaga ang laging nagre-remind saakin na dapat lagi akong maaga kundi mahuhuli ako.

May mga nagtanong rin saakin sa mga classmates ko kanina na sasabay raw sila sakin pumunta sa DHVSU pero nag-second thoughts ng sabihin kong 5am ako aalis

Ready narin naman lahat ng gamit ko. Mga susuotin ko bukas. Yung card, PSA, good moral, and 2x2 pictures. Ang kailangan ko nalang ay matulog para maaga magising.

"Shantiella gumising kana dyan"

Nanggi-gising pa si mama hindi nya alam nauna pa ako sakanya. 3am kasi ako nagising, at hindi ko alam kung bakit hindi ko naman ramdam yung puyat. Then it hit me, 8 hours nga pala akong tulog. Sapat nayon.

Pagkagising ko kanina nakahiga lang ako nakinig ng mga kanta nina Jucee Froot, Malaynah at Miss Mulatto.

Kinuha kona yung isang phone ko sa durabox dahil may load yun at kailangan ko ng tawagan yung mga gustong makisabay sakin

I dialed first Reston's number. After 5 rings he picked up

"O pre, sasabay ka?" Tanong ko

"Anong oras kaba aalis?"

"5am"

"Ang aga pa nun pre. Tulog padin nyan yung isasama ko. Sunod nalang kami sayo"

"Sige pre." Then i dialed . Guyana's. Sa unang tawag hindi sinasagot kaya kinol ko ulit and after 2 rings she picked up

"Hello ninuyni?" (Hello sino 'to?)

"I shanti'y ni. Eka sabe kaku munta DHVSU?" (Si Shanti ito. Hindi ka sasabay sakin papuntang DHVSU?)

"Karanun pa. 4am pamu oh. Pota na kami mung Dominica 6 munta karin" (ang aga pa. 4am palang oh. Mamaya nalang kami ni Dominica pupunta mga 6am)

"Ahh osige" then i ended the call. Looks like gusto talaga nila magpalate.

Naligo na ako, nagbihis, mamaya nalang kami kakain. Pinuntahan kona rin yung pinsan ko na sasama saakin. She's my cousin and older than me. Kabisado na nya ang San Fernando at kung saan saan rito sa Pampanga dahil sa Celtech sya nag graduate ng criminology at marami narin syang napupuntahan. Marunong na sya sa biyahe samantalang ako baguhan palang.

Hinatid nakami ng papa ko sa Sto. Domingo. Dito kasi sa amin 6am palang yung unang biyahe ng mga jeep. Sa Sto. Domingo naman maaga talaga kasi may mga Bus rin don na papuntang Manila, Tarlac, etc.

Yung jeep na sinakyan namin ni Ate Pj is papuntang intersection at bababa kami ulit don para sumakay ng papuntang Guagua na dadaanan rin naman yung Dhvsu sa Bacolor.

"Dhvsu pu adwa." Sabay abot ni ate PJ ng bayad sa Driver.

Madilim dilim pa sa labas pero marami nading mga tao ang na sa labas dahil maaga palang kailangan na kumayod, magpunta sa mga kanya kanyang mga trabaho.

After ng almost an hour na biyahe, hindi ganong traffic dahil maaga pa nakarating kami doon ng 5:45am. Mga lima palang kami roon kaya naghanap muna kami ng karinderya ni Ate Pj para magbreakfast.

Pagkabalik namin ng 6:30am marami ng nakapila. Mga nasa 70 plus na sila. 7am pa ang bukas ng gate 2 ng Dhvsu.

May 6 kasi silang gate sa buong school. Yung pinakamain is yung Gate 2, doon talaga madalas dumaan papasok ang mga students.

They opened the gate finally. Pinag-log nila kami don sa paper ng names namin, oras ng pagpasok at anong purpose ng pagpasok namin don.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now