"Astig ka Shanti. Nagawa mo yon kay Damascus? Iba ka teh"
Kinwento ko kasi sakanya yung nangyari kaninang umaga ng makaengkwentro ko yung lalaking pinagkakaguluhan nila.
"Sira kasi sya e. Malapit na nyang masagasaan yung aso! Parang wala namang mga mata yun. Kawawa yung aso" sabi ko sabay subo ng Piattos
Nandito kasi kami sa shed nakaupo. Vacant namin. 2 hours ang vacant naman this day kaya tambay tambay lang
"Malay mo naman may ka-call sya kaya hindi nya napansin"
"Kahit na! Nagda-drive sya, nasa daan sya kaya bakit sya magcecellphone? Pwede naman nyang gawin yun pagkatapos nya magmanameho okaya itabi nya muna."
"Malay mo b-"
"Pinagtatanggol mo talaga Sam ha? Alam mo namang galit ako sa mga reckless drivers. Isa sa mga tulad nila ang nakabangga sa aso ko. Napasakit na makitang nakahandusay yung aso mo sa daan na hindi gumagalaw. Ang sakit na hirap na hirap syang sumubok na makatayo at lumakad papunta sayo dahil iyak ka ng iyak at naririnig nya boses mo. Thankful nadin kami ng family ko dahil kahit hindi namin napa-vet noon si Bambam e gumaling sya. Yun nga lang may bukol parin sya at medyo naging sensitive nga lang" mahabang pahayag ko sakanya na medyo naluha pa
Hindi ko talaga makalimutan ang pangyayaring yon. Hirap na hirap si Bambam. Para syang baldado sa loob ng ilang linggo. Hindi din sya gano kumakain non kaya binilhan namin ng Dextrose Powder. Wala namang pera pampa-vet kaya sa Prayer sa Panginoon lang talaga ang kaagapay namin nina mama non.
"Ang lala nga ng nangyari kay Bambam noon. Naintindihan naman kita Shan, pero malay mo may rason din yung tao kaya ganon"
"Hindi. Wala. Tanga sya. Di sya nag iingat" she just sighed with what I said
Nagpatuloy lang kami sa tahimik na pagkain ng dumating ang grupo nina Rico. Naramdaman kong nag iinit ang mukha dahil sa nangyari kanina sa may food stalls.
"Hi Sam." bati nya kay Sam at umupo sa tabi nya. Ang mga alipores nya'y ganon din ang ginawa. Umupo rin kasama namin
"Hello Rico" pabebe pang sagot nitong katabi ko. I just rolled my eyes
"Oh bat mo iniikot yang mata mo ms. assumera" Tanong ni Phoenix na nakaupo na sa tabi ko. Aba wala akong naalalang pinayagan ko syang tabihan ako ah?
"Wala kang paki"
"Oooh. ang sungit mo naman" he said while pouting his lips. I just ignored him
"Ano ba!" sigaw ko sakanya sabay hablot pabalik ng kamay ko. Pano ba naman kasi bigla nya nalang kinuha
"Bakit namumula yang kamay mo?" kunot noong tanong nya
"Wala kang paki"
"Bakit nga?"
"Kulit mo e noh? Sabing wala nga kasi e! Di makaintinde ganon? tss"
"Napakasungit mo naman nag-aalala lang naman ako e." nagmamaktol na sabi nya
"Nagtatanong lang naman kasi kung bat namumula yang kamay nya naninigaw na agad" pabulong bulong nya pang dagdag e naririnig ko naman
Bat nga ba ako nagsusungit sakanya e wala naman nga syang ginagawa. Ayan gumagana na naman si konsensya. I sighed before speaking again
"Tss. Wala. May hinampas lang ako na kotse kanina" sabi ko ng hindi tumitingin sakanya
"Hinampas na kotse? Bakit? Saan?"
"Wala. Epal lang yung driver sarap sabunutan" sa tuwing naalala ko yung pagmumukha ng leche nayon at yung muntikan na nyang pagsagasa sa aso nag iinit talaga ulo ko e
Napatigil lang ako sa pag-alala sa nangyari kanina ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Pagtingin ko si Phoenix
"You're balling your fists. Relax okay?" he said with a smile
I stared at him. Hindi ko alam kung bakit parang nakakagaan ng pakiramdam yung pagtingin ko sa maamo nyang mukha.
I erased that thought. Panigurado kahit sino namang tumingin lalaking ito ganito yung mararamdaman.
"Shanti, sama ka mamaya punta tayo kina Rico. Food trip tayo"
"Kayo nalang wala akong pang ambag" Rico chuckled
"Parang namang hahayaan ko kayong gumastos sa pagpunta nyo saamin. I'm courting Samoa and you are her friend so you're my friend now too"
"Sure ka? Baka mamaya may hidden agenda ka. May pinaplano kang masama laban sakin dahil tinapakan ko yang paa mo"
"Mukha ba akong masama sayo? Ofcourse I would not do that, Shantiella"
"Oo nga Shanti sumana kana para hindi boring. Mas maganda marami" singit ni Blantyre. Tingin ko sakanilang apat itong si Blant ang pinaka-matakaw. Tingin ko lang
"Sama ka na Shanti" aya rin ni Phoenix saakin. Nararamdaman kong may nakatingin sakin kaya napalingon ako sa direksyon kung san iyon. At nahuli kong nakatitig saakin si Hagen. Ni hindi man lang sya natinag ng tiningan ko sya kaya ako na ang unang pumutol sa tinginan namin
I faced Phoenix and said Yes. Besides libreng pagkain din naman yun. I said to myself.
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
RandomDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...