Chapter 3

182 30 1
                                    

Author: Hello po! short update lang po ito. So present time na ng susunod na chapter.

PS: MERONN TAYONG SOMEONE'S POV AT THE END OF THIS CHAPTER 3. HULAAN NYO SINO KAYA YON.
------------------------------

1 month later...

Feb 2020 na. Ngayong araw na yung entrance exam namin. Mygosh wala akong kaide-ideya kung anong mga tanong don. Basta ang sabi lang nung mga natanong ko na 1st yr na ngayon, puro logics lang raw. Pero still kinakabahan padin ako.

"Paalala lang po. Yung mga mage-entrance exam lang po ang pwede pumasok. Yung mga guardian po nila ay maghintay nalang sa labas" announce ng lady guard.

Paktay. Sht. Wala pa akong kakilala. Si Nairobi naman hindi makakapunta ngayon dahil nilalagnat. Paking tape kailangan ko ng company.

Habang sumasabay sa mga estudyanteng magte-take ng entrance exam, sa harap ko may naririnig ako na nag uusap about sa business ad ganern ganern so i approached them.

"Hi. Marketing din kayo?" Tanong ko sakanila. They looked surprised by my sudden appearance. I wanna laugh at their reactions pero baka maoffend ko kaya ngumiti nalang ako

"Ito si Samoa marketing." Turo nung naka face mask sa maputing kasama nya

"Uy nice!" Nakipag-apir pa ako. Fc agad e noh HAHAHA

"Ikaw ba?" Tanong nung maputi

"Marketing din. Ikaw ano course mo? Tanong ko naman dun sa naka face mask

"Economics"

"Ahh. Ikaw fatima girl?" May kasama kasi sila na nakasuot ng OLFU SHS Uniform. I dunno her name kaya yun nalang tinawag ko sakanya

"Economics din."

"Ahh same pala kayo." She nodded

"Alam mo na kung san tayo magte-test?" Tanong sakin nung ni Sam

"Alam ko yung name nung room pero kung san diko alam" sagot ko tas pinakita yung picture kung san magte-test yung bawat courses

"Uy papasa ako nyan"
"Ako din pa-share it"

"Sige"

Makailang sandaling pag-iikot sa DHVSU, nahanap narin naman yung examination room namin. Sa CBS building. Habang tinitingnan yung mga tao, tae lang! Feeling ko naghuhugis puso ang mata ko sa mga nakikita kong matatangkad at gwapong lalaki!

Madalang lang kasi ako makakita ng gwapo talaga. School, bahay lang kasi ako. Minsan stroll with my squad pero minsan lang tas wala pa akong gano nakikitang mga students non kasi may pasok.

Ng mag-start na yung page-exam namin, nabuhayan ako ng loob ng makitang madali naman yung mga tanong. Puro logics nga Lang talaga!

Yung teacher na nagbantay samin ay binigyan kami ng 45 mins to finish the exam that is upto 90 items.

Before the time ends, natapos na ako agad. It was easy yes, pero may ibang items na hindi familiar sakin kaya nagmini-maynimo nalang ako sa choices.

Pagka-labas ko ng examination room, tanaw ko na ang mga estudyanteng may Saturday classes. Mga pumapasok at lumalabas ng gate.

"Uuwi na kayo nyan?" Tanong ko kina Samoa.

"Hindi pa, may hinihintay pa kami e. Sina Mariel." Sagot naman ni Samoa.

Natahimik sandali at umupo muna kami.

Ang dami pala talagang nag-aaral dito sa DHVSU. Pero kapag pala Sabado hindi ganon ka-crowded dito sa loob. Shems hindi na ako makapag-hintay na mag aral din dito.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now