Nakarating na kami dito sa Clark City. Nandito kami sa isang park. First time kong makapunta dito kaya nag-eenjoy ako sa pagtingin ng mga tanawin.
Ang dami din palang mga foreigners dito especially mga Koreans!
Palubog na ang araw kaya nagiging medyo madalim na dito sa lugar. Dinala naman ako ni Dam doon sa may dulo na may lamesa para sa dalawang tao. May mga naka-palibot ding mga makukulay na ilaw don.
May mga naka-palibot din na mga roses sa upuan yung parang sa mga flower crown pero sa buong sandalan naman sya ng upuan naka-dikit.
"Nagustuhan mo ba?"
"Tarages oo nagustuhan ko! Napaka-ganda nito Dam!" masayang sabi ko.
Pinaghila na nya ako ng upuan at naupo na kami.
"Hindi ko alam na kaya mo mag-effort ng ganito."
"Hindi ko rin naman inakala na makakaya kong gumawa ng ganito."
May nag-abot sa kanya ng gitara. Nagsimula naman syang mag-strum matapos nyang tumitig sa mga mata ko ng ilang segundo.
It's you,
It's always you,
If I'm ever gonna fall inlove,
I know it's gon be you.
Nakatayo lang sya sa harapan ko habang kumakanta. Okay nga na ganitong oras nya ako dinala dito, kaunti na lang ang mga tao.
Yung ibang nandito ay halos mga magjo-jowa pa.
It's you,
It's always you,
Met a lot of people but nobody feels like you.
Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa sa mga oras nato na wari'y nag uusap ang mga ito.
Hindi ko talaga maisip na ang isang playboy na artistang katulad nya ay maiisipan at makakayanang mag effort ng katulad nito.
Puro acting lang ang mga napapanood ko kapag lumalabas si Damascus sa tv, ngayon ko lang nalaman na kaya pala nyang mag-play ng instruments lalo na ang kumanta!
So please don't break my heart
Don't tear me apart
I know how it starts
Truest me I've been broken before.
Naalala ko na naman yung sinabi nya nung na sa Jollibee kami. Nag effort din kaya sya ng ganito noon kay Lemilie? O baka mas bongga pa dito.
Binura ko ang mga yun sa aking isip. Ayaw ko magpaka-neha tonight. Wag sirain ang moment.
Don't break me again
I am delicate
Please don't break my heart
Trust me I've been broken before
Ng matapos sya kumanta ay napasinghap ako ng bigla syang lumuhod at may kinukuhang kung ano sa bulsa nya.
"T-teka Damascus! Parang naman napaka-bilis mo. 1st yr college palang tayo balak mo na agad mag-propose. Hintayin muna natin na umabot tayo ng 4th yr-"
"What the heck are you saying Shanti?" napatingin naman ako sakanya ng medyo natataranta.
"Eh d-diba magpo-propose ka? Nakaluhod ka, tapos may parang kinukuha kang singsing dyan sa bulsa mo." natawa naman sya.
Ipinakita nya saakin yung kinuha nya sa bulsa nya at tumayo. "Necklace ito. A Promise Necklace na kailan man ay hindi ka mawawala sa puso ko at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang malagutan ako ng hininga."
Isinuot naman nya iyon sakin. Pakiramdam ko nagrarambulan lahat ng bituka pati mga tae ko sa tiyan dahil sa kilig.
"Shanti?"
"Bakit?"
"Will you be my girlfriend?" tanong nya.
Ng ilang minuto ng nakalipas nakatingin lang ako sakanya at hindi nagsasalita. Gumalaw na din sya.
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
DiversosDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...
![The Havoc's Tamer [completed]](https://img.wattpad.com/cover/229880064-64-k430143.jpg)