"Fvck sht talaga. Ano ba dapat ang ikikilos ko?" tanong ni Dam
Malapit na kami sa Nessa Tamera Gay Club, galing ko noh? napapayag ko ang matigas na ulong sperm na ito.
"Just act normal. Pero kausapin nyo ng maayos yung mga bakla don. Magpasikat kayo. Akitin nyo para ma-divert saglit yung atensyon nila."
"Shanti ayaw ko talaga. Please. This is suicide!" exaggerated nyang sabi.
"Ngayon lang ito Dam wag na maarte."
"Hindi ako nagmama-arte Shanti. This will be my first time to hang out with gays. and to think that we need to seduce them? This is fvcking insane!"
"Your sinful mouth, Dam! I'll give you a prize kapag magaling ang acting mo." parang nagliwanag naman ang kanyang mukha.
"Really? What is it? Is it a kiss? A cuddle with touching, a hot steamy se-"
"Stop! Yang bunganga mo napakahalay talaga e noh? Basta. Tsaka mo na malalaman pag tapos na itong gagawin natin dito." napanguso naman sya. Tumalikod ako para ngumiti, ang cute kasi.
"So gross." maarteng sabi ni Blantyre.
"Shanti, si Samoa di pa rin ako pinapansin. Help me huhu." nakakaawang sabi ni Rico habang patingin tingin sa gawi ni Samoa
Hanggang ngayon kasi parang isang hangin lang si Rico sa paningin ni Samoa at tahimik pa din sya.
"Yaan mo muna. Palamigin mo muna ulo nya. Hindi ka naman matitiis nyan e." pagchi-cheer up ko sakanya.
Pinapunta ko na sila sa entrance. Kita naman namin na hinihikayat nila yung dalawang bouncers na naka-lipstick na pumasok sa loob.
Ng sa wakas ay wala ng nagbabantay doon, nagsimula na kaming lumakad ni Samoa at pumasok.
Naka all black kami ngayon ni Sam. Leather black jacket, black pants, black boots at kapwa naka-braids ang aming mga buhok. O diba parang rock star lang ang dating.
Pinagmasdan muna namin ang buong paligid. May usok sa stage. May mga lalaki at bakla. Mga iba't ibang kulay ng mga ilaw.
"Saan kaya pwede nilang itago si Myers dito?" tanong ko kay Samoa.
"Basement." seryoso nyang sabi.
"Basement? Meron kayang basement itong lugar na ito?"
"Meron yan." and she led the way.
Mabilisan ang aming pagkilos. Natawa pa ako ng mapasulyap ako sa harapan, silang lima pala ang naroroon at sumasayaw. Kaya naman pala biglang nagsigawan ang mga bakla.
Napatago kami sa magkabilang pader ng may matanaw kami na papadaan. Dim lights lang din dito kaya hindi kami agad mapapansin lalo na at naka itim kaming dalawa.
Ng wala ng tao sa daanan ay tinungo na namin ang papunta sa Basement.
"Wala naman atang basement ito e."
Wala pa kasi kaming makita e. Puro mga dressing rooms lang ang nandito sa pasilyong ito.
"Madam Jojo's office."
"Ano gagawin natin dyan? Magrereklamo? Kung bakit walang basement itong lugar na ito?"
"Buang! Baka dyan nila tinatago si Myers."
"Paanong dyan e office nga yan-" hindi ko na tinuloy dahil pumasok na sya sa kwartong iyon.
Pasaway talaga.
"Wala namang kakaiba dito. It's just a normal office.
"People like them could hide anything. We just need to find for a small clues into big clues to complete the puzzle."
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
DiversosDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...
![The Havoc's Tamer [completed]](https://img.wattpad.com/cover/229880064-64-k430143.jpg)