Chapter 12

59 16 0
                                        

"Ih Santi naman alam mo ba kung saan ang bahay nila? Baka mawala naman tayo nito e." reklamo ni Samoa

Sabado ngayon ng hapon at tapos na ang NSTP namin kaninang umaga kaya napagpasyahan kong kausapin si Seoulfaye ngayon para sa mga detalyeng maaring makapagpabawi ng binibintang sakanya

"What's the use of asking people kung hindi naman natin gagawin? Ayaw mo yun, mas may thrill kung wala tayong alam sa lugar na mga pinupuntahan natin"

"Wow. Feeling Dora Explorer ka naman. Papaalala ko lang sayo, wala kang si THE MAP para magbigay ng direksyon sa papupuntahan natin noh." sarcastic na sabi ni Sam

"Tss. Wag ka mag alala. I got you frenny." she just rolled her eyes

Tiningnan ko naman kung nagreply na yung class president sa section ni Seoulfaye. Ang sabi ay sa Barangay Makulimlim Guagua sya.

Makaraan ang ilang oras ay nakarating na kami doon sa barangay na yon.

"Ah pwedi pung mangutang?" (Pwede po magtanong?" tanong ko sa isang babae na tingin ko'y na 40's na

"Ah wa wa. Nanuyta?" (Ah oo oo. Ano yun?"

"Atin ko pu bang kilalang Seoulfaye Tillberg keni?" (May kilala po ba kayong Seoulfaye Tillberg dito?"

"Seoulfaye? Hmm. Ahh I peypey. Ita bang magaral king Dabsu?" (Ahh si Peypey. Yung nag aaral ba sa Dhvsu?"

"Opo opo. Yapin pu." (Yun po)

"Keng purok 4 ya pa. Ini puruk 2 neyni. Pache miras kayu purok kwatru, tin kayung akit baleng gawa keng dutung. Ita ing karela'" ( Sa purok 4 pa sila. Purok 2 nato. Pag nakarating kayo sa purok 4, may makikita kayong bahay na gawa sa kahoy. yun yung kanila)

"Ahh sige po salamat." paalam ko. "May dala ka bang payong Sam? Ang init buksan mo nga dal-" napakunot ako ng noo ng hindi ko sya makita sa likuran ko.

Nagpalinga-linga ako. "San na naman ba nagsu-suot ang babaeng iyon?"

"HAHAHA maraming salamat po! Masarap po itong gawa nyo. Thumbs up for this!" rinig kong tinig ng di kalayuan sa kinatatayuan ko

Nakita ko si Sam na lumabas sa isang bahay na may dala dalang... Halo halo?!

"Oh hi there my friend! Sarap nitong halo halo. Gusto mo tikman?" pagyaya nya saakin.

Pinalo ko sya sa braso "Buysit ka Samoa. Kung saan saan ka nagpupunta. Tapos tumatanggap kapa ng pagkain sa mga dimo kilala. Pano pag napahamak ka?"

Napanguso naman sya. "Eh bigla ko lang nakita yung nagtitinda roon. Magtatanong lang sana ako tas ayun nilibre nalang ng sabihin kong dipa ako kumakain. Sayang ang grasya aking kaibigan."

Pinagtu-turo ko naman ang sintido nya habang nagsasalita. "Ikaw ikaw dyan ka magaling. Sa pagkain. Ikapapahamak mo nalang yang pagka-matakaw mo e."

"Tss."

"Bilisan na natin. Malapit na tayo kina Seoulfaye."

NANG sa wakas ay makarating nadin kami sa bahay na sinabi nung babae kanina ay masasabi kong simple lang ito.

Gawa lamang ito sa kahoy ngunit malinis ito tingnan. May mga halaman rin sila sa harapan ng kabilang bahay. Kumatok na ako

Pinagbuksan kami ng isang matandang lalaki na tingin ko'y na sa mga singkwenta anyos na.

"Ah magandang tanghali po. Dito po ba nakatira si Seoulfaye Tillberg?"

"Oo. Bakit?"

"Classmates nya po kami. May pag uusapan po sana kami para sa project na ginagawa namin."

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now