"Samoa umaga na naman. Maglinis ka na hindi yung nakahiga ka padin dyan!" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
Pinatay ko ang cellphone ko ng naka-kunot ang noo at pinatay ang electric fan.
Lagi nalang puro sigaw sigaw. Nakakarindi na araw araw.
Pwede bang wag nalang kasi nya akong sigawan para maglinis? Gagawin ko naman ng kusa yan pag nasa good mood ako e. Kung laging sigawan e malamang talaga mababad trip lang ako maglinis hays.
Kinuha ko na yung walis tambo at nag-walis na sa lahat ng kwarto namin, sala, kusina, sa terrace at sa labas.
Pagkabalik ko sa kwarto ay tinabi ko naman yung mga notebooks ko at mga libro. Pati yung mga nakatambak kong mga damit na nasuot na.
Pagkatapos kong maglinis ay nahiga ulit ako at binuksan ang cellphone, lagay ng earphones. I opened my GroovePad App.
I love music kaya nagsusulat din ako. I can rap also pero di ako magaling magsulat ng kanta. Kaya ang ginagawa ko ay gumagawa muna ako ng beat ng kanta at pag natapos ko na yun ay iisip na ako ng tema at sisimulan ng lapatan ng lyrics.
"Samoa tanghali na kumain ka na dyan!" rinig kong sigaw na naman ni mama.
Naka earphones na ako nyan pero rinig na rinig ko padin boses nya noh? Ganyan kalakas boses ng mama ko, abot hanggang sa daan.
Pagtingin ko sa oras, 12:48pm na pala. Di ko na napansin oras.
Pagkalabas ko, nagdabog pa ako papuntang kusina.
"Di pa kasi ako nagugutom e!" reklamo ko habang nagrereklamo.
"Pasalamat ka may ina kang laging nagpapa-alala sayo na kumain sa tamang oras. Ako nung bata at dalaga ako walang nanay at tatay na laging umaasikaso saamin dahil palaging nasa bukid ang magulang namin. Nalilipasan na kami lagi ng gutom non dahil sa hirap din ng buhay. Kapag sa school, may mga meeting walang dumadating saamin dahil busy sila sa paghahanap buhay kaya kayo ma-swerte kayo dahil kami ng papa nyo laging nakasubaybay sainyo."
I rolled my eyes. Nag-kwento na naman ng kanyang talam-buhay. Ulit ulit ko nalang naririnig yan hayss.
Pinambilisan ko ng kumain para makapag-edit na ulit.
"Samoa yung mga plato. Ikaw ang naka toka tuwing tanghali diba?"
"Mamaya na. Ang init pa kaya."
"Walang init init. Maiipon ang bacteria dyan, hugasan mo na."
Padabog tuloy akong naghugas. Pagka-angat ko ng tingin sa sliding window namin nakita ko ang itsura ko na sobrang pagka-kunot ang noo at napaka-liit ng mga mata dahil sa inis.
"Ouch!" pagkatingin ko nabasag yung baso. "shet naman e." pinakahugasan ko ang mga sugat ko.
Pumunta ako sa likod para itapon ang basag na baso. Nakasalubong ko naman si mama.
"Oh nakabasag ka na naman." masungit nyang sabi. "ang bigat kasi ng kamay mo. Bata ka palang ang dami dami mo ng nasisirang gamit." dagdag nya pa. Bumalik na ako sa lababo.
"Dumudugo daliri mo. Hugasan mo ng safeguard yan." at sya na ang nagpatuloy doon sa mga hinuhugasan ko.
"Dapat kasi tuwing naghuhugas kayo ng plato o naglilinis samahan nyo ng puso. Huwag kayo magsisi-simangot."
"Pano kami di mag-sisimangot e pinipilit nyo kami maglinis. Kung hayaan nyo nalang kami na kami mismo magkusa na maglinis, baka sumayaw sayaw pa kami non habang naglilinis jusme." bulong ko.
RICO's POV
"Yes mom, what time am I gonna fetch you at airport later?" I asked my mom. They're finally coming home from Spain. May kinailangan kasi silang asikasuhin doon for 5 months.

YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
SonstigesDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...