Chapter 14

54 15 0
                                        

Gaya ng napag-usapan ay nagkita nga kami ni Samoa ng alas kwatro.

"Nagtext na saakin yung kaklase ni Myers. Palabas na raw sa building. Tas sinabi nya na may naghahanap sakanya sa library kaya papunta na doon."

Napataas ako ng kilay. "Classmate? Nya? buti may number ka? Babae ba yun o lalaki?"

Napanguso naman sya. hay nako. "Wag kang maingay kay Rico ah? It was a boy. Si Quinton Bryce."

"Uh-huh?"

"Hindi ako nakikipag-flirt sakanya if that's what you're thinking, Shanti. Loyal ako kay Noah este kay Rico. Quinton is just for mission okay?"

"Uh-huh?" malapit na syang mainis malapit na

"Taena! Tara na nga baka umalis na sa library si Myers." nagpatinod nalang ako sa paghila nya at nagpunta na kami sa library.

"Wala ngayong bantay dito. May meeting lahat ng staffs ng school kaya mag isa lang si Myers sa loob." sabi ni Samoa at dahan dahang binuksan ang pinto.

Ni-lock ko naman yon para mawalang makapasok na ibang estudyante.

"Hmm. Myers." pagtawag pansin ni Samoa sa babae. Nagulat naman itong napalingon saaming direksyon

Feel na feel talaga ni Samoa ah?

"B-bakit?"

Naglakad si Samoa. Taka akong napatingin sakanya kahit nakatalikod sya sakin ng marinig ang paglalakad nya.

Kelan pa sya nagsuot ng may takong na sapatos?

Napahawak ako sa aking ulo. Hay bat pa nga ba ako magtatanong e panigurado kasama na naman yan sa trip nyang parang pa-prosecutor ang effect.

Naupo pa sya doon sa lamesa at nagdekwatrong upo.

"May gusto ka bang sabihin?"

"A-ano namang sasabihin ko?"

"Hmm. Kahit ano. Ano bang nasa isip mo ngayon?"

"W-wala."

"Talaga ba?"

"Oo n-naman."

"Hayy nabalitaan mo na ba? Yung nangyaring pagsu-suspendido kay Seoulfaye? Nakakaawa sya noh?"

"Sinong S-Seoulfaye?" tanong nya na nakita ko pa ang sabay nyang paglunok na animo'y may bumabara sakanyang lalamunan

"Omg'" napatakip pa sa bibig si Sam. "Hindi mo kilala si Ate Seoulfaye?"

Napailing si Alexa ng nakapikit. "Hindi e-eh"

"Ahh ganon ba." tango tango pa si Samoa.

Mukhang wala kaming makukuhang impormasyon ngayon dito sa babaeng to kaya sumingit na ako.

"Ikaw babae ka bumaba ka nga riyan. Wala yung libro na pinapahanap mo. Umalis na tayo."

"Ihh huwayy huwayy huwayy??" binalingan naman nya pagkatapos si Myers. "Uy na-intimidate ka ba?" lakas talaga ng apog nito.

Tumango si Myers. "Parang napaka sungit m-mo kasi kanina."

"Ay nako. Joke joke lang yon. Tinry ko lang gayahin yung idol kong fictional character. Si Maxpein. Though lagi kong sinusubukan maging sya, palagi akong nahuhulog sa mala-Naih naman. Ay nakonako."

Batid kong nawala ang kaba ni Myers dahil sa pagka-kwela na ngayon ni Samoa

"O pano mauna na kami. Bye"

Ng makalabas kami ay dumaing daing naman tong babaitang ito.

"Taena ang sakit pala nito sa paa. Feeling ko nanigas mga binti ko e."

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now