"Paki sulat nyo na muna itong mga pointers na kailangan nyo i-review for midterms exam ninyo." sabi ni Ma'am Adelaide
Habang nagsusulat ay nabiga naman kami ng marinig syang sumigaw. Mayroon syang kausap sa telepono at animo'y hindi sila magkasundo.
"Ano kaya yun noh?" haharapin ko na sana si Samoa ng magkauntugan kami dahil naka-dungaw na pala sya sa gilid ko
"Aray naman Sam!"
"Eh ikaw kasi e! Bat lingon lingon ka kase!"
"Aba ako pang may kasalanan ngayon?!"
"Oo ikaw nga ang may-" napatingin kami lahat ng padabog umupo ni Ma'am Adelaide sa desk.
Bata pa ang prof naming iyan. Nasa 25 palang ata siya kaya yung ibang seniors namin dito sa college ay nagkakagusto sakanya.
"Hala, umiiyak ba si ma'am?" bulong na tanong ni Sam
Kita kasi na umaaalog ang kanyang balikat at ang impit na hikbi.
Napatingin naman ako kay Sam ng bigla syang tumayo at tinanguan si Knoxel. Nilapitan nya ito at may binulong.
Nagsimulang mag-strum si Knoxel sa kanyang gitara at nagsimula namang kumanta si Samoa. I crossed my arms nagpa-dekwatrong upo habang pinapanood sila.
I am thinking of you
In my sleepless solitude tonight
If it's wrong to love you
Then my heart just won't let me he right
Cause I've drowned in you
And I won't pull through
Without you by my sideIn fairness, masasabi kong may talent rin itong kaibigan kong iton. Ng dumating ang chorus ay may ilang tumayo narin at nakisayaw ng sa beat nung kanta. Pinapatunog rin nila ang kanilang mga daliri
I'd give my all to have
Just one more night with you
I'd risk my life to feel
Your body next to mine
Cause I can't go on
Living in the memory of our song
I'd give my all for your love tonight"Ano ba, bakit ba kayo bigla nalang kumakanta dyan? Natapos nyo na ba ang pinapasulat ko?" panenermon ni Ma'am kahit may tulo pa ng luha sa mukha nya
Napakamot sa ulo si Knoxel. "Ah e ma'am di pa po. si sam kasi e." turo nya kay Sam.
"Aba't!" kunwaring uupakan nya si Knox kaya pinagkrus nya ang kanyang mga braso panangga. Hinarap naman ni Sam si Ma'am. "E mukha ka po kasing broken ma'am e, para mas dama ayan may pa background music po kami sainyo."
"Hoy Sam ikaw lang, dinamay mo pa kami ah." sabi ng isa naming kaklase at sabay sabay silang umupo
"Umupo ka na din Samoa. Hindi ako broken."
"Ma'am sure ka po? Sobrang na nga po yung luha nyo e."
"Yung tanim kong Santan, napitpit nung truck na dumaan. Sumikip raw kasi sa daan kaya kinailangan mag u-turn at natamaan yung mga tanim ko sa harap ng bahay." at bigla na namang umiyak
Nagdabog naman si Sam pagkaupo nya at nakakunot ang noo.
"Wala man lang nagsabing ang ganda ng boses ko. Sayang effort mga pre. Wala man lang naka appreciate?!" pabulong bulong nya.
"May sinasabi ka Sam?"
"WALA tae." natawa nalang ako.
Ng magbreak time na ay nakaabang na sina Rico and his gang sa labas ng pinto.
"Hi Sam."
"Hi Shan.""Tae bat parang tunog panlalaki naman mga pangalan naten." arte ni Sam
"Ayos lang yun baby. Panlalaki man ang pangalan mo, ikaw lang ang babae sa puso ko." natahimik naman kami lahat sa sinabi ni Rico *nakabibinging katahimikan*

YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
RandomDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...