Chapter 32

33 11 0
                                    

Shanti's POV

Nandito kami ngayon sa may tambayan namin. 8am vacant namin, ito sina Hagen, Phoenix, Blantyre, at Rico mga nakatutok sa kanya kanya nilang mga notebooks dahil mga kapwang hindi nakagawa ng assignment kagabi.

Si Samoa naman, ang tahimik. Hindi ko alam kung anong nangyari sa babaeng ito e. Wala din syang ka-ayos ayos ngayon.

"Samoa, bat ganyan itsura mo? Hindi ka man lang nag-ayos? Ano feeling mo? Woke up like that?"

Humarap naman sya sakin.
"Wala, tinatamad lang ako."

"Hindi na bago yan." irap ko at bumalik sa cellphone ang tingin. Napa-tss ako ng makitang sineen lang ako ni Damascus.

"Aba! Kapal nitong lalaking ito ah? Pag ako nakahanap ng kabit, iyak tong tamod na'to."

"Edi humanap kana para masubukan natin." angat sandaling tingin at sabi ni Blant sakin.

"Si Phoenix nalang kaya?" biro ko. Half meant HAHA. Napapansin ko kasi dati na parang may gusto saakin si Phoenix pero di ko lang pinapahalata.

"Huh? Ako? Hindi pwede."

"Bakit naman?"

"Magagalit nililigawan ko hehe." doon ako napatingin sakanya ng may nagugulat na ekpresyon sa mukha.

"Nililigawan? Ikaw?!"

Parang nagtaka pa sya bago sumagot. "Ah, oo."

"Sino? Diba ako gusto mo?" nakakabinging katahimikan na si Samoa lang ang nagwakas.

"Shanti? Naka-inom ka ba ng gamot mo? Really? Nasabi mo yan? Naging boyfriend mo lang si Dam, feeling mo ganda ganda mo na ah."

"Maganda naman talaga ako."

"Edi wow. Teka teka yung buhok mo, naaapakan ko na sa haba." sarcastic nyang sabi.

"Sino yang nililigawan mo dude? Bakit hindi ata namin alam yan." intrigang tanong ni Rico.

Napakamot sa ulo si Nix sabay tingin saming dalawa ni Samoa. "Baka kasi hindi magustuhan ng dalawang prinsesa natin e." tumaba naman ang puso ko sa sinabi.

Si Sam naman kinikilig kilig sa tabi ko. "Yieee ang sweet naman Fafa Nix. Libre mo ko mamaya bestfriend ah?"

Nix chuckled and nodded his head.

"Bat naman namin hindi magugustuhan? As long as mabuting babae naman sya-"

"Si Parisha."

Napanga-nga kaming lahat sa sinabi nya lalo na si Rico.

"A-ano?"
"W-hat?"
"Unsa, quelle, nani, mwo,  o que, kakiye, qué,  shénme?! exxag na tanong ni Sam.

"Oh baka may gusto ka pang idagdag Samoa?" Sarcastic kong sabi sakanya. Inirapan lang ako.

"Grabe ka, si Dr. Jose Rizal girl version ka ba?" manghang tanong ni Blant.

"Hindi." taray naman sakanya ni Sam at umupo na.

"Pano mo nalaman mga yon?"

"Internet."

"Marunong kapa ng ibang words non?"

"Nidhnxy."

"Ano yan?"

"A little bit." napapalakpak naman si Blantyre. Isip bata talaga.

"Gusto mo pumunta ng Thailand?"

"De ningún modo."

"anong sabi mo? wala akong modo?" tanong ni Blantyre.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now