Chapter 23

62 11 0
                                        

"Ako po si Alexa Myers ng 3rd yr college educ na tumetistigo sa maling pag aakusa kay Seoulfaye Tillberg. Hindi po totoo na sya ang nagnakaw ng pera ni Mrs. Poturnak."

Batid kong may mga sari-sarili na silang pinag-uusapan nyan sa campus.

Nandito kaming walo ngayon sa loob ng school gymnasium. Kasama naming pito sina Myers at Seoulfaye.

"Saksi po ako. Wala syang kasalanan. Mali po ang bibibintang sakanya."

Sir Griggs POV

"What the heck is this?!" mahinang sambit ko habang pinapanood ang live video ni Samoa Hossler sa facebook.

"Saksi po ako. Wala syang kasalanan. Mali po ang bibibintang sakanya."

Paano nakatakas si Alexa sa mga baklang yon?! Mga wala silang silbi!

"Isa pong mabuting tao at estudyante si Seoulfaye ng unibersidad ng DHVSU kaya alam naman po nating hindi nya yun magagawa."

PARISHA's POV

"OMG girl so hindi nga totoo yun." sabi ni Hazel

T*ngina. Bakit ganito? Hindi ito kasama sa plano! Wala dapat nakakita non!

"Sino kaya yung tunay na may sala noh? Ang itim naman ng budhi nya." sabi naman ni Kyline.

"Shut up Kyline!" kita ko naman ang gulat sa kanyang mukha but I don't care!

RAÑOANA's POV

No. This can't be happening. Paano yun nangyari?

Hindi pwedeng nakatakas si Alexa sa mga baklang iyon!

Hindi pwedeng malaman ng lahat ang katotohanan!

"U-uncle." sabi ko pagka-sagot ni Uncle Griggs ng aking tawag.

"Rañoana."

"Uncle I d-don't know what happened."

"Sa oras na malaman ng lahat ang tungkol sa ginawa mo, huwag mo na akong tatawaging tito kailan man." at binaba na nya ang tawag.

Napahilamos ang ng mukha at naramdamang nagsisimula ng tumulo ang aking mga luha.

SHANTI's

"Ang katotohanan po sa likod ng maling pag-aakusa kay Seoulfaye ay alam ko. Sina Parisha at Rañoana po ng 4th yr college ang mga totoong may sala. Dahil sa kanilang kagustuhang makuha ang titolo ni Seoulfaye bilang summa cum laude ay nagplano silang ibagsak ito upang maalis sya sa pagiging kandidata."

"And we have proofs too." sabi ni Samoa sa camera.

"Ni-review po namin ang buong lugar sa may faculty at nakakuha po kami ng cctv footage ng nangyari sa araw na iyon. At totoo nga pong inosente si Seoulfaye at walang kasalanan. Frame up lang po ang lahat." sabi ko naman.

Bumulong naman saakin si Sam. "Sasabihin ba natin yung pakikipag-sabwatan nila kay Sir Griggs?"

Nang pakinggan kasi namin sa cr ang recorded voice ni sir nung iniwan ko ng sadya doon sa office nya ang phone ko, nalaman naming may alam sya sa katawaliang ito at pamangkin nya isa sa mga salarin.

"No. Lets give him some dignity. Sabihin nalang natin sa Dean."

"Okay."

Pagktapos non ay pinatay na namin ng live at nagligpit na ng gamit.

"Maraming salamat sainyo. Utang na loob ko itong pagkakataon na niligtas nyo ako sa pagka-bagsak." umiiyak na sabi ni Seoulfaye. Nagyakapan naman kaming lahat.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now