Chapter 37

39 10 0
                                        

RICHARD's POV

"Maganda nga na makapag-spend ng time together ang dalawa para maging mas kumportable sila sa isa't isa."

"Oo nga po Ma'am Sabrina."

tumawa naman ito. "Ano ka ba Richard, magiging mag-balae rin naman tayo kaya huwag mona akong tawaging ma'am Sabrina."

"Ah eh sige balae."

"Yan ganyan. Naku kinikilig talaga ako sa mga anak natin. They make a good couple. What do you think?"

"Oo nga balae. Napakabuting bata din ng anak ninyo."

"Si Shanti rin naman, Richard. Excited na akong magka-apo."

napa-ubo naman ako dahil sa sinabi nya. "Napaka-bata pa po ng anak namin balae."

"Ayos lang yan, balae. Kaya naman namin silang tustusan. Magiging maayos ang anak mo saamin at magiging apo. Parang anak narin naman namin si Shanti at apo din namin ang magiging anak nila ni Hagen."

"Tao po! Tao po!" katok ng kung sino sa labas.

"Ah balae, sige na may tao sa labas."

"okay sige."

Pinuntahan ko na ang kumakatok sa may pinto. Pag bukas ko ay isang dalagitang naka-hapit ang bisitida sa kanyang katawan na may kasama pang isang babae.

"Can we come in?"

"Ah sigesige."

Nilibot naman nila ang kanilang paningin sa buong bahay namin.

"So poor."

"Why did Damascus even liked a girl who's poor as this?"

"Mahal, may ide-deliver- oh, mga kaibigan ba sila ni Shanti?" paglabas ng asawa ko mula kusina.

"Iww. We're not friends with your cheap daughter."

Nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi ng batang ito.

"Huwag mong pagsasalitaan ng masama ang anak ko ha! Nasa pamamahay kita!"

"So what, I'm still richer than you."

"Ayusin mo ang tabas ng dila mo iha. Gumalang ka sa mga nakatatanda." saway ng asawa ko at nilapitan ako.

"Pheoria, tama na." sabi nung isa at tumaray nalang yung tinawag nyang Pheoria. "I'm Kenna btw. I am Damascus's fiance. Pero ang anak nyo ay inahas saakin ang fiance ko. Nilandi nya. Inakit nya."

"Hindi magagawa ng anak namin iyon!" pagtatangol ng aking asawa.

"Oh well news flash, she already did it. I want you to stay your daughter away Damascus. Ako ang nababagay sakanya at hindi ang pipitsugin nyong anak."

"Wala kang karapatan-"

"May karapatan ako! Alam ko ang tinatago nyong sikreto." kapwa nahigit namin ng aking asawa ang aming mga hininga sa sinabi nya.
"Alam kong hindi ninyo totoong anak si Shantiella. Ninakaw nyo sya diba? Isa syang Petrou. Kaya kung ayaw nyong sabihin ko sa mag-asawang Petrou na buhay ang panganay nila at ninakaw nyo, ilayo nyo si Shanti kay Damascus ngayon palang kung ayaw nyong masira mga buhay nyo. Kakamuhian pa kayo ni Shanti. Gusto nyo ba yon?"

"P-pano mo nalaman?"

"Of course I have money. Kaya kong malaman lahat. So what's your decision now?"

"Oo s-sige. Ilalayo na namin sya sa fiance mo."

"Good. Asahan ko yan." nag iwan sya ng naka sobreng pera sa upuan at umalis na silang dalawa. Ang asawa ko naman ay nakayakap saakin habang umiiyak.


The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now