1 year later...
"Hayy, home sweet home." sabi ko pagkababa mula sa kotse.
"Mag-papahinga muna tayo. Atat kana nyang makipag-galaan kasama sina Samoa e." sabi ni Hagen na kinuha na ang mga bagahe namin sa likod ng Van.
"Namiss ko itong pilipinas. Really. Sayang lang at balik 1st yr tayo. Sina Samoa 2nd year na nyan." sabi ko habang papasok na kami sa loob ng bahay.
"Don't worry, sa course mo ako lilipat this year para may kasama ka."
"Huh? Wag na. Engineering gusto mo diba?"
"Noon yun, nang buo pa kami nina Rico. Pero ngayong hindi na, ikaw nalang ang sasamahan ko."
"Buo pa rin naman kayo e. Magka-hiwalay nga lang ng mga papasukang classroom at subjects." natatawang sabi ko. Nagkibit-balikat nalang sya.
"Ate!"
"Anak!"Sinalubong ko sina Mama Shania, Papa Richard at Migos ng yakap.
"Namiss kita ate!"
"Na-miss korin kayo."
"Hi, kuya Hagen."
"Yo, Migos." nag fist bump naman sila.
"Nakahanda na yung kwarto, baka gusto nyong magpahinga na?"
"Nakatulog na po ako sa buong biyahe ma. Gusto ko na pong makita sina Samoa at Damascus."
Natigilan naman sila lahat ng marinig ang binanggit kong pangalan.
"May... problema po ba?"
"W-wala naman anak. Halikayo, kumain muna kayo ng almusal."
Napangiti ako ng malaki. "Yes! Namiss ko ang mga masasarap mong luto ma!"
"Talaga? Nagluto talaga ako ng Kare-kare at pochero."
"Kailangan mong matikman ang Kare-Kare at Pochero ni mama. Sure na makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo yon." sabi ko kay Hagen.
"Sure." nakangiti nyang sabi.
NAGPUNTA kami kanina ni Hagen sa bahay nina Samoa pero ang sabi ng mama nya ay sinundo sya ni Rico at pumunta sa bahay nila.
"Tindi talaga nung dalawang iyon. Akalain mo, naka isang taon na sila? Partida first time pa magka-boyfriend ni Samoa pero swerte dahil umabot na sila ng taon."
"Parang sa tono mo naman, SK gusto mo silang maghiwalay na ah?" tumatawang biro ni Hagen kaya pinalo ko.
"Sira ka. Hindi noh. Syempre, gusto ko naman na magkatuluyan sila. Parang tayo. Gusto ko sila mga magiging ninang at ninong ng mga anak natin."
"Lugi tayo kay Samoa. Alam mo namang kuripot yon." at nagtawanan kami.
Ipinark ka ni Hagen ang kanyang kotse sa may tabing daan at sabay na kaming bumaba at kumatok sa may gate.
"Ma'am Shanti, Sir Hagen. Nakabalik na po pala kayo?"
"Ah opo manang."
"Welcome back po. Nasa kwarto po sina Sir Rico at Ma'am Samoa."
"Sige po puntahan nalang namin. Salamat."
"Sinabihan mo ba si Samoa na pupuntahan natin sila?" tanong ko kay Hagen.
"Nope."
"Good. Gusto ko silang i-surprise."
Ng makarating kami sa harap ng kwarto ni Rico ay hindi nakami kumatok dahil naka-bukas naman ng kaunti ang pinto.
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
RandomDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...