5pm natapos ang klase namin kaya dumiretso nakami kina Rico. Engineering student si Rico at mga tropa nya. Nauna silang natapos kaya hinintay pa talaga nila kami sa may labas ng classroom namin
Pinagtutukso pa tuloy kaming dalawa ni Sam ng mga kaklase namin na may boyfriend daw kami sa apat na naghihintay sa labas. Where in fact si Sam lang ang may soon Bf don, ako wala.
"Anong gusto nyong snacks?" tanong ni Rico
"I want banna Q! Banna chips and maruya!" masiglang sagot ni Sam kay Rico
"Puro saging ah. Yung saging ko ayaw mo?" bigla namang nagtawanan tong mga lalaki sa tabi ko
"Ayon naipasok din!"
"Nanliligaw ka palang gumagalaw ka na ah"
"Libog mo dude!"Kanya kanya sila ng kantyaw kay Rico pero di ko sila masabayan
Nandito kami ngayon sa kotse nya. Katabi nya si Sam sa harap habang ako yung tatlong asungot. Hindi kami kasya kaya kandong ni Hagen si Blant.
Tahimik lang ako. Hindi ako makasabay sa kadaldalan nila dahil medyo nahihilo ako. Madalang lang ako makasakay ng kotse. Nung SHS ako medyo madalas dahil sa kuya ni Belize na engineer, sinasabay na nila ako pauwi. At minsan naman tuwing mamamasyal sina Dhaka at mga ate nya, sinasama nila ako at sumasakay sa kotse ng fiance ng ate nya.
Pero kahit ganon hindi parin ako masanay sanay sa pagbibiyahe
Tuwing pupunta kami ng Manila, everytime we ride the bus, walang pagkakataon na hindi ako masusuka. As well as sa taxi, or van at kotse.
Buti nga ngayon sa jeep kaya ko ng sumakay don ng hindi nahihilo o nagsusuka e. pero nung bata ako, mga 7-12 yr old ako if I'm not mistaken, nasusuka pa ako non sa Jeep.
"Shanti? Are you okay?" tanong naman Phoenix. Napansin nya na siguro ang pananahimik ko
Tumingin ako sakanya at ngumiti ng nanliliit yung mga mata at nag thumbs up pa
"Sure? Bat ang tahimik mo?"
Kailangan kong sagutin yung tanong nya kaya yung namuong maasim na laway sa bibig ko ay nilunok ko nalang
"Oo naman a-ayos lang ako. Medyo inaantok lang" sabay yuko ko na ulit
"Gusto mo sumandal sa balikat ko?"
"Ah hindi na ayos na ako sa ganito. Medyo masakit rin kasi yung tiyan ko e"
"Huh?! Rico humanap ka ng drug store saglit bibilihan ko ng gamot si Shanti"
Naloko na.
"A-ah huwag na Rico ayos lang ako. Puson yung masakit ko, magkakaron na siguro ako nyan. Huwag nyo nalang ako pansinin mawawala din to"
"Are you sure? You look pale. Namamawis kadin, nakabukas naman yung aircon"
"Oo ayos lang ako basta wag nyo lang muna ako kausapin. Mas maganda kung makakarating agad tayo sa bahay nina Rico"
"Okay" buti naman at nanahimik na sya
"Blant lumipat ka nga muna kay Phoenix, nabibigatan na ako sayo" sabi naman ni Hagen at lumipat naman si Blant sa kandungan ni Phoenix
Nakadukmo lang ako habang iniipit yung tiyan ko ng may maglagay ng candy sa palad ko. Si Hagen
Binuksan ko yung Max at kinain sabay balik dukmo ulit
Hinawakan nya yung palad ko at parang hinihilot hilot.
Naalala ko yun yung ginagawa sakin ni mama tuwing nandidilim yung paningin ko at nanghihina. Katulad nung nagpunta kami sa SM non
Bigla akong nahilo, nandilim paningin, nanlambot, at biglang namawis nalang kahit malamig sa loob.
"Dumaan muna kaya tayo sa SM para bumili ng mga pagkain" suhestiyon ni Blant
"No. Matatagalan tayo at sayang ang oras. Pumunta na kayo doon at ibaba nyo nalang ako sa may terminal ng jeep, ako nalang bibili mag isa." sabi ni Hagen
"Okay sige." sagot ni Rico
Pagkarating namin sa bahay nila ay agad akong dumapa sa sofa at doon pumikit. I need to relax my body para mawala yung hang-over ko sa dizziness
"Ayos ka lang ba talaga Shanti?" tanong na naman ni Phoenix bat naman puro tanong to kanina pa sya ah
Nag-thumbs up lang ako tas sinenyas ko na iwan nya muna ako don. May bigla namang pumalo sa puwet ko.
"Shanti! Napapano ka ba?" si Sam
"Nahihilo ako tae"
"Oh my god!" base sa pagkakarinig ko sa sinabi nya, malamang nakatakip yung palad nya sa bibig nya
"Siraulo. Hindi buntis. Nahilo ako sa kotse kasi kulob"
"Ahh ganon ba. Anong gusto mong pagkain?"
"Kahit ano. Pero kung may fishball, kikyam, pop corn, fries mas okay"
"Okay sige sabihin ko kay Rico"
"Tayong dalawa magluto ng mga yun gusto ko"
"Asus feeling chef ka naman e puro pagpi-prito lang ginagawa don"
"Che. Atleast luto padin. Go alis na magpapahinga muna ako"
"K" at narinig ko na ngang lumakad sya paalis
Makakaidlip na sana ako ng may umupo sa puwetan ko kaya napabalikwas ako. Yung umupo naman ay nahulog sa sahig
"What the eff?! Bakit mo ako tinulak?!" sigaw nung kung sinong hudas
Pagtingin ko roon sa sumigaw, si almost murderer
"Oh! Pagkakataon nga naman. Anong ginagawa mo dito ALMOST MURDERER" In-emphasize ko talaga yung word nayon para maalala nya yung krimeng muntikan nyang magawa
"Oh. Hi miss walking microphone. Bakit ka nandito? Are you stalking me?" sabi nya ng makatayo na sya mula sa pagkakabagsak
"Wow. Lakas rin ng apog mong tamod ka"
"W-what did you just say?" mamula-mulang tanong nya
"Tamod ka"
"M-me? A t-tamod?" napakagat labi pa sya. Ano yun? sayang saya sya na tinawag ko syang tamod
"Oo!"
"Well, ang cute non pakinggan. It is my first time to encounter a fan and give me a nickname like that. But btw what does tamod means?" tanong nya habang nilalaro yung mga daliri nya sa kamay
At first seryoso lang talaga yung tingin ko sakanya para magpigil. Pero nung tumingin sya sakin at nakita ko yung pamumula ng mukha nya hindi ko na napigilang tumawa ng malakas
"Hey hey why are you laughing?" Lito nyang tanong saakin. Hindi ko naman sya masagot dahil sobrang ako natawa napapahawak pa ako sa tiyan ko
"Hey Miss Microphone!" diko parin talaga mapigilan
"Shanti?"
"Damascus?"Pareho kaming napatingin sa tatlong nagpunta rito sa living room kahit hindi pa ako natitigil sa pagtawa
"Anyare Shan? Ang saya mo ata?"
Ilang beses akong bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko at nagsalita na
"Wala naman. May palabas lang sa TV kanina na sobrang nakakatawa kaya di ko na napigilan" liningon ko si Damascus
"Diba? Natawa karin diba?" dagdag ko sakanya at tumawa sya ng pilit. Di ko na rin napigilan ang matawa ulit dahil naalala ang sinabi nya kanina
"See? Nakakatawa yung napanood namin kanina" baling ko kina Sam
"Mapanood nga rin yun" sabi ni Sam
"Btw Shanti, nandyan na si Hagen at dala na yung mga pinabili mo. Lutuin nyo na ni Sam sa kusina"
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
AlteleDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...