7:30am na at magsisimula na ang klase namin nyan. 38 kami lahat na classmates pero na sa 20 palang kaming nandirito ngayon. Hayyy late na naman sa first class ang mga mahal kong kaklase
"Oyy Shanti mekapag-inquire na ka?" (Oy shanti nakapag-inquire kana?) Bungad ni monica pagkapasok nya ng classroom
"Awa. Ika ba?" (oo. ikaw ba?)
"Ali kami minabut. Me-cut off kami amu" (Hindi kami nakaabot. Na-cut off kami)
"Ahh baka kasi dakal nala deng dinatang pa kanta" (Ahh baka kasi madami ng mga estudyante kaya ganon)
"Wapin e. Sabi da bumalik nakami mu next week" (Oo nga e. Sabi nila bumalik nalang kami next week)
"Ahh manta ba" (Ahh ganon ba)
Sa loob loob ko gusto ko silang pagsabihan dahil pinaalalahanan kona sila na dapat maaga para matapos agad dahil marami talagang mag-iinquire sa DHVSU natatakot na maubusan ng slot at di na magkaron ng chance na makapag aral don. But i just kept my mouth shut. Ayoko ng makipagbangayan pa. I just shrugged my shoulders.
"Nakapag enroll kana?" Tanong ni Dhaka . Sya ang kaibigan ko na maraming tropang lalaki kaya chinichismis ng mga inggit sakanya.
Dati kasing parang tibo tibo yan nung mga elementary to high school days nya. Nung mga nag 15 yrs old pataas sya dun lang sya naging girly na. Marami ring nagsasabi na "marok ya ugali yan" (masama ugali" dahil harsh sya magsalita. Pranka sya. Pag ayaw nya sa isang bagay or kapag nakakainis kana sasabihin nya talaga.
Alam nyo ba nung First day of being Grade 11 namin halos sa mga estudyante napagkamalan syang isang teacher? HAHA. Naka slacks kasi sya non at white blouse. May pamaypay pa sya at ang sungit nya kasi nung introduce yourself maingay mga classmates namin kaya pinagalitan nya. Ayun tahimik lahat. Pero deep inside may pagka-childish din yan like me.
"Oo. Ikaw san kaba nyan mag-aaral ng college?"
"Sa PSAU (Pampangaa State Agricultural University)."
"O ikaw Lize ?" Sya si Belize. Just like Dhaks, transferee lang din sya dito sa school namin. Sa pinag-graduatan nya kasing H.S sa barangay nila ay walang HUMSS, tulad nalang ng school ni Dhaks noon kaya dito sila nag aral.
Here in SLNHS we have 6 academic tracks kasi. Yung EIM (1 section), STEM (1 section), GAS (1 section) , ABM (1 section), HUMSS ( 3 sections) noon ay 2 sections lang yun pero ngayong school yr namin ay naging tatlo kasi marami ang nag HUMSS mula sa school namin at sa mga transferee. At sa mga grade 11 ngayon na mga HUMSS siksikan din sila. Mukhang kailangan ng maging 4 sections kasi baka hindi na mahandle ng teachers sa isang section na sobrang rami nila. At ngayong SHS ko rin nalaman na pinsan ko pa pala si buj. 4th cousin. Yung lola ko at lolo nya kasi ay magpinsang buo.
"Sa OLFU. Gusto kasi nina mama na mag-pharmacy ako. Gusto ko ng Educ. Kaso si kuya ko teacher na."
May tatlo kasi syang kuya. Malayo ang agwat sakanya. Si Lize kasi yung pinagsayaw ng parents nya sa Obando para raw maging babae naman bunso nila. 3 straight boys kasi yung mga anak nila, then gusto nila ng girl naman. Kaya ayun sobrang strict din ng family ni Lize sakanya.
Dun sa kuya nya naman na Teacher, gwapo yun tsaka matangkad. Pwe! *nagsusuka acting* haha charott oo gwapo yun. Mapang-asar nga lang. Lalo na pag nandon ako kina buj, yung tatlo talaga nyang kuya pinagtitripan ako. Kawawa ako dun e huhu. Yung isa naman ay engineer, may girlfriend nayon wag kayo ghorls. Tas yung panganay I.T graduate. Single payon. Usto nyo? HAHA
"Ganun. Kung gusto mo talaga ng educ edi sabihin mo sakanila. Ikaw naman mag aaral e HAHA" sabi ko. Peace po tayo tita tito mga kuya. Scripted lang po 'to
"Oo nga. Ikaw kasi bat dimo paglaban gusto mo. Sabihin mo gusto mong makapagtuto sa mga bata kahit ikaw kailangan pang turuan ng masinsinan." Oh boy that's what I'm talking about. Nagsisimula napo sya
"Ako ako di nyo ba ako tatanungin?" Singit naman ni Halifax . Manliligaw yan ni Lize na naging barkada nadin namin. I can still remember kung pano yan nagsimula. Grade 11 kami non gumagawa ng Practical Research 1 kina Hebron. Pinsan yun ni Fax. Then kagroup panamin si Fax non. Nag aasaran silang dalawa non kaya na-fall sa isa't isa. Tapos pinayuhan pa ako na asar-asarin kodin daw yung crush ko para ma-fall sakin. Nak ng teteng! Eh hindi nga ako pinapansin non pano pakaya pag inasar ko. Magmukha lang akong baliw na kumakausap ng pader.
"Ha?" Sabay na sagot naming tatlo
"Hakdog. Ha? Hakdog. Ha? Hakdog"
"Ahh tae Fax tama na ayoko naaa" bigla ba naman kasi akong kiniliti ng buyset yung tipong dika titigilan kahit masakit na tagiliran mo
"Dhaks, Lize help me please" hingi ko ng tulong sa dalawa
"Bahala ka dyan sa bespren mo. Papatayin ka ata sa sobrang pagkikiliti" dahil no choice para patigilin sya sinipa ko si jr. Nya
Napahawak naman sya don at patalon talon
"Arayy naman Shanti. Yung mga anak ko"
"Ops. Sorry napalakas ata hehe" with matching peace sign
"Pano pa kami magkaka-isang dosenang anak ni Li-aray!" Napatigil sya dahil kinurot sya ni Lize
"Anong sabi mo?"
"Wala wala! Alisin mo nayan" maluha-luhang sambit ni Fax. Tawa lang kami ng tawa ng marinig naming nagsalita sa chorus ang mga kaklase namin.
"Good morning ma'am."
"Good morning. Clyde Dexter lead the prayer"
Hanggang sa natapos yung klase namin para sa buong araw
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
De TodoDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...
![The Havoc's Tamer [completed]](https://img.wattpad.com/cover/229880064-64-k430143.jpg)