Chapter 39

46 10 0
                                    

DAMASCUS'S POV

Maaga akong nagising para mapaghandaan ang date namin ngayon ni Shanti.

Bumangon na ako at nagligpit ng pinaghigaan.

"Sabi nya kailangan ko daw ayusin ito lagi pag ka gising ko." ngiti ko ng maalala ang bilin nyang iyon saakin.

Lumabas na ako para tingnan kung may almusal na.

Naabutan ko sina mom at dad na nasa dining room umiinom ng kape while Dad's reading a tabloid.

"Ang aga anak ah?"

"Of course mom, this will be my best birthday because I'm gonna celebrate this with the love of my life."

"Magseselos na ba kaming pamilya mo kay Shantiella anak?" natatawa nyang biro kaya natawa nadin ako.

"Hindi naman po, ma. Lahat po kayo mahal ko. Pero syempre iba si Shanti."

"Sige na sige na. Ano bang mga plano mo today?"

"Hmm, we'll eat breakfast together, watch movie, ride the rides at Sky Ranch, Eat lunch, go to a animal farm kasi mahilig po sya sa animals then kapag hapon na, I want us to watch the sunset together, and have a romantic dinner."

"Planadong planado ang mga gagawin mo ngayong araw anak ah?" tawa ni Dad sabay inom ng kape.

"Syempre naman Dad. Sige na po mag aayos na ako."

Naligo na ako, at kumain. Tinext ko na din si Shanti na mga 7am ay aalis na ako dito saamin.

Ang sarap naman sa pakiramdam na mahal ako ni Shanti at mahal ko sya.
Bakit kaya may mga taong nagloloko pa kung naramdaman naman nila ang ganitong pakiramdam?

For me, no need to cheat, because it fvckng feels good that you are not fooling anyone.

Nag-drive na ako papunta sa bahay nila. Hindi mawala wala sa mukha ko ang pagkaka-ngiti.

Ano kayang suot nya ngayon? Naka-dress kaya sya? She should wear dress often cause it looks good on her, really.

Dress is making her more beautiful and precious in my eyes especially when it's mixed with her beautiful smile.

Nag-slow down na ako sa pag-mamaneho ng malapit na ako sa bahay nila. Pinatay ko ang makina at kumatok na.

Pinagbuksan naman ako ng kanyang ama.

"Magandang araw po. Si Shanti po tito?" ngiti ko.

"Hali ka,  sa loob Damascus. May gusto sana akong sabihin sa iyo." napakunot naman ang aking noo sa pagtataka pero sumunod nalang ako.

"Maupo ka." anyaya nya saakin.

The house seems so quiet. Parang iba ang awra nito ngayon.

Dati rati naman kapag dumadalaw ako dito ay laging nasa paligid sina Tita Shania at Migos.

"Gusto kong layuan mo na ang anak namin, Damascus."

Tila tumigil ang pagtibok ng aking puso sa sinabi ni Tito Richard. Hindi ko inaasahan ang kanyang sasabihinnm ngayon saakin.

Diretso lang ang tingin nito at walang karea-reaksyon ang mga mata. Hindi tulad ng kilala kong Tito Richard noon na laging naka-ngiti tuwing nakikita at nakakausap ko.

"B-bakit po tito? Hindi ko naman po magagawa yan."

"Damascus, alam kong mahirap ngunit kailangan mong kayanin iho. Kagabi lang, sinabi saakin ng aming anak na may iba na syang nagugustuhan. Nawawala na raw ang kanyang nararamdamang pagmamahal para sa iyo."

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now