SAMOA'S POV
Maaga akong gumising para ipagluto si Rico. Gusto kong bumawi sakanya at pawiin ang pagtatampo nya.
Pupuntahan ko na din sya sa kanila para makapag-usap kami at sabay na kaming pumasok sa DHVSU ngayong araw.
"Ma, Pa alis na po ako."
"Aga naman ata?" tanong ni mama.
"Eh, kakausapin ko pa po si Rico, nagtatampo ang loko e." natatawa kong sabi.
"Nako. Kayo talagang mga kabataan. Sige ingat ka."
"Ow yezz zir." sabi ko at nag-mano sakanila.
Ng makarating na ako sa may gate nina Rico, nag door bell na ako at pinagbuksan ako ng gate ng mga maids nila.
Excited akong pumasok sa bahay upang makita si Rico.
"Gising na po ba si Rico, manang?"
"Ay ma'am, hindi pa po sya gising maaga pa po e."
"Sige po puntahan ko nalang po."
"Sige po."
Ng makarating na ako sa loob harap ng kwarto ni Rico ay hindi na ako kumatok. Hinawakan kona ang seradura ng pinto at nabigla ako ng makita kung sino ang mga nasa kama.
Nabitawan ko ang dala dala kong lunch box at ang bag ko.
Si Rico may kasamang babae sa kama. Mga walang saplot. I smirked, gustong gusto ko pa naman syang kausapin ngayon tapos ganito ang bubungad saakin.
I clapped my hands para magising sila. Nag inat naman si Rico at napabalikwas ng upo ng makita ako.
Napatakip pa sya ng kanyang katawan.
"S-samoa."
"Hi Rico. Good Morning. Sobrang lamig na ba nating dalawang kaya nakuha mong magpainit sa kandungan ng iba?"
"S-samoa. Hindi. Mali ang iniisip mo."
"Mali?" napatawa ako ng pagak. "Sasagutin na sana kita ngayong araw Rico e. Makikipag ayos at babawi. Ito oh, pinagluto pa kita ng favorite mong sisig. kaso ganto pala ang aabutan ko. Masarap ba? Magaling ba yang si Pheoria?"
Dahil siguro sa sigawan namin ni Rico ay nagising ang katabi nyang si Pheoria. Oo kilala ko sya dahil kilala syang Math Professor sa OLFU. Doon kasi nag aaral ang pinsan ko at marami daw nagkaka-gusto dito.
"Samoa please, let me explain."
"Sorry, Rico. Diba sinabi ko na una palang? Wala akong pake kung sino ang nagsimula sainyong dalawa? Marami kang magagawa Rico pero ni isa wala kang ginawa." nagsuot na sya ng boxer at lumapit sakin habang lumuluha.
"Please, Samoa. Hayaan mo naman akong magpaliwanag."
"Huwag mo akong hawakan. Nandidiri ako sayo Rico."
"Samoa please naman. Wag ganito pag-usapan natin pakiusap, Samgyupsal ko." sa pagpupumiglas ko sa kanyang yakap ay lumuhod sya at ang baywang ko naman ang kanyang niyakap.
"Please Sam, kahit anong gusto mong ipagawa, gagawin ko. Kung gusto mo akong parusahan sa nagawa ko buong puso kong tatanggapin huwag mo lang akong iwan Samoa." hagulgol nya sa baywang ko.
Pati ako naluluha na din sa nakikita kong Rico ngayon ngunit kailangan kong tigasan ang aking puso because HE CHEATED.
"Anak? Anak?" tinig ng isang babae. Palingon ko, mommy ni Rico.
May mga maids na ding nasa labas nh pinto.
"Tita." sabi ni Pheoria.
"Oh hi Samoa."
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
De TodoDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...
![The Havoc's Tamer [completed]](https://img.wattpad.com/cover/229880064-64-k430143.jpg)