Chapter 36

41 13 0
                                        

HAGEN's POV

"Mom,  bisitahin ko lang po sina Lisa at Daisy."

"Okay take care. Ipasyal mo na din yung mga batang iyon baka nami-miss ka na din nila."

"Opo."

Nagmaneho na ako papunta sa bahay nina Tita Charlene at Tito Aga upang bisitahin ang dalawang bata.

Yes, they are the two stray kids Shanti helped in the road. Madalas kong sundan si Shanti kaya alam ko ang mga nangyayari sakanya.

I'm not psycho or obsessed. I just want to look after her. Pagka-alis nya non ay nilapitan ko ang mga bata, ng makita ko sila ng malapitan ay nagulat pa ako ng mahawig ko si Shanti sakanila.

Akala ko ay namamalikmata lang ako. Na baka dahil yun sa lagi akong nakatingin kay Shanti. Pero ng ipakita ko sa mga tindera doon ang picture ni Shanti at ang mga itsura ng bata ay sabi nila magka-mukha nga.

Dinala ko sa bahay ang dalawang bata , pinaliguan at pinakain. Doon din sila natulog ng ilang araw ng makita sila ng parents ko.

Sakto pang nandoon ang kaibigan nilang sina Tita Charlene at Tito Aga, ng makita nila ang mga bata ay bigla nalang niyakap ni Tita Char at umiyak.

There where they concluded that, Lisa and Daisy was their long lost daughters dahil sa kanilang mga balat sa likod. Naka-spaghetti na damit kasi ang mga bata non kaya litaw ang likod.

Ngunit ang ikinalungkot nila ang malamang napahiwalay ang panganay nila sa dalawang nakababata nilang mga anak.

Dahil sa kutob na baka si Shanti ang nawawalang panganay nila ay kinuhanan ko ito ng hibla ng buhok at ipinadala sa kaibigan kong may Private Investigator at ipina DNA test sa mga Petrou.

Ngayon palang malalaman ang resulta kaya pupuntahan ko din sila.

Ipinark kona ang aking kotse at pumasok na.

"Kuya Heyg!" salubong ni Lisa saakin.

"Hello Lisa. How are you?"

"Ayos lang naman po. Tara kuya, ate daisy and mommy inside."

hawak ko ang kamay nya ng pumasok kami sa loob ng bahay nila.

"Magandang araw po tita, tito." nagmano ako sakanila.

"Magandang araw din iho. Upo ka."

"Nalaman nyo na po ba?"

"Hindi pa. Kadarating lang nitong test results at ngayon ko palang bubuksan."

"Sana si Ate Shanti talaga ate namin." panalangin ni Daisy.

Binuksan na ni Tita Charlene ang envelope. Napatakip sya ng kanyang bibig ng matapos basahin ang nakasulat at tumingin kay Tito Aga. Umiyak naman sila pareho.

"Iho, s-si Shanti nga ang anak namin."

"I'm happy for you, Tita."

"Thank you very much, Iho. Ikaw ang nagbalik saamin ng mga nawawalang anak namin. Napakalaking blessing mo para saaming mag-asawa iho." yakap saakin ni Tita.

"Wala po iyon. I'm happy to help. And I love Shanti."

"Matutuwa kaming pareho ni Tito mo kung ikaw ang makakatuluyan ng panganay namin."

I smirked. "Kung ako po ang pipiliin ng anak ninyo."

"Bakit? May nobyo na ba sya."

"Sadly Yes tita. Pero bahala na ang tadhana."

"Kuya! Play tayo sa likod." hila saakin ni Lisa.

"Sige po, samahan ko na muna itong mga bata."

"Sige."

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now